Totoo Nga Ba Ang Aswang?( Part 2)

0 15
Avatar for Libra28
2 years ago

Ito na po ang Part 2 ng istorya. Please read the part 1 of this before you read this one para masabayan niyo. Halina't alamin ang susunod na pangyayari.

Part 1: https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-1-5479dd0c

Continuation:

Okay lang sa kanya ang maglakad pauwi. Kinabukasan nalaman ng buong kampo na yung albularyo na nagritwal sa bahay ay "dinugmo" ng "aswang" mismong ang matandang albularyo ang nagsabi sa mga Anak niya.

Babaeng aswang ang sabi nya. Hindi daw niya mamukhaan dahil nakakatakot ang mukha. Lumaban daw siya sa bugnuan nila at masyado daw malakas ang pwersa ng aswang. Pero nakaya pa nyang umuwi. Mismo daw ang aswang ang tumakbo nung naliwanagan sila ng ilaw ng malaking trak na may kargang tubo (sugar cane) at tumakbo din daw siya pauwi na kahit mahinang mahina na siya. Pagdating ng bahay nila nagulat daw ang buong pamilya nya na kung bakit ginabi siya at bakit ganun ang itsura nya at lupaypay. Nagkwento siya sa buong pangyayari.

Mula nung niritwalan ng albularyo ang kubo namin ni hindi na nag-iiyak yung Anak kong maliit. Pero patuloy pa din na may naririnig akong "tiktik" tuwing gabi. Ilang araw nagulat na lamang kami na yung albularyo ay pumanaw na.

Lalo akong natakot at wala na ang albularyo. Wala na akong sandigan na kakalaban sa aswang na yun na siya ko ring pinag dududahan na nag aswang sa Anak ko.

Grabeng balita yun sa buong Headquarters ang nangyari sa albularyo. Naawa talaga ako at naiyak sa pangyayari. Kaya mula noon alerto na ang paligid.

Isang gabi nung pauwi na ang isa sa mga kanilang CAFGU ay nag roving muna sya sa paligid ng mga bunkhouse nung sa aming bunkhouse na siya napatapat ay may nakita syang baboy na ng iikot sa aming kubo. Kaya hinabol ng CAFGU yung baboy na kumaripas naman ng takbo hanggat nawala sa kanyang paningin.

Samantalang, ang aking Anak na si Kent ay bumalik yung pagka iyakin nya lagi namimilipit sa sakit sa tyan. Halos naman kumpleto ang gamutan pro lalong lumalala. Sa aming Kampo iisang "beautician" lng ang nag mi maintain sa lahat ng mga Pamilya ng sundalo.

At Neneng ang pangalan nya. Mula gupit, manicure, pedicure, hanggang sa pