Totoo Nga Ba Ang Aswang? (Part 1)

0 26
Avatar for Libra28
3 years ago
source: google

This is a true story of mine, when we encountered "ASWANG". This was based on the time when my husband was still active in the military. So, if you are interesting in Life True Story About Aswang . You can read this one .

This is the time when my husband prefer me and our kids to be with him while, he was at the service as military (SPECIAL ARM FORCES OF THE PHILIPPINES) .

Kasama namin ang aming dalawang Anak. Ang panganay ay si Christofer na may edad 1 1/2 taon at ang pangalawa naman ay si Nicole na may edad 6 na buwan. Pagkatapos schooling ng asawa ko sa Nueva Ecija umuwi siya sa bahay dito sa Mindanao at kinuha nya kami. Dinala niya kami sa parte ng Visayas Negros Occidental.

Sumakay kami ng barko at ito pa ang uso noon. Pagdating sa Ilo-ilo,kami naman ay sumakay ng isang "Super Cat" ang bilis ng byahe at nakarating kami kaagad sa Bacolod. Sumakay kami ng bus papuntang La Carlota. Di hamak na biyahe ang aming dinanas.

Pagdating namin sa La Carlota huminto kami sa isang malaking bahay. Makikisilong muna kami doon sa isa niyang kamag Anak. Totoo nasabi ng asawa ko sa akin na kami'y makikituloy muna sa isa niyang kamag anak.

Pagdating ko doon alanganin ako dahil nga hindi ako sanay ang makikituloy lalo pat may dala-dala kaming dalawang maliliit na mga Anak namin. Mababait naman sila sa amin dahil nga kamag-anak ng asawa ko. Itong tinitirhan namin ay di naman kalayuan sa "Kampo" ng "Special Forces Company" na kung saan doon nadestino ang asawa ko.

Bago umuwi si mister sa Mindanao, nagpagawa na siya ng kubo na nasa ibaba lang ng "Headquadter". Madami ding mga bahay kubo doon na tinitirhan ng mga pamilya ng mga kasamahang sundalo. Ngunit dumating kami na hindi pa tapos ang mga pintuan sa harap at likod at bintana nito. Kung kaya't kami'y nakikisilong muna sa bahay ng tiyuhin nya. Mula pagdating namin araw-araw kinukuha kami ng asawa ko at dinadala kami doon sa aming kubo habang ito'y pinapanday pa ang bintana at pintuan.

Maganda ang kubo,yari sa "nipa at amakan". At halos magkapareho mga design ng kubo doon. Ang tawag dito para sa mga sundalo ay "bunkhouse". Pagdating namin doon sa bunkhouse namin, nataon na fiesta doon sa purok. Na kung saan maraming mga nagtitinda at napakaraming tao at may sabong pa.

Dahil baguhan lang kami sa lugar na yun hindi namin kilala ang mga klase klaseng mga tao doon. Maraming bumabati sa amin na mga ibat-ibang tao. Welcome na welcome kami doon sa lahat na mga kapitbahay na nakapaligid doon. Lalo pat "Pamilya" kami ng sundalo na na assigned doon.

Pagdating ng hapon umuwi na kami doon sa tinutuluyan namin, hinatid kami ng asawa ko. Kinagabihan, balisang-balisa ang Anak kong maliit. Iyak ng iyak ni hindi ko alam ang gagawin. Tiniis ko magdamag na mag-isa kong inasikaso ang Anak ko. Dahil hindi puede na iwanan ni mister ang Kampo dahil 24 hours nakatutok sila sa pagbabantay dahil nga bago pa lamang sila sa lugar na yun. Pugad ng NPA ang Negros noon dahil nga sa malalaking "Hacienda" ng mga tubo doon.

Libo-libong mga trabahante at maraming nag-aalsa. Maraming himagsikan ang nangyayari. Na ang pinupuntirya mga may ari ng Hacienda at taniman ng tubo sinusunog. Kaya isinasayaw ko na lng ang bata hanggang mag umaga.

