Advance Merry Christmas to all!
Welcome back ulit sakin hihi medyo maluwag na po ang schedule ngayon kasi wala ng pasok. January 3 po ang enrollment namin para sa 2nd sem. Musta po kayo? Year-end party po namin kahapon, simpleng celebration pero memorable❤️ hindi kami kumpleto, pero iniisip naman namin sila habang nagsasaya. Musta po mga year-end party nyo po? Ano po yung niregalo nyo tapos yung natanggap nyo? Haha sakin po tumbler regalo ko tapos toothpaste po nareceived ko 🤣
Magandang gabi po! Noodles po tayo hehe hapunan ko po.. gumagawa parin po kami ng FS huhu kakapagod pero kailangan namin matapos to gahol na po. Musta po kayo?? Kain po!
Isang nakakapagod na araw po sa lahat. Sobrang sobrang sobrang busy po namin ngayong araw, tignan nyo po ginabi kami para maipass lang po sa school, sa guard nalng daw po namin ipass kasi until today nalang daw po yunh pasahan kaya kahit gabi talaga gora po kami. Nakakatakot po talaga sa school namin pag gabi kaya hindi ako tumitingim kung saan saan hahaha musta po kayo? Napaka dalang ko pong mag tambay dito kay noise, once na matapos po lahat ng gawain namin, tatambay na po ulit ako dito. Ingat po lagi!!
Good morning po! Musta po ang mga tulog ninyo? Share ko lang po itong picture na kinuhanan ng pamangkin ko, ni remini ko nalang po para luminaw haha, lumibot po kasi kami noon sa eco park sa lugar nila nung nasa bulacan pa po ako. Nababawasan talaga problema ko at gumagaan pakiramdam pag nakakauwi ako samin. Yon lamang po! Mag iingat po lahat ❤️
Weekends nanaman po mga kaingay! Musta po kayo? Sobrang busy po ng mga tulad kong 4th year student, grabe magpapasko pero tambak ang schoolwork, lapit na din ng finals tapos may defense pa bago mag pasko tapos ojt naman next sem, ang gastos pero dapat kayanin kasi konti nalang makaka graduate na din. Yan lang naman ang goal ko ngayon, maka graduate, tsaka ko na iisipin yung kasunod non para hindi masyadong mapressure. Nasa school po kami kahapon para kuhanan ng sukat para sa ojt uniform namin 2k+ ang babayaran pero worth it naman sana yon. Musta po kayo? Namiss nyo po ako? Hihi jokieee 🤭✌🏻
Pinsan time ⌚
Magandang gabi po sa lahat! Share ko lang po itong picture na to together with my cousins sa mother side. Kulang pa po kami nyan kasi hindi nakadalo yung iba, mga nanay po namin ay mag kakapatid, isa lang naman po yung lalaking kapatid ni nanay ko e. At ako lang po yung solong anak ni nanay, lugi ako haha ang dami nila. Ako po yung bunso kaya ayan medyo ako yung mukhang bata haha tapos yung chikiting po dyan ay anak ng pinsan ko. Madami pa po akong iseshare ng picture pero sa ibang araw naman po para may content hihi ingat po! God bless us all ❤️
Hello po!!! Nagbabalik po ako hehe medyo nabusy lang po at kakauwi lang din po galing sa bulacan, at nakibirthday po ako, debut po kasi nung pamangkin ko kaya ayan. Pagod sa byahe pero need pang pumunta sa school kasi may isasubmit fighting lang! Nahihilo po ako kasi kulang sa tulog hahaha
Share ko lang po itong look ko nung debut, walang make up po at hairstyle kasi hindi po ako marunong. Tama na po liptint huhu simula po talaga ngayon pag aaralan ko na mag ayos at bibili na din po ng mga dress pag may extra. Bigay lang po sakin ni tita yung dress na to e, ito po sana suot nya kaso malaki daw po tyan nya kaya sakin pinasuot tapos binigay na din po nya. Nagtakip po ako ng noo kasi malapad HAHAHA musta po kayo?
Hello po magandang umaga sa lahat! Nandito po ako sa bulacan ngayon, na invite po kasi ako sa debut ng pamangkin ko kaya gora ang tita nyo hahaha nanghiram lang din po ng dress sa tita ko buti po at mananahi sya. Swerte ko kumg ibibigay nyahahaha kapal. Musta po kayo? Have a blessed and rainy Sunday to all❤️
Magandang hapon po sa lahat, musta po? Tara po kain ng lunch hehe opo now palang po kakain. Ginisang gabi po yung ulam, yung maasim po hehe kaya sure madaming makakain. Mag iingat po lagi❤️ musta po?
Hello po! Magandang araw. Nag gagawa po kami ngayon ng chapter 5 ng feasibility study namin. Share ko lang po itong memorable moment namin kanina, pinagdala nya kami ng tinidor kaya nagdala ako HAHAHA akala ko po joke lang na may pakain si ma'am pero nagdala parin ako hihi kaya ayan pagkadating palang namin lafang na agad. Musta po kayo?
Namiss ako ni negie hahaha hello po! Magandang araw! Musta po kayo? Ano po mga ginawa nyo ngayon? Ako po kasi bale nag meet po dito sa bahay kaming magkaka group para gawin yung FS. Holiday din po kasi kaya sinulit na namin kaso hindi parin natapos. Dumalaw nga po pala kami kanina kila tita, tapos ayan po grabe makalingkis si negie haha namiss nya ate nya ih kaso nung papunta na si tatay tumakbo na sya. Natakot na kay tatay. Kaya hirap din po akong mag alaga ng mga hayop kasi ayaw po ni tatay sa ganon. Siguro once na magkaroon nalang ako ng sariling bahay. Musta po kayo?
Isang mapagpalang araw po sa lahat! Hello daw po sabi ni bonbon hihi ang cute nya hano po? Kahirap picturan kasi ang likot pero ayan na pinaka matino hahaha musta po kayo?
Magandang araw po! Musta po kayo? Grabe ngayon nalamg po ako nakapag content, dming ginagawa po. Share ko lang po itong nangyari kagabi, hindi ko na po nashare kasi wala po akong load tapos pagkauwi naman po diretso tulog na. Sinundo po kami nung bayaw ko, panoorin daw po namin laro nung anak nya, varsity player po kasi kaya may laban sila nung gabi. Ang galing nga nung pamangkin ko haha ke tangkad naman kasi at shooter din. Nanalo sila lamang sila ng 9points mas okay na yon kesa naman sobrang lapit na delikado na ganon haha. Nakaka enjoy manood kahit wala akong masyadong alam sa basketball hahaha. Musta po kayo guys?
Hello po! Musta po? Kakatapos ko lang po magpaligo ng mga anakshie ko..hindi pa kasa yung dalawa ko sa likod bukas naman sila hehe. Hindi pa po ako tapos maglaba pero malapit na din po matapos hahah sayang araw po e. Ingat po tayo❤️
Magandang umaga po sa lahat! Ngayon po ang laba day ko kasi kahapon gumawa po kami ng project ng mga kagroup ko. Ang dami ko pong lalabhan, makikita nyo po mamaya pagkatapos hahaha pati po kasi gamit sa higaan lalabhan ko na po hehe para mabango! Magpapalit na din po kasi ako ng kumot haha yung pang malamig na panahon na po gagamitin ko hihi musta po kayo? Hindi na po ako nakakatambay dito kay noise sana hindi ako palayasin hahaha mag iingat po ang lahat! Have a blessed Sunday to all❤️
Sunset 🌇
The best talaga ang sunset para sakin, nakaka relax tignan, parang nakakalma yung loob ko. Patapos nanaman ang araw, ang bilis ng oras, parang kanina lang kagigising lang natin. Kaya dapat talaga maging meaningful ang bawat oras at araw natin para maging memorable.
Musta po kayo?
Magandang araw po sa lahat! Kakauwi lang po ni tatay sinamahan po nya si tita, mamaya daw po sunduin nya po ulit. Ito po pasalubong nya sakin hehe ngayon palang po ako kakain ng almusal kasi sa sakit ng puson ko po kanina parang ayaw ko po muna kumain. Tara po kain po tayo!
Nalalapit nanaman ang kapaskuhan, lumalamig na din ang hangin lalo na sa madaling araw. Nakakamiss yung panahong walang ibang iniisip kundi ang isusuot sa Christmas party, ano ang handa sa Noche Buena, at syempre kung ilan yung mapapamaskuhan sa mga ninong/ninang at tito/tita. Pero ngayong hindi na ako bata, simpleng handa lang okay na, kahit nga matulog nalang pagkatapos ng salo salo sapat na kasi may iba na tayong iniisip hindi na katulad ng dati. At alam kong magbabago pa itong pananaw ko pag nagka trabaho at nagkapamilya na ako. Ang bilis ng panahon, nakaka excite pero mas lamang yung lungkot kasi yung mga kasama natin dati, hindi na natin kasama ngayon.
Ilang days nalang po ba bago mag pasko? Ano po ang siguradong siguradong handa nyo sa lamesa sa pagsapit ng Noche Buena?
Good morning po! Isang mapagpalang umaga sa lahat! Nakikipag laro po ako kay bonbon ngayon napaka likot na po kasi nya e, parang baby talaga hahaha lumalaki na din po kasi. Sabi po ni papa mukha daw pong may lahi si bonbon, arang shitzu na may pagka Pomeranian hahaha ano ba yan bansot hindi ko namonitor mga manliligaw mo noon hahaha musta po kayo? Tara na po pala mag breakfast! God bless po❤️
Hello po! Kakauwi lang po namin galing sa park kasi nag aya yung apo ni tita, tapos nilibre na din po ako ni tita ng shawarma, na sobrang tagal ko na din po gustong mabili hahaha. Salamat po tita sa libre! Musta po kayo? Share po tayo❤️
Magandang araw po! Grabe ngayon lang po ako makakaag content. Sobrang busy po. Kanina po after ng school diretso na po agad sa pag susurvey bahay bahay. Sobrang init pero nilibot po namin yung lugar namin para makapag pasagot. Buti nalng po mababait yung mga nakakausap namin tapos kanina po habang pauwi po kami, may nagsakay samin na kotse hanggang labasan, malayo layo kung saan po kami sinakay. Ang bait po ni sir kahit hindi po nya kami kilala. Musta po kayo?
