Heyyaa!! kumusta mga kapwa kong ka readcash. Hindi ako makatulog kaya naisipan kung magsulat.
Nung bata tayo mayroon tayong kinahihiligan. Kung ano ang uso yun ang gagayahin natin. Kasi nakaka engganyo din di ba. Kahit pina patulog ako noon sa tanghali, hindi ako natutulog haha.
Lastiko
Isa ka rin ba sa naglaro nito? Natatandaan ko pati si tatay nakikipag laro nito sa amin. Tapos yung mga pinsan at kapitbahay namin na kapwa bata ay naglalaro kami nito. Tapos kung talo bibili ulit ng lastiko sa nanalo. Ang saya lang. Tinago tago ko pa ito para hindi paglaruan ng kapatid ko at hinihiwalay hiwalay ko ang magkakapareho na kolor. Pag si tatay nakikipag laro nito sa amin tatalunin niya kami pagkatapos bibigay niya din sa amin.
Teks
Ito naman ang teks, pipiliin ko noon yung teks na bago at laging nananalo. Tapos yung bago ay tinatago ko muna, tapos luma yung pinang pupusta ko. Favorite ko yung sa Darna na kay Angel Locsin tapos yung sa Encatadia at mulawin din. Isang beses noon dahil hindi ako mautusan at nakikipaglaro lang ako sa labas kaya sinunog ng ate ko ang teks ko. Iyak ako ng iyak nun at galit na galit sa ate ko. Kasi pinaghirapan ko ipanalo tapos sinunog lang. Ang ending mas lalong hindi ako sumunod sa utos niya hehe.
Sumpak
Nakaranas ba kayong gumawa din nito? Ako oo, dahil ako lang gumagawa niyan para sa sarili ko, wala kasi akong kapatid na lalaki kaya hindi ako makapag pagawa. Kaya humahanap nalang ako ng kawayan na gagawin stick para sa sumpak na yan. At ang bala niyan ay yung papel na binabasa. Patago lang din ako gumagawa kasi pinapagalitan ako pag nakita nila na hawak ko yung itak baka raw kasi masugatan ako. Tinataon ko lang noon na tulog si tatay para makuha ko yung itak at makagawa ako.
Gagamba
Yung tuwang tuwa ako pag nakita ko sa bubong ng bahay na madaming gagamba. Pagkatapos kukuha ako ng walis tingting at saka ko kukunin ang gagamba. At inilalagay sa kaha ng posporo na wala ng laman. At saka namin pag aawayin. Pero hindi namin pinapatay. Pag sawa na kami sa paglalaro, pinapakawalan din namin yan.
Bato Lata
Ito yung lata ng sardenas tapos ilalagay sa gitna ng bilog at may isang bantay sa lata tapos babatuhin ng tsinilas para mailabas siya sa loob ng bilog. Tapos takbuhan para kunin ang tsinilas at para hindi maabutan ng bantay, hahaha ang saya ng larong ito. Kaya tuwing hapon naglalaro kami nito at pati matanda nakikitawa din dahil nanood sila.
Pitik
Ito yung maiiyak ka pagkatapos ng laro hahaha pero kami tawa lang, pag hindi pumapasok ang teacher namin noon sa elementarya ito yung laro namin para pampalipas ng oras habang walang teacher dahil hindi naman pwede lumabas ng classroom, paramihan ng tao sa libro. Pipili lang kung saang side kaliwa o kanan tapos kung sino yung meron pinaka maraming tao siya yung pipitik. Sakit kapag maraming pitik haha.
Jackstone
Jackstone ito noon ang uso sa eskwelahan, pag recess time na umpisa na ng laro. Pati mga lalaki naglalaro nito hahaha. Lahat ng steps nito alam ko. Sabi ng iba nakaka bobo daw maglaro nito, depende lang naman kasi kung maglalaro nalang nito palagi wala talagang matututunan. Pero panakot lang siguro yun noon para mag focus sa school ang mga mag aaral noon. Ngayon wala na akong nakikita na naglalaro nito.
At nang teenager na ako ito naman ang hilig ko
PocketBook
Ito naman yung nakahiligan ko nung teenager na ako, nakita ko lang ito noon sa mga ate ko, nakita ko na nagpupuyat sila para dito. Pero highschool na sila noon pag umuuwi sila sa bahay ito yung nakikita ko na binabasa nila, tuwing sabado sila umuuwi dahil medyo malayo ang school ng highschool. Kalaunan pag tapos na sila sa isang pocketbook ako naman ang nagbabasa, yung isang pocketbook ang dali nilang matapos pero ako mga 5-10 page lang siguro nababasa ko sa isang araw kasi patago tago lang ako magbasa, kasi pinapagalitan ako ni tatay o kaya ni nanay. Bata pa raw ako kaya bawal pa ako sa ganyan. Hanggang sa nag Highschool ako nagbabasa pa rin ako ng pocketbook pag walang pasok, minsan nanghihiram ako sa pinsan ko. Lalo na yung series ng Fuentebella,El Greco, Martha Cecilia, Precious Heart Romance at marami pang iba.Pag walang pocketbook ay korean naman pinapanood namin. Kpop lover ako noon, pero ngayon hindi na masyado. Wala na akong time manood ng Kdrama.
Ebook
Ito naman ang sumunod sa pocketbook ang Ebook reader. Pwede ka magpapasa ng Ebook via bluetooth. Kilig na kilig din ako dito noon, marami akong ebook sa keypad cp ko noon, kahit tapos ko na basahin hindi ko binubura. Buntis ako sa panganay ko noon nahilig ako nito sa pagbabasa.
Closing thoughts
Ang sarap balikan ng nakaraan. Kung pwede lang gumamit ng time machine para bumalik sa nakaraan ay ginawa ko na. Lalo na noong kabataan natin, walang iniisip na problema. Puro laro lang at kasayahan. Mas masaya noon maging bata kesa ngayon dahil ngayon gadget na ang hawak ng mga bata. Hindi na pinagpapawisan. Kaya kahit bata pa lang meron nang highblood at kung ano anong sakit.
Ang sarap balikan ang mga larong yan. Naglalaro ka pa nyan? haha! Hilig mo din pala magbasa. Galing naman :)