Nung naidlip sandali ang bata dahan-dahan ko itong inilapag at kaagad lumabas ako upang magtimpla ng gatas ng bata. Nung doon ako sa lavavo nag hugas ng bote. Naku! may nakita akong tao doon sa labas na nakatayo at nakatingin dito sa bahay. Hindi ko maaninag ang mukha dahil may kadiliman at doon banda ay sagingan.

Tumakbo ako pabalik sa cuarto na bitbit bitbit ko ang thermos, bote at lata ng gatas dahil naisip ko na mga Anak ko lng ang nandoon. Sa takot ko hindi na ako naidlip hinintay ko na lamang na lumiwanag. Pagkatapos namin ng almusal dumating ang asawa ko galing "Kampo" at isinasalaysay ko ang buong pangyayari sa gabing yaon. Kaya ikako sa asawa ko ay hindi na namin hintayin ang araw at petsa ng aming paglipat doon sa aming bunkhouse. Kasi may sinusunod sana kaming "pamahiin".

Lumipat kami sa hindi inaasahang araw. Sabagay wala namang problema kung hindi namin masunod ang gusto naming araw. Ang importante buo ang aming Pamilya at masaya.

Lumipas ang mga araw mula nung dumating kami may napapansin akong pusa sa ilalim lagi sa aming kubo tuwing pagsapit ng dilim. Nakikita ko rin lagi at nahuhuli ko sa tingin na itoy tumitingala tila bagang tinitingnan kami sa loob ng bahay. Kaya ginagawa ko binibuhusan ko ito ng mainit na tubig. Ngunit, hindi naman napupuruhan. Dahil, hindi karaniwang lapad ang giwang ng aming sahig kawayan.

Mula nung lumipat kami sa kubo namin ay yung bunso kong Anak si Nicole ay laging namimilipit lagi at walang humpay sa kaiiyak kung sasapit na ang hapon. At ang napapansin ko lagi siyang nag "e lbm" at panay balik kami sa doctor sa La Castellana. Pedia Specialist ang doctor nya pero walang pagbabago sa kalusugan ng bata. Mas lumala pa ito.

Hanggat dumating ang punto na bumagsak ang katawan ng bata. Pangkaraniwan na rin sa akin ang "huni" ng "tiktik" na walang ginawa hanggat mag umaga ikot ng ikot sa bahay at sa itaas ng bubong. Nung sinabi ko ito sa asawa ko sabi nya ibon lng yan. Kaya ginawa ko kapag kami'y natutulog buong kulambo namin ay nakabalot ng maninipis na kumot na pinanglalagyan ko ng ipit. Sa loob ng kulambo nandoon na ang thermos, gatas at mga bote ng dede ng aming mga Anak kasi dalawa sila binubote ko.

Napansin ng mga asawa ng kapwa sundalo doon na bakit ganun ang bata masyadong payat na samantalang nung dumating ay mataba. Ang advice sa akin dadalhin ko sa "albularyo". May itinuro silang albularyo at dinala namin doon. Laking gulat ko sa mga pinangsasabi ng albularyo. Pupunta daw siya sa bahay at may ilalagay siya sa ilalim ng sahig namin. Pumunta nga siya kinabukasan at alas tres ng hapon siya dumating at araw ng biyernes yun. Ngunit inabot siya ng gabi sa pag riritwal. At natapos din alas otso ng gabi. Mahiya magpahatid maglalakad na lamang daw siya. Natandaan ko pa masyadong maliwanag ang buwan sa gabing iyun ngunit,may dala dala pa rin siyang "sulo" ilaw sa lapad na bote na may gaas.

Tiwala naman kami sa sinasabi ng albularyo na.....

Gagawan ko pa ng Part 2 ito bukas. Mahaba na kasi masyado.

Salamat po sa pagbabasa . God Bless

Totoo nga ba ang aswang??

Naniniwala din po ba kayo sa aswang??

@Libra28

4
$ 0.05
$ 0.05 from @whitney123
Avatar for Libra28
3 years ago

Comments