read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Good afternoon, my dear noisers! Kumusta na kayo? Now ko lang susubukan kung maipo-post ko ito kasi mula kahapong dumating kami sa bahay ng biyenan ko napakahina ng signal. Di ko nakita ang marami sa mga post ninyong pictures. Kagabing past 10pm medyo lumakas ang signal dito. Noon naikuwento ko na nag-kol ang biyenan ko sa akin ang tagal ng pag-uusap namin at gusto niya na makita kaming mag-anak at makasama, gayundin naman kami siyempre. Buti na lang naging maluwag na tayo ngayon at pwede ng mag-biyahe. Sa wakas niloob ng Diyos na makasama namin siyang muli, makakuwentuhan. Kaya kung napansin ninyo hindi ako agad nakagbigay sa inyo ng sukli ninyo sa akin, bukod sa busy napakahina ng signal dito. Share ko ngayon itong noong Sunday na papunta na kami dito sa kanila, malapit na kami sa kanila diyan umaambon na sa daan at kitang kita sa last picture na makulimlim ang kalangitan. Pagdating namin sa bahay ng biyenan ko bumuhos ang napakalakas na ulan, hanggang halos magdamag ang ulan dito kaya naman naging presko, dati daw kasi napakainit sa gabi. Ito namang first to fourth picture ay ang mga ipinabili ng biyenan ko sa bayaw ko na Sugpo, Alimango, Lapu-lapu, at Talaba, Singkamas sa palengke ng Balanga Bataan kaninang umaga. Di ko na-picturan ang 3 native chicken na kinatay. Ako ang nagluto ng tinola, at Lapu-lapu. Si mister naman at ang bayaw ko niluto nila ang mga seafoods. Ang daughter ko at ibang kapatid dito ni mister at mga pamangkin, nag-balat ng buko at mangga. Ang saya-saya namin talaga, puro kainan lang ang nangyayari dito. Pero di natuloy ang balak namin mag-swimming sa dagat dahil panay ang ulan mula dumating kami dito. Bukas ng hapon kami babalik sa Pampanga. Kung hindi lang naka-schedule ang operasyon ng wisdom tooth ng daughter ko di pa kami uuwi. Pero sisikapin pa rin naming bumalik dito kapag ok na ang daughter ko. Stay happy and safe, dear friends and noisemates! Luv u all! @georgia0817

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.