read.cash Log in
@Megeorgia

Snack Time Dahil nagutom akong bigla sa mga masasarap na post ninyo dito kaya nag-hanap ako ng mame-meryenda sa fridge. Umorder ako ng mga kakanin sa pamangkin ko kaninang umaga, biko at tibuk-tibok. Pero ito munang biko ang kakainin ko. Mamaya na lang iyong iba. He-he! Dapat matutong magtipid para di maubos agad. Ha-ha! Sino sa inyo ang nakaka-relate dito, na kapag nakakita kayo ng masasarap na food dito gusto niyo ring kumain? Hehe! Pero sa totoo lang hinahanap-hanap ko talaga ang mga food posts niyo. Kaya iyong mga food lover na gaya ko, go on posting your yummy foods. Ayon nga sa mga eksperto, ang pagpo-post ng mga pagkain ay nakapagpapasaya ng puso. It even helps patients recover from eating disorders like anorexia. So, huwag magpigil sa pag-post ng mga foods dito mga dear noisers! Kahit mga simple lang ang mga food posts ko na karaniwan naming kinakain dito sa bahay, nagagalak ko pa ring ibahagi sa inyo ang mga ito. Ha-ha! First picture ang katatapos ko lang kainin na snack ko. Ang 2nd at 3rd photo ay ang lunch namin kanina. At 4th ay ang fruits for desserts. Sige, breaktime muna mga noisers, eat your snacks na bago natin ituloy ang masaya at maingay na interaction dito.๐Ÿ˜€

43 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.