Gayuma (Part 2)

8 19
Avatar for Lunah
Written by
2 years ago

Hello. This is the part 2 of Gayuma. Salamat po sa mga aking mambabasa. Kung di mo pa nabasa ang Part 1 nito. Ito po ang link. https://read.cash/@Lunah/gayuma-part-1-19e6ced2


credits to the photo in google

Sabi ng albularyo, ginayuma daw si kuya ko ng babae. Inilagay daw sa isang pepsi at ipina inom kay kuya kaya biglaang nabighani si kuya ko sa babae. At lahat daw na sinasabi ng babae sa kaniya ay sinusunod niya dahil sa gayuma. Nung nalaman naman namin ito, agad naman naming ikinagalit. Pero di kami muna nag rant sa babae. Hinayaan lang muna namin.

Twitter

Ang gayuma sa katawan ni kuya ko ay unti-unting mawawala lang daw kapag ang damit niya ay naisakay sa barko at naitawid ito. Bale, mula dito papunta doon o mula doon, papunta dito. Basta ganun. HAHAHA. Di ko ma explain ng mabuti. Bisaya man gud mi.Hehe

So, kumpyansa naman kami dahil nga naitawid ito ng kuya ko na isa yung umuwi dito mula doon sa Manila. Nasabi ko ito sa part 1 . Kaya na albularyohan ang damit.

Si ate ko naman na nandoon sa Manila ay nag-away sila ng babae. Grabeh talaga ang tulis ng dila ng babae. Tapos, nag chat si mama sa kaniya bakit daw ganun ginawa niya kay kuya. Pauwiin na lang sana niya si kuya ko. Kaso, sabi ng babae. "Wala akong magagawa kung ayaw niyo sa akin, kahit di ko maintindihan pinagsasabi niyo pero na sesense ko na di niyo ako tanggap para sa anak niyo"

Naguguluhan kami sa babae. Pano namin siya magugustuhan kung ginawa niyang pulubi ang kuya ko at ginayuma niya pa ito para lang may magmahal sa kaniya. Lol. Sarap sabunutan. Kung mahal niya si kuya ko, sana di niya muna minadali ang tao. Kakatrabaho lang nga ni kuya ko doon. Paano siya agad magugustuhan kung napakasama naman ng ugali. Kaya siguro ginayuma niya na lang ito dahil wala sigurong nakakagusto sa kaniya. Sama kasi ng ugali kahit sa chat. grrrr.

Nagplano-plano ang pamilya ko pati ang mga pinsan ko na close ni kuya na kumbinsihin si kuya ko na iwan niya na yung babae. Pero di pa din niya kayang iwan. Hanggang nagplano sila mama at papa na pumunta sa Manila, doon sa Cavite. Pinuntahan nila si kuya ko. Kahit malaki ang gastos nila at umutang pa. Para lang makita si kuya ko at makumbinsing umuwi.

Pagdating naman doon, umiyak si mama dahil buto't balat na si kuya ko parang napabayaan na talaga. Trabaho doon trabaho dito para lang may maipakain sa pamilya ng babae. Na meet naman nila mama at papa ang pamilya ng babae. Mababait naman daw ito. Mabait lang siguro pag nakaharap. Syempre, inalokan sila ng makakain. Pero tumanggi sila mama at papa. Sabi nila nakakain na daw sila. Dahil baka may gamot na nilagay doon. (Huwag agad tatanggap ng pagkain sa mga taong di natin kilala o minsan lang nating nakasama)

Kinausap nila si kuya ko in private na "Uwi ka na anak, miss ka na ng mga kapatid mo, miss ka na namin."....

Pero, sabi ni kuya na "Ok lang ako dito ma. Hahanap lang ako ng pagkakataon para tumakas. Wag na pala kayo mag chat sa account ko o sa number ko. Di ako nag momonitor ng mga message niyo. Gusto ko nang umuwi pero di ko pa kaya, sumasagi sa isipan ko siya na baka mapabayaan niya sarili niya".

Everytime na naiisip ni kuya na umuwi dito sa Mindanao. Bigla namang may humaharang na mga bagay bagay sa isipan niya.

Nabigla sila mama at papa dahil lahat ng mga messages na sinesend niya kay kuya gamit ang bisaya na language ay nababasa pala ito ng babae. Kaya nasabi ng babae na "kahit di ko maintindihan ang pinagsasabi niyo, alam kong di niyo ako gusto". Parang namulat na din si kuya ko sa katotohanan na nabilog lang siya dahil sa gayuma. Di tumagal, umalis na din sila mama . Bale 1 day lang doon sila. Wala naman silang budget para gumala o tumagal pa doon.

Pagkaraan ng ilang weeks. Nakita ni kuya ko na may kahalikan na iba yung babae . Nandidiri na siya sa babae. Humahanap siya ng tamang pagkakataon para makalayas at maka-uwi dito sa Mindanao. Nahihirapan na din siyang mag contact sa amin. So, nakitawag siya sa kaniyang kakilala sa number ni mama. Na gagawan ko daw siya ng bagong fb account. Pero ibahin daw ang pangalan and e private ito dahil nga ang babae ang nag oopen sa acc ni kuya.

Agad agad naman namin ginawan siya ng Fb account. Bale doon na kami nag uupdate sa kaniya. Nakiki gamit lang siya ng cellphone sa kakilala niya dahil ang Cellphone na binili niya. Yung oppo ay kinuha ng bwisit na babae na yun. Pasensya na. Galit lang talaga ako sa kaniya.


Part 3? Bale ang part 3 is final part na yun. Kung paano nakatakas si kuya ko sa bwisit na buhay doon. Thank you for reading.

Tanggap tanggap na lang sana na di tayo mahal ng tao. Chosss. Wag nating e gayuma. Lol. HAHAHA. Malaking kahihiyan yan sa sarili natin. 

Kung friends lang. Friends lang. Charoottt. HAHAHA

Sponsors of Lunah
empty
empty
empty

@Lunah

4
$ 2.24
$ 2.18 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
$ 0.01 from @Jaytee
Avatar for Lunah
Written by
2 years ago

Comments

Hala, taz nagtataksil din yun babae.. Sori for the word, just basing it from ur story.. Buti nman nagising na kuya mo.. Sna makauwi na sya.. Ayoko na maghintay post mo na yun part 3 now na😂🤣

$ 0.01
2 years ago

Sorry natagalan mag reply. Super busy kasi. Ngayon lang din ako gagawa ng part 3. I will finish po this night. May klase pa kasi ako bukas. First Day of class. Hahaha. Laban students.

$ 0.00
2 years ago

Ay grabeh! Nakakainis naman ang babae. Paano kaya nakatakas si kuya mo doon sa kaniya? Kailan ang part 3 sis? Parang natatakot ako sa mangyayari sa part 3 . Jusko.

$ 0.01
2 years ago

sis. Tatapusin ko po this night.

$ 0.00
2 years ago

kapal ng mukha ng babae, natauhan na pala kuya mo eh, bakit kase di agad sumama, hayszzz di na ako makapaghintay sa part 3 sana naman nakatakas ang nagdudusa ngayon yyng bruhang babaeng yun.

$ 0.01
2 years ago

Yun nga. Nagagalit kami kay kuya bakit di niya kayang sumabay kay mama at papa pauwi dito. Di pa siguro nawala yung gayuma. Kaya conflict pa ang desisyon niya. Opo. tatapusin ko ito bukas.

$ 0.00
2 years ago

May karma din yang babaeng yan, si God na bahala sa kanya, malay mo tubuan siya ng maraming dots sa katawan.

$ 0.00
2 years ago

True kuya Chikaku. Nakakainis yung babae . Lahat ng bagay may karma. Dadating din yan sa buhay niya. Senorita now, suffer soon. Uhaw siguro siya sa pag-ibig🤦‍♀ .

$ 0.00
2 years ago