Ang mga mata'y kumikinang. Ang mga labi naman ay nakakurba. Hindi mawari kung nababaliw na dahil ngumingiti mag-isa, o sadyang kinikilig lang sa pinanonood o ano pa man diyan.
Naranasan mo na bang ngumiti ng hindi mo namamalayan? 'Yung ngiting galing sa puso. Hindi 'yung pinilit lamang para pagtakpan ang totoong nararamdaman (ng para hindi ka mapahiya noong nalaman mong may iba palang gusto 'yung inakikiligan mo? joke!).
Hindi ko alam, pero may pagkakataon na hindi ko maiwasang ngumiti kahit mag-isa lang. Yun bang tinatawanan ka na pala ng ibang tao sa paligid mo dahil tila nababaliw ka na dahil sa kakangiti mag-isa. Aminin mo man o hindi, naniniwala akong nagawa mo na 'yan, hahaha.
Pero bakit nga ba ito nangyayari?
Ang tanong na iyan ang aking sasagutin sa artikulong ito. Mangyaring ipagpatuloy ang iyong pagbabasa upang iyong malaman ang kasagutan sa misteryo na bumabalot kung bakit (hindi ka crush ng crush mo, jk lol) bigla - bigla na lang napapangiti ang mga tao.
Ngunit bago ko 'yan sagutin, nais kong malaman (mo, nais kong sabihin sayo ngunit parang di ko masabi. Nandito lang, di mabigkas saking labi. Nakuha pa talagang sumingit ng kanta). Nais kong malaman niyo na ang mga sasabihin kong rason ay base sa aking mga karanasan. Maari o hindi maaaring mai-ugnay ito sa sarili mong karanasan.
Una: May naalalang masaya sa nakaraan
Naniniwala ako na lahat tayo, kahit ano pa mang pagsubok ang ating pinagdaanan, ay may mga karanasan sa nakaraan na talaga namang nagbigay saya sa ating buhay.
Minsan, bigla na lang susolpot sa aking isipan ang mga nakaraang ala-ala na nagbigay sa akin ng kakaibang saya. Ito ay ang mga pangyayaring kahit simple lamang pero iba yung naging impact sa aking buhay lalo na 'yung mga araw na wala akong prinoproblemang iba kundi ang kung paano ko maiisahan si mama para makalabas at upang sumali sa laro kasama ang aking mga kababata. At sa tuwing pumapasok ang mga ito sa aking, hindi ko mapigilang ngumiti. Minsan nga tinatawanan na ako ng ibang tao pero hindi ko na lang pinapansin. Ngumiti rin sila kung gusto nila haha.
Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento...
Pangalawa: May pinapanood na nakakatawa o nakakakilig
Minsan kapag may pinapanood ako, lalo na kapag naka-ear phones, hindi ko talaga mapigilang ngumiti o tumawa. Minsan nagmumukha na akoong tanga pero wala silang paki-alam dahil hindi naman nila alam 'yung pinapanood ko. At kung sakali mang mapapanood nila ito, baka ganon din ang gagawin nila hahaha.
By the way, alam niyo yung app na wombo.ai? Kung hindi pa, i-download mo lang 'yun tapos magupload ka ng isang picture. Pagkatapos ay pumili ka ng kanta doon, tapos kakanta 'yung pictue na inupload mo. Pramis peksman, matatawa ka talaga, hahaha.
Ikatlo: Kinikilig
Marahil ay kinilig ka na rin. Kahit pa hindi aminin ng isang tao na kinilig na siya, makikita mo sa mata niya kung nagsisinungaling siya. Well, kung ika'y kinikilig, hindi ba't napapangiti ka rin?
'Yung tipo bang nakahawak ka sa cellphoe mo tapos kausap mo 'yung jowa mo. Ngingiti-ngiti ka. Alam ko to dahil palagi kong nakikita na pangiti-ngiti 'yung kapatid ko. Sa akin naman, priority ko muna ang makapagtapos ng pag-aaral lalo pa't ang hirap ng kurso na kinuha ko. Pero para sa pangarap, lahat gagawin para makamtan ito. Malayo man ang mga bitwin, naniniwala ako na maghahanay ang mga ito upang tuparin ang ating mga kahilingan. Manalig lang sa Diyos at parating magdasal.
Konklusyon:
Hindi dahil ngumiti ka lang ng mag-isa ay masasabing baliw ka na. Maaaring may mga bagay lang talaga na nagdudulot ng pwersa sa iyong katawan na kung saan, bigla ka na lamang mapapangiti dahil sa mga kadahilanang nabaggit sa taas o ng mga iba pang kadahilanan. Basta't ang importante ay mahalaga, at ang mahalaga ay importante. Basta't wala kang inaapakan na tao, magpatuloy ka lang. Huwag magpadala sa sinasabi ng iba dahil wala pa sa kalingkingan ang alam nila tungkol sa totoo mong buhay.
Also check the other article/s I have published this week:
Special Notes:
All Other Images in this article are Copyright Free Images from Pixabay.
An original content
Hahaha. Ung mga jokes talaga nagdala e haha joke Minsn tinatawanan rin ako pag bigla bigla na lang ngumingiti 🤣