Nasaan Na Kaya Si Bunsoy?

20 76
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Gusto mo bang malaman kung ano'ng nangyari kay Bunsoy? Sino nga ba siya? Well, eto po ay nasulat ko nung Pebrero lang po. Kwentong pambata pero ang paksa ay higit pa doon. πŸ˜… Isinali ko sa writing contest ito kaso 'di nanalo so dahil napagod ako sa lakad ko buong araw kanina, eto na lang ang naisip kong i-post dito. Hehe.

Bale ang naipintang artwork (sa baba nito) ay ginamit ng nagpakontes bilang prompt para makagawa ng maikling kwento na di lalampas ng 850 salita. Kaya naman kung sakaling mabitin kayo sa istorya e wag po ninyo ako sisihin. πŸ˜†

(Tip for international readers: To translate this children's short story, manually copy paste entire article to the translator because Google Translate can't translate when using the website link.)

Art by Mark Joseph Santos via CANVAS PH contest post

"Uwi na tayo." Yamot na wika ni Bunsoy. Marami na tayong nahuli, magtira naman tayo para sa ibang tao.

"Mewrrr." Oo daw sabi ni Muningning.

Ganyan sila palagi noon. Dati pa 'yon. Ngayon hindi ko na sila nakikita. Si Bunsoy yung anak ng kapitbahay namin dati na palaging pinagtatawanan ng ibang kabataan. Hindi ko maintindihan kung bakit. Naawa ako sa kanya kasi ako lang nakikipagkaibigan at nakikipaglaro.

Pagkuwan nakikita ko siya namumulot ng mga basura sa tabing-dagat kasama ang alaga. O kaya naman sinasaway niya ang mga kababata namin na tumutuhog ng mga walang malay na dikya sa dalampasigan. Nagwawala siya tuwing may nakikita siyang umaapak sa bahura. Pinagtatawanan lang siya ng mga tao pati mga magulang at mga kapatid pinapagalitan siya.

Isang araw binisita ko ulit si Bunsoy. Niyaya ko manghuli ng isda para pang-hapunan namin sabi ni nanay.

"Ayoko na manghuli ng isda, meron pa naman kaming nakaimbak." Nakasimangot na aniya habang sinusuklay ang alagang pusa. Kakatapos lang ng oras ng siesta kaya yata tinatamad siya. E di ako na lang yung nagpunta kasama si Muning ko. Di ko alam iyon na pala ang huling araw na makikita ko sila.

Abala kami ni Muning sa panghuhuli ng pang-hapunan nang kalaunan ay may narinig akong sumisitsit. "Pssst, bata alis diyan!" Maya-maya dumami ang nagsasalita, pare-pareho ng sinasabi, "Alis diyan, alis diyan!" Aba pati pala mga hinuhuli namin ay nag-unahan magsialisan! Teka, yung mga isda, ang mga isda yung nagsalita?! Biglang pumayapa ang karagatan at may narinig akong malakas na mga ugong.

"Mraaawr!" Di mapakaling sigaw ni Muning. Parang gusto na niyang tumakbo at iwanan akong nakalublob ang mga hita sa dagat. Nakaamoy ako ng usok, parang merong bumubuga ng apoy sa malayo.

May nasusunog! Nasusunog ang mga bakawan sa tabing-dagat! Ojusko isa, dalawa, tatlong malalaking dragon ang bumubuga ng apoy sa may di kalayuan. May isang lumilipad at dalawang nasa pampang. Dali-dali akong sumakay sa alaga ko sabay sabi ng, "Takbo Muning, takbo!"

Karipas kami hanggang makarating sa mga kabahayan ngunit bakit hanggang dito may sunog? Bakit???

"Nanay! Nanay!" Nagkakagulo ang mga tao, saan ko hahanapin si nanay? Kahit kanina pa ako parang gusto ibalibag ni Muning, nagawa pa rin niya mahanap si nanay. "Huhu 'Nay akala ko di ko na kayo makikita!" Yakap kong mahigpit sa kanya.

"Anak, jusko mabuti ligtas ka!"

"Bakit nasusunog mga bahay 'Nay? Sa'n na tayo titira?"

"Ang Kapitan anak, ang Kapitan at mga may-ari ng mga dragon! Sila ang may sala, ipinagkanulo tayo para lang sa pera. Gusto nilang angkinin ang ating lupain para may magamit ang mga taga-kabisera. Mga walanghiya!"

"Bunsooooooooy!" Natahimik ang paligid sa panaghoy ng isang ina. Kagat-kagat si Muningning ng isang batang dragon na may bakal-bakal sa katawan na sinugod ng nakaalpas sa inang si Bunsoy.

Mula sa mausok na kapaligiran, bumungad si Kapitan at mga tauhan nito. May dala silang mga armas, mahahabang mga baril at lahat sila mukhang galit sa amin.

Papalapit na si Bunsoy sa alaga niya ngunit sa isang sipol ng papalapit na Kapitan... nagdilim ang paningin ko. "'Nay wala akong makita!!!" Pilit kong inaalis ang mga kamay niya. "Nay si Bunsoy!"

