Puppy Love: Heartbreak Part II

4 22
Avatar for Meraki
Written by
2 years ago

Magandang araw sa inyong lahat, ngayon lang ulit naka bisita, dahil mayroon akong pinagkakaabalahan. Itutuloy ko na iton istorya na ito. Sa totoo lang binase ko ito sa henerasyon ko. Kasi nauso noon ang textmate, naabutan ko din yung mayroon pa magbibigay ng loveletter. Lalo na kung valentines. Dati kilig na kilig ako pag nabibigyan ako ng love letter o kaya simpleng regalo. Mga iningatan ko yun dati. Pero nang nagka asawa na ako, hindi ko alam kung saan na yun napunta hahah. Oh siya simulan ko na ito...

Kung hindi niyo nabasa ang Part I, ito po ang link https://read.cash/@Meraki/puppy-love-themesong-later-part-i-c3687100

Nagpalitan nga ng simcard si Angelo at Jannah. Palagi silang magka text. Hanggang sa antukin na sila sa gabi. Kahit meron nagtetext kay Jannah na nanliligaw, at lalo yung mga classmates ni Jannah na crush siya ay hindi naman nagalit si Angelo.

Tumatawa na lang ito dahil hindi niya akalain sa dami na nanliligaw kay Jannah ay sa kanya pa ito nahulog ang loob.

Hanggang sa meron tumawag sa sim ni Angelo na hawak ni Jannah. Nagpakilala ito na friend ni Angelo pero girlfriend pala ito dati ni Angelo. Hindi naman nagalit si Jannah magiliw pa rin na kinausap niya ang ex ni Angelo. Kahit sa isip niya naiinis siya dahil kinikwento pa nito ang mga ka sweetan noon ni Angelo sa kanya. At tumatawag pa raw si Angelo hanggang 1:00am. Akala siguro ng ex ni Angelo na maapektuhan si Jannah sa mga kwento niya.

Magiliw pa rin niya itong kinausap at ang malala pa ay gusto pa itong makipag kaibigan sa kanya. Dahil sa mabait itong si Jannah kaya tinanggap niya. Kasi hindi naman sila magkikita sa personal.

Pero kinausap niya pa rin si Angelo kung bakit tumawag yung ex niya. Sabi ni Angelo magkaibigan nalang daw sila at magkababata din kaya mayroon pa silang komunikasyon.

Naging maayos naman ang relasyon nila, kahit minsan na lang sila magkita, pero madalas silang magka text at tawag. Sobrang nainlove si Jannah kay Angelo dahil sa bukod sa mabait,masayahin,palakanta at napakasipag din nito.

Minsan nga kinakantiyawan siya ng mga kapatid at kaibigan niya kasi raw parang bakla kung kumilos. Pero ganoon lang talaga yun, mahinhin lang kumilos.

Hanggang isang gabi yung ka boardmate ni Jannah na si Noel ay mayroon sinabi sa kanya. Galing si noel sa ilog, dahil nag igib ng tubig.

Noel: Jannah pumunta ka sa ilog.

Jannah: Bakit? Anong gagawin ko naman dun?

Noel: Lumalandi yung boyfriend mo, mayroon kasamang babae.

Jannah: Anong ginagawa nila?

Noel: Nag iigib yung babae at tinutulungan ng boyfriend mo.

Jannah: Ahh baka naman tinutulungan lang niya. Hayaan mo na.

Noel: Bahala ka, ikaw din. Baka niloloko ka na ng bf mo..

Jannah: Ano ka ba, hindi yun magagawa ni Angelo sa akin.

Pero alam ni Jannah na mayroon pagtingin sa kanya si Noel. Dahil nag tapat ito sa kanya pero binasted niya, kasi nga boyfriend niya na si Angelo.

At nakita nga ni Jannah na meron tinutulungan si Angelo na babae at sa katapat lang ng bahay na inuupahan na boarding house ni Jannah. At napag alaman niya na katulong pala sa bahay na yun yung babae na tinutulungan ni Angelo. Pero hindi na niya inusisa si Angelo dahil tiwala naman siya dito.

Natapos yung school days na naging maayos naman ang naging relasyon nilang dalawa. Sa katunayan si Angelo ang first kiss ni Jannah. Pero hanggang doon lang muna sila sa kiss dahil hindi pa puwede hahah. Pumayag lang si Jannah na ikiss ni Angelo dahil mahal niya ito.

Hanggang sa bakasyon na kaya umuwi na si Jannah sa kanilang baranggay. At hindi na sila nagkikita ni Angelo dahil graduate na si Jannah ng highschool, naging madalang na din silang mag usap sa text man o tawag.

Kahit christmas at new year ay nakalimutan na ni Angelo na batiin si Jannah. Hanggang sa mag first anniversary nila ay gabi na ng batiin ni Angelo si Jannah. Nakaramdam si Jannah na wala nang oras sa kanya si Angelo. Tila hindi na siya naaalala nito. Samantalang itong si Jannah ay napupuyat sa kahihintay ng tawag at text ni Angelo.

Hanggang sa napagod siya at nakipag break kay Angelo. Kahit anong paliwanag ni Angelo ay hindi na niya pinakinggan. Pinutol niya na rin ang komunikasyon nila ni Angelo.

Ilang araw na ang lumipas mula ng nakipag hiwalay si Jannah kay Angelo, doon naman niya nalaman na girlfriend pala ni Angelo, yung tinulungan ni Angelo mag igib na babae sa tapat ng boarding house niya. Ang masaklap pa ay mas nauna ito kesa kay Jannah. At doon lang na realize ni Jannah na yung isang taon nilang relasyon ay puno ng kasinungalingan at panloloko.

Dahil sa usaping financial kaya hindi na nakapag aral si Jannah ng college. At wala nang naging balita si Jannah kay Angelo. Kahit nasaktan siya ng sobra ay pinilit niyang mag moved on. Ito yung kauna unahang umibig siya pero sa maling tao pala.

Pagtatapos.....

photo edit is mine

Ang sarap balikan yung mga puppy love noon. Yung mga crush lalo na yung mga nanliligaw noon. Nakakakilig di ba. Pero meron din puppy love na naging worst yung ending kagaya kay Jannah at Angelo. Pero dun tayo natuto sa mga heart break natin sa buhay. Pero parte yan ng kabataan natin. Ang mapapayo ko lang wag magpapadala sa bugso ng damdamin lalo na kung hindi ka pa sigurado kung seryuso ba siya sayo.

Thank you po sa mga magbabasa nitong article ko. Iwan ko kung tama ba itong mga sulat ko hahaha. Pag pasensyahan niyo nalang po. :^)

6th Article
Puppylove: Heartbreak by Meraki
06-30-2021

Lead image source: marah-bashir-yCy29TG4j88-unsplash.jpg

2
$ 0.08
$ 0.05 from @ARTicLEE
$ 0.03 from @Ling01
Sponsors of Meraki
empty
empty
empty
Avatar for Meraki
Written by
2 years ago

Comments

Woyy ano ba naman ito Sissy hahaha, kainis na Angelo to, di bagay sa kanya name nya:D

$ 0.01
2 years ago

🤣 hindi sila meant to be sissy.. Ganda ng pangalan tapos babaero😁

$ 0.00
2 years ago

Walang poreber hehe. Saklap naman. Ang bait pa naman ni Jannah. Nagtiwala ng todo sa guy.

$ 0.02
2 years ago

haha meron naman sa tamang tao .. true hndi niya deserve yung guy

$ 0.00
2 years ago