Gayuma (Part 3)

4 28
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

I did not upload an article yesterday because, I attended a meeting. And also, I have my class tomorrow. First Day of Class. Huhu. So, I will continue writing about "Gayuma" which is the Part 3 of it and guess what. This is the last Part. If you haven't read the Part 1 and the Part 2 of it. You can read it by clicking this links... It was all written in Tagalog Language.

Gayuma (Part 1): https://read.cash/@Lunah/gayuma-part-1-19e6ced2

Gayuma (Part 2): https://read.cash/@Lunah/gayuma-part-2-18e37a03


Pagpapatuloy...... (Part 3- Last Part)

Pagkaraan ng ilang weeks. Nakita ni kuya ko na may kahalikang iba yung babae . Nandidiri na siya sa babae. Humahanap pa siya ng tamang pagkakataon para makalayas at maka-uwi dito sa Mindanao. Nahihirapan na din siyang mag contact sa amin. So, nakitawag siya sa kaniyang kakilala sa number ni mama. Na gagawan ko daw siya ng bagong fb account. Pero ibahin daw ang pangalan and e private ko daw ito dahil nga ang babae ang nag oopen sa acc ni kuya.

Agad agad naman namin ginawan siya ng Fb account. Bale doon na kami nag uupdate sa kaniya. Nakiki gamit lang siya ng cellphone sa kakilala niya dahil ang Cellphone na binili niya. Yung oppo ay kinuha ng bwisit na babae na yun. Pasensya na. Galit lang talaga ako sa kaniya.

So, ayun. Nagagalit na din kami kay kuya ko. Pero, nagpasya na siya na tatakas o lalayas na talaga. Nagplano siyang ilagay ang mga damit niya sa damuhan. Doon sa likod ng bahay nila. Para pag gabi na. Ready na siyang tumakas. Kaso, nga lang... Ang babae ay di talaga natutulog. Tutok na tutok sa cellphone, inaantok na din si kuya ko dahil madaling araw na. Kahit nagkukunwareng tulog siya. Eh, parang dinuduyan na din siya ng tulog. So palpak ang unang attempt.

Doon sa trabahuan niya. Nagtawag si mama na e process niya ang ganito ganyan. Para maka uwi na siya dito. So, while palihim na nag proprocess siya ng mga requirements para makakuha ng ticket pauwi. Kahit, Lockdown pa yun, uuwi talaga siya. Naghiram hiram lang din siya ng pera sa mga kakilala niya doon sa trabaho. Dahil nga ang sweldo niya ay hakot award ng babae. Lol. Buti naman din na natauhan na siya. Kung di lang talaga yun nagamot ng albularyo. Baka, habang buhay na siya makukulong sa babae. Tsk.

Tinulungan di siya ni ate ko na maka uwi kaagad. So, ayun, sabi ni ate ko. Na everyday daw habang nag proprocess siya para sa flight. Every punta niya sa trabaho. Dadala daw siya ng mga gamit niya. Tapos, mag stop by siya kay ate ko. Para iiwan yung mga gamit niya doon. Yun yung plano. Sa wakas, gumana nga. Di naman nagtaka ang babae kung saan na mga gamit niya. Hahaha. Cp kasi inaatupag. Feeling senorita.

After a weeks, ok na ang lahat. Planado na ang pagtatakas. Ito na ang gabi ng pagtatakas ni kuya ko sa bwisit na buhay doon sa Manila dahil sa babae.

Sabi ni kuya ko sa babae na bibili lang daw muna siya ng barbeque dahil nagugutom si kuya. Wala nang dala si kuya na gamit. Dahil, iniwan na niya doon ang mga gamit niya kay ate. Bale, umuwi siya na nakapambahay lang at walang dalang gamit galing opisina. Sabi kasi ni mama, wag daw iiwan ng kahit isang gamit doon. Baka daw may masamang gawin na naman ang babae.

Di ko alam kung ano ang palusot ni kuya ko. Kung bakit di nagtaka ang babae na naka pambahay lang siya pauwi. Lol.

Anyway, pinayagan naman siya ng babae na bumili. Pero, si kuya ko ay pumunta kay ate. Di na siya bumalik doon. Ilang araw na lang ay flight niya na.

Ito namang babae ay, nagtataranta na nag chat kay mama. Sabi pa niya, "Tita, nawawala si Kent. Di na siya naka-uwi" chuchu. Dami pa siyang paandar. Takot lang siya na mawala ang magbibigay sa kaniya ng pera galing sa pagod at pawis ng kuya ko. Si mama naman, kunware nataranta. Hahaha.

After a days, Nag tawag si kuya ko sa babae. Nagpaalam na siya. Like, wag na daw niya hanapin si kuya ko. Dahil, uuwi na daw siya. Nasa eroplano na daw siya nakasakay. Salamat daw sa pagmamahal chuchu. Hahaha. Pero, di pa nakauwi si kuya nun. Nag process pa siya sa pag resign niya sa trabaho before ang flight niya.

Ang babae naman ay iyak na iyak. Pinipilit na tanggapin. Nag sorry din siya kay kuya ko. Basta naka uwi na si kuya ko dito this year lang month of April. And luckily, may trabaho na din si kuya ko dito.


Navivideo call ang babae. Sinagot ito ni kuya ko one time lang. Sabi pa ng babae "Uwi ka na dito, nagpa rebond na ako". HAHAHA. tawang tawa ako. lol. Tapos pinatay kaagad ni kuya. Sabi ni kuya ko. Tatawag lang dahil lasing. Iba talaga ang ugali niya. Kahit una pa lang, ayaw ko na talaga siya. Nakuha naman ni kuya ko ang account niya. Change pass kaagad nung nakabili siya ng bagong phone dito. Basta, dami ding sinabi ni kuya ko. Nagpasalamat, nag sorry at nagbigay din ng lesson sa babae. Na sana magbago na daw yung girl. Na sana wag na niyang gawin yun sa iba. chuchu. Wala namang magagawa si kuya ko kung magagalit pa siya o kami. Dahil natapos na din yung kalbaryong buhay niya doon. Portante nakauwi na siya. So far, okay naman din ang buhay ng babae. Nakikita din namin sa myday niya na. Okay naman siya. Okay naman ang buhay niya. Naka realize na siguro at nagbago na.


Lesson Learned:

So, ang napulot kong mga lessons ay wag basta bastang tatanggap ng kahit anong pagkain o inumin na inialok sayo ng taong minsan mo lang nakasama o nakausap. Yung di mo pa talaga kilalang kilala. Di natin alam kung ano ang tunay nilang pagkatao. Wag ding basta bastang maniwala o mag trust sa iba. Baka sila pa ang mismong sisira ng buhay mo.

Second, kung mahal man natin ang isang tao. Idaan natin ito sa tama. Dahil ang pagmamahal o paghuhubog ng loob sa isang tao ay hindi madali. Depende pa yan kung kaya ka niyang mahalin. Love takes time. Matutong maghintay. Kung di ka mahal, edi wag nang pilitin. Move on move on din pag may time. Charooottt. Hahaha. (marupok din pala ako) . Lalong lalo na, wag gayumahin ang tao. Parang nagpapakita lang ng isang simbolo na napakapangit ng ugali mo. Hahaha.


Hanggang dito na lang. Dahil may klase pa ako bukas. Goodluck sa ating mga estudyante this School Year 2021-2022! Aja! Payting!


Thank you for reading. God Bless Us All. Sana nagustuhan niyo po. hehehe. Sorry for the errors. :)

@Lunah

4
$ 3.44
$ 3.31 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
+ 1
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Comments

Kala ko sinunog ng buhay yung babae hahaha, ang mahalaga nakauwi na jan Kuya mo sure ako medyo naghihirap na yung babae dun, wala na kase pamparebond.😅😆😆

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha. Puros pampaganda lang ginagawa niya. Sana nagbagong buhay na siya at naghanap uli ng trabaho.❤

$ 0.00
3 years ago

Buti naman at natauhan ang kuya mo. Nangyayari talaga din ang ganto. Sana di na maulit pa. Buti naman at mukhang nagbago na un girl.

$ 0.01
3 years ago

Buti talaga nagbago na siya. Si kuya ko den,nasa Korea na sana siya kung sumunod lang siya sa Amo niya na Koreano. Haysttt

$ 0.00
3 years ago