Hello po! Kakauwi uwi lang po namin galing sa pag susurvey. Nag house to house po talaga kami, naka 60 naman po kaming respondents out of 347 malayo layo pa pero kayang kaya. Dinadaan nalang po namin sa tawa kasi kung magdadown kami mas lalo po kaming hindi makakagawa ng maayos. Musta po kayo? Sobra po akong pagod ngayon kasi tuloy tuloy po kami pagkagaling sa school diretso na po agad sa pag survey. Pagod pero laban lang! God bless us all!
Good morning to all! Gayakan nanaman po para sa mga pumapasok tulad ko. Binabasa ko po ulit yung module para mamaya may maisagot pag tinawag ni ma'am hehe. Kape po tayo! Pampagising ng diwa medyo antok pa po kasi ako at anong oras na nakatulog. Mag iingat po ang lahat! God bless us all ❤️
Magandang umaga po! Kain po tayo ng umagahan💞 holiday po dito samin kaai kapistahan ng simbahan po. Pero lalakarin po namin nung kagroup ko yung sa FS. Nakapag pasa po kami ng maayos na mga chapter, tinanggap naman ni ma'am at mukhang masaya naman po sya sa pinasa namin pero ichecheck pa daw po nya kaya masaya na po kami doon. Magpapasagot na po kami ng questionnaire mamaya. Tara po kain! God bless us all po❤️
Hello po! Share ko lang po ito, nabilib po ako kay bansot ko kasi masungit po talaga sya, pero nagulat ako kasi hinayaan nyang dumede sakanya si kikay kahit hindi nya anak. Hindi ko po alam kung normal yon po pero kasi bumait si bansot ko hahaha sakin lang po mabait yan e. Ang sweet nila. Hindi po kasi nakapag gatas ng mabuti si kikay sa mama nya, maagang natigil magpadede si pukangkang hahaha dami po ng name hano. Ganon po mga gustong pangalan ni tatay e, kahit magaganda naiisip kong name, pinapalitan nya. Musta po kayo??
Magandang umaga po!! Musta po? Maulan po dito samin, may bagyo po ba? Hehe tara kain po tayovng breakfast! Kalderetang tulingan daw po ito sabi ni tatay at masarap po! Lalo na at may pagka spicy sya hehe sana nga dinamihan yung sili e HAHA tara po kain!
Forda tulog ang mag ina. Napagod po siguro kakalaro ngayong araw, yung nanay parang may pilay kaninang umaga, natakot po ako e kala ko kung ano na mangyayari pero po pagkauwi ko kanina ay sinalubong pa po nya ako hehe. Nag iisa nalang po anak nya na kasama nya, pero yung mga kapatid naman ay nasa tabi tabi lang hehe. Sorry bansot ah, gusto ko mang alagaan lahat, ayaw ni tatay. Gusto ko sana kasa-kasama mo lang sila e pero nasa mabuting kamay naman yung mga anak mo.
Magandang gabi po sa lahat! Mauuna na po ako sainyo po ah? May klase pa po bukas tapos may aayusin pa po sa ipapasa namin. Goodnight po!
What's up po! musta po? Kasalukuyan po akong gumagawa ng FS para sa ipapasa namin bukas. Sana maging okay na po ang lahat. Sana hindi kami ipahiya ni ma'am. Magpupuyat po ang grupo ko ngayon, kahit hindi kami sama sama. Kailangan po kasi mag hanap ng RRL e. Baka po may naghahandle po ng FS dyan haha magpapacheck lang po sana. Mag iingat po ang lahat! God bless us all 💞
Magandang gabi po sa lahat! Beef mami po pagkain ko po kanina, nagcrave po ako e sakto may malapit na bilihan haha ganyan po gusto ko e, madaming sibuyas, tapos po sili, nasa ilalim lang po ng mga sibuyas kaya hindi nakita haha. Hindi po ako makaorder ng pares mismo kasi hindi po ako kumakain ng ibang part ng baka except sa meat mismo po. Musta po kayo?
Good morning po! Isang mapagpalang linggo po sa ating lahat. Hindi man po ulit sobrang saya, okay lang kasi buhay parin naman po ako may magagawa pa po para sa FS namin. Doon po sa noise.cash ang shinare ko pong problema doon ay about sa business research, ngayon naman po ay sa feasibility study. Mahirap po lalo na pag kalaban na yung mismong teacher. Nagtataka lang po ako kasi sabi nya hindi nya gusto yung pinasa namin pero hindi pala nya chinecheck. Hindi ko po alam kung bakit parang napaka lagi ng kasalanan namin sakanya.
Tara nalang po kumain mga kaingay! Good morning po!