Gayuma (Part 1)

6 31
Avatar for Lunah
Written by
2 years ago

Hi, I'm here again. For those people who wanted the Part 2 of "My Highschool Love" . I will publish it tomorrow. But, for now, I will share another story to all of you, it was based on the real life situation about my older brother experienced when he worked in Manila. We are from Mindanao, my sister will go to abroad to look for a job. But, when she arrived and stayed in Manila for a weeks. She immediately found a job. So, she will no longer needed to go abroad. My sister has been there for a few months. And she realize to send my two older brothers there to work as chefs in a Korean Restaurant. They are most welcome there. They had a good life when they were working at the Korean Restaurant. Their boss is kind and give them a proper treat.

A few months later, there was a woman who fall inlove with my brother. Itatagalog ko na lang para mas madali at mas maintindihan niyo ng mabuti. HEHE.

Ang babae ay isang taga-welcome sa mga customers doon. Co-worker din nila kuya ko. Di naman ito gusto ni kuya ko ang babae. Like, kahit lapit ng lapit ang babae sa kaniya. Eh, di talaga siya gusto ni kuya. Sabi nga ni kuya ko kay mama na naiinis siya sa babae doon. Dahil, di siya masyado maka focus sa kaniyang trabaho. Kasi, may mahal si kuya na iba. Ayaw kasi ni kuya ko na magkaroon ng girlfriend sa Manila. Mahal niya pa kasi ang ex niya way back 10 years. First love ni kuya ko since highschool pa lang sila. 9 years din si kuya ko na single. Hahaha. Pero hindi na ngayon. (Gawaan ko ito ng story about sa lovelife ni kuya )

After a months na naman. Nabalitaan namin na naging sila na ni kuya ko. Like, biglaan. Kaya nagalit si ate ko kay kuya dahil iba ang kutob ni ate sa babaeng naiganyo kay kuya. Napakatalim din ng dila ng babae kapag mag chat siya kay mama ko. Syempre, baguhan lang sila kuya doon kaya di nila alam ang mga tao doon. Hanggang, nawalan ng trabaho si kuya ko dahil sa lockdown.

Yung isang kuya ko ay umuwi dahil di na niya kaya doon. Samantalang, ang kuya ko na isa ay mas piniling sumunod sa babae. Di na namin alam ang gagawin kung paano pipilitin si kuya ko na umuwi dito. Dahil, parang di na niya sinusunod si mama ko. Si ate ko naman na nandoon. Ay galit na galit na kay kuya lalo na sa babae. Kasi, simula na dumating ang babae sa buhay niya, nawalan siya ng trabaho at nag-away away ang aming pamilya.

Ilang months na pagsasama nila kuya ko at nung babae. Ay parang umiba na ang landas ni kuya ko. Hingi lang siya ng hingi ng pera sa amin. Kami naman is abalang abala na sa kaniya. Di naman namin kaagad siya mabigyan ng pera dahil minsan, walang-wala din kami. Sabi ni mama ko maghanap siya ng trabaho doon. Sa awa ng Diyos nagkaroon siya ng trabaho sa isang mall. Doon sa bodega.

Pero kahit may trabaho pa siya, di niya pa din kaya ang sarili niya na buhayin. Dahil, pati ang pamilya ng babae ay sa kaniya na umaasa. Nag amin si kuya ko na siya pa daw ang nagbibiyak ng kahoy sa kanila. Tapos, minsan sinisigawan pa siya ng Ama ng babae. Linalakad lang ni kuya ko papunta sa mall na tratrabahuan niya. Aalis siya sa bahay around 5 AM at lalakarin hanggang maka-abot sa trabahuan. Mga 2-3 hours daw ang kaniyang nilalakad araw-araw. Papunta at pabalik. Dahil, sayangdaw kasi ang pamasahe niya. Ibili na lang daw niya ng pagkain.

Kami ay labis na naawa na kay kuya ko. Bakit niya yun naranasan doon. Ikinuwento naman ito ni mama ko sa kaniyang kapatid. Sabi ng kapatid niya , kung may dalang damit daw ba yung kuya ko ma umuwi dito na damit ni kuya ko na nagpaiwan doon. Para daw ipa albularyo. Nagtataka na kasi kami dahil, kahit anong pilit naming pauwiin si kuya dahil nakaka awa na siya. Parang naging katulong na lang siya. Samantala ang gf niya naman ay panay my day ng Jollibee. Kung alam niyo lang, napakapayat na ni kuya ko doon. Buto't balat na lang siya at sobrang putla.

Credits to the source of the photo

Sabi ng albularyo, ginayuma daw si kuya ko ng babae. Inilagay daw sa isang pepsi at ipina inom kay kuya kaya biglaang nabighani si kuya ko sa babae. At lahat daw na sinasabi ng babae sa kaniya ay sinusunod niya dahil sa gayuma. Nung nalaman namin ito, agad naman naming ikinagalit ito. Pero di kami nag rant sa babae. Hinayaan lang namin.


Gawa na lang ako ng Part 2 neto. Di ko kasi matapos ngayon dahil busy masyado . Hope you understand.

Thank you for reading. God Bless. Hanggang dito na lang muna. Salamat muli.

@Lunah

5
$ 2.77
$ 2.68 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
$ 0.02 from @ZehraSky
+ 1
Avatar for Lunah
Written by
2 years ago

Comments

Parang yun pinalabas sa gma, yun akala mo hindi nman totoo pero may mga nangyayari pala talagang ganyan. 😱🥶

$ 0.01
2 years ago

Di din ako naniniwala sa mga gayuma gayuma noon. Pero nung nangyari to kay kuya. Grabeh talaga. Nakakainis ang babae. Nakakatakot na din uminom sa mga iniaalok ng ibang tao sa atin.

$ 0.00
2 years ago

Kaya lagi din aq sinasabihan noon mg lola q na wag tatanggap ng pagkain or inumin sa iba.. At wag basta magtitiwala.. Kilallanin muna ng mabuti

$ 0.00
2 years ago

Hapit sa pagibig ung babae, grabe naman yun ginayuma, gusto ko na malaman yung part 2, Sana sinabunutan yung babae sabay tinapon sa kumukulong kawa na may tubig, Ano ginawa niyo dun sa babae at nakauwi na ba Kuya niyo jan?

$ 0.01
2 years ago

Kung malapit lang sana kami sa Luzon. Sinabunutan na talaga namin ang babae. Mas nakakainis ang mga myday niya na parang senorita. Grrrrr

$ 0.00
2 years ago

asan na Kuya mo ngayon?

$ 0.00
2 years ago