This is the part 3 of my story I experienced before. If you want to read it. You must read the part 1 and part 2 of it. Here's the link..
Part 1:
https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-1-5479dd0c
Part 2: https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-2-cafbd8fc
Tinawagan ko sa handheld radio ang asawa ko na pumarine muna sa kubo. Sinabi ko sa kanya yung pinag usapan namin ni Neneng. Ngunit hindi ko nakumbinsi asawa ko na pupunta kami sa bahay ng matandang unang bumati sa bata nung bago kaming dating mula Mindanao doon sa Fiesta noon.
Sabi pa ng asawa ko huwag kang maniwala sa sabi sabi kasi baka tayo pa makasuhan dyan at di naman natin nakita na kumain siya ng tao. Nahinahon nyang pakiusap sa akin. Ngunit bigla akong uminit na galit na galit ako. Sumabog galit ko bigla kong kinalong c Nicole sabay bitbit ng M16 Rifle nya sabay lakad ng mabilis na humabol naman sa akin asawa ko.
Inawat nya ako pilit syang nakikiusap sa akin na ibigay ko sa kanya ang baril nya. Sinasabi nya na hindi naka lock yan ibigay mo na sa akin baka mapahamak ka nyan at malakas yan baka maka disgrasya ka nyan. Sa akin pa naman naka M R yan malakas imbestigasyon mangyayari sa akin yan kung mapaputok mo yan. Hanggang sa dumating kami sa munting kubo din ng matandang babae na pinagdududahan kong nag aswang ky Nicole.
Pagdating namin doon hindi ko na napansin na nakuha na ng asawa ko ang sukbit sukbit ko na baril nya. Parang doon na naka fucos atensyon ko sa pakikipag usap sa matandang babae na ipagbili ko Anak ko ng kahit ilang Piso lng. Dahil halos makipag away na ako doon sa babae ngunit nandoon pa rin respeto ko sa matatanda. Unti unti nawawala na galit ko nung kinalong nya ang bata sabay sabi "bakit napaano ba Anak ko?" At siya pa mismo nagdala sa amin sa isa pang Albularyo. Nung dumating kami sabi ng Albularyo "Naku! INASWANG ITONG BATA! Bakit ngayon nyo lng ito pinagamot. Maya maya pa kumuha siya ng itlog at binasag sa platong sartin at nakita doon na konting konti na lng atay ng Anak ko. Yun daw ang dahilan sa pamimilipit ng iyak ng bata. Na mas lalong lalala kung ipinagamot sa doctor.
Totoo pala, kasi bakit hindi nagagamot si Nicole. Samantalang alagang alaga ko sya sa pagpapagamot sa doctor.
Nung matapos ng ginamot ang Anak ko nitong bagong albularyo. Umuwi na kami at binaybay namin ang haba at layo ng highway pauwi. Hanggang sa malapit na kami sa bahaykubo ng matanda may kinuha siyang malapad na dahon ang pagka alam ko "badyang yun na tapol" sabay sabing "dalhin nyo ito at ilagay sa ilalim ng higaan ng bata. Hindi na kayang aswangin yan ng kung sinong nag aswang nyan sa bata."
Mantakin nyo sinabi pa nya ng ganun nag disguise pa siya. At hindi nya alam na siya ang pinagdududahan kong nag aswang sa Anak ko. Sa gabing yun nilagyan ko nga ang ilalim ng hinihigaan ni Nicole pati na ang ilalim sa hinihigaan ng Kuya nya at para makasiguro pati ilalim na din ng hinihigaan ko pati ng sa asawa ko para makasigurado baka kami mapagbalingan.
Mula noon gumaling na ang Anak kong si Nicole at dahil nakaka trauma ang nangyari sa buhay namin doon sa Negros. Nagpasya ang asawa ko na magreretiro na sya sabi nya naabot na nya ang "number of service" fucos na siya sa amin na Pamilya niya. Dahil naawa siya sa dinanas ng aming Anak na muntikan ng maiwan namin kung may nangyari sa kanya. Lubos naming pinasasalamatan yung beautician namin sa aming Kampo kung hindi sa kanya wala kaming "ideya" kung anong dapat naming gawin. Yung unang albularyong naggamot na pinatay ng aswang ay dahil yun naudlot balak ng aswang sa bata.
Nagalit ang aswang doon dahil niritwalan nya. At sabi ng asawa ko suicide daw yung ginawa kong pagpunta sa bahaykubo ng aswang na kalong kalong ko ang bata na sukbit ko din ang mahabang baril ng aking asawa. Ni hindi ko na naisip na sa ginawa kong pagkuha sa baril nya at napaputok ko yun dahil sa sobrang galit ko sa matandang yun na siya ngang nag aswang sa Anak ko ay puedeng ma "discharge" asawa ko sa kanyang serbisyo bilang isang Enlisted Personnel sa Special Forces ng AFP. Hindi man siya Opisyal pero isang napakalaking posisyon nya sa kanilang Company.
Nung nandoon pa kami sa Negros ay sumulat ako sa tiyuhin nyang Opisyal din sa sundalo na naka base sa Fort Bonifacio na i request siya sa Company ng asawa ko na doon ma assign sa Bonifacio. Para mas madali ang pag aasikaso nya sa kanyang mga Retirement Orders. Awa ng Dios mabilis ang respond ng request. Kaya kamiy umuwi ng Mindanao.
At sa pag uwi namin nadagdagan ng isa Anak namin. Hanggat habang syay naka duty nilalakad niya mga papeles nya sa pagreretiro. Hehehe panibagong episode na naman ng buhay. Doon na naman kami nakatira ng mga Anak ko mismo sa school ng mga mag ee schooling na mga sundalo Enlisted man and Officers kung saan doon ang kanyang bagong assignment. Year 1998 October umpisa ng kanyang bagong duty pagka November kinuha nya kami sa Mindanao at dinala na naman nya kami sa Manila sa Bonifacio. Panibagong adjustment na naman kami doon at di naman masyado matagal at taong 2001 October "fully retired" na siya. Kaya umuwi na kami ng Mindanao at maligaya kaming namuhay na simply lamang kasama ng aming mga Anak. Ito na po kami ngayon.
Sa lahat na nag tityagang nagbasa nitong aking hinding hindi ko makakalimutan na ekperensya sa buhay naming mag Ina sa Negros.
#maraming maraming salamat po.
# hindi pala masama ang makinig sa sabi sabi tulad ng sinabi sa akin ng beautician namin.
#dahil kung di ko siya sinunod "bawas" kaming umuwi.
#lots of love LIBRA28
Naniniwala ka din ba sa aswang??