Bratatatat! Miyaaaawwrrr!!! Hraaaawrrr!

"'Nay ano'ng nangya---!?"

"Anak huwag ka munang magulo anak! Utang na loob!" Di ko maalis ang mga kamay ni nanay. Naramdaman kong umaatras kami. Naririnig ko na lamang ang tawanan ng mga tao ni Kapitan, ang mga sigaw ni Bunsoy at mga kapitbahay pati na ang tunog ng nasusunog naming mga bahay.

* * *

Ngayon wala nang mga isda sa dalampasigang madalas naming puntahan. Wala na rin kasing mga bakawan doon matapos masunog pati mga bahay namin. Wala nang nakakaligo kahit sino sapagkat amoy kanal na sa dumi. Lalo pa ginawa na nilang lapagan ng mga dragon. Kinailangang sunugin nila ang sangkaterbang puno sa kapatagan at maging sa tabing dagat kasama na lahat ng mga bahay doon para lang mas marami daw makinabang.

Mga dragon din ang ginagamit ng mga tao para makalipad papunta sa malalayong lugar. Mga may pera lang ang nakakapagbayad para makasakay ng mga dragon sabi ng lola ko. Noon 'yon, ngayon mas marami na ang nakakasakay at nag-aalaga ng mga ito. Di gaya namin ni Bunsoy dati masaya na sa simpleng buhay at sumasakay o nakikipaglaro sa gaya ni Muningning.

Mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, hindi ko na alam ano'ng nangyari kay Bunsoy. Si Bunsoy na mabait sa lahat pero palaging pinagtatawanan at sinasaktan sa di ko malamang dahilan. Sana ay ligtas sila ng pamilya niya. Sana may bagong buhay na rin sila.

Sana nakahanap rin sila ng ibang lugar kung saan malaya ang lahat na makalangoy sa malinis at saganang dalampasigan. Isang lugar na pwedeng makahuli ng mga isda at iba pang lamang dagat ang lahat tuwing kailangan, kahit anong oras man. O kaya, sana naging kapitan din siya na may-ari ng maraming dragon at ipinaglalaban ang karapatan ng likas na yaman sa halip na sirain ang mga ito.

- Wakas -

* * * * * * * *

Short story Β© Art x Stephanie Rue, All rights reserved.

(Images without captions are via Pixabay)

So ano po tingin nyo? Haha, kamusta naman ang kwento? πŸ˜… Maiintindihan kaya ng mga bata 'yan pag naging children's story book? Dapat read with adult supervision of course if maging ganun nga. πŸ˜‚

Share nyo lang kung ano masasabi nyo sa kwento ko. 😁

* * * * * * * *

Other related or Filipino articles:

Not a member of read.cash yet? Come join us!

11
$ 3.28
$ 3.12 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Ellehcim
+ 3
Sponsors of LucyStephanie
empty
empty
empty
Avatar for LucyStephanie
3 years ago

Comments

Sana nakaligtas si bunsoy. I'm 24 pero pag di happy ending kahit cartoons nakakaluha e. Haha ang babaw ko ba? E sa malungkot e huhu

$ 0.00
3 years ago

Ehehe. Sikreto po muna if nakaligtas or not. Ok lng yan if nakakaluha, wla naman masama. :) Salamat sa pagbasa. :)

$ 0.00
3 years ago

Ikwento ko nga to sa anak ko. Yung magtraslate sa English ngayon ang mahirap hehe.

$ 0.00
3 years ago

Ahaha, yun lang... Onga ano kaya maging reaction ng anak m pag nakwento m? 😁

$ 0.00
3 years ago

Magaling talaga, English man o Tagalog.

$ 0.00
3 years ago

Ay salamat... hehe. Kahit di nanalo dito ko na lang pinost. 😁

$ 0.00
3 years ago

Maintindahan yan ng mga bata kapay may mga matatanda ,ang tatalino kaya ng mga bata ngayonπŸ˜€

$ 0.00
3 years ago

Ayos. Hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Nid nga ng adult para maexplain pero gusto to mg kids kc my fiery dragon 🐲

$ 0.01
3 years ago

Hehe. Ayos pwede na rin pala. 😁

$ 0.00
3 years ago

bitin nga ang kwento..

$ 0.00
3 years ago

Nyahaha. Kulang ang 850 words para sa buong story.

$ 0.00
3 years ago

lagyan mo nalang nang part 2 dito gagi

$ 0.00
3 years ago

Naku gagi pag may time siguro itutuloy ko. XD

$ 0.00
3 years ago

tuloy mo na kasi ang ganda nang kuwento at kung ano talaga nangyari kay bunsoy

$ 0.00
3 years ago

Haha yun ba ang pang-part 2? Hmmmm... Di ko pa naisip ano nangyari sa kanya. πŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

akala ko nga nadali siya sa ratatatatatatatatat

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, hindi ko sasabihin. πŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

parang sakin po, in my honest opinion, parang pang 9 years old and above po yung story. Hindi pa sya bagay sa mga nursery level :)..

$ 0.00
3 years ago

Agree naman po ako. Hehe. Salamat sa feedback. :)

$ 0.00
3 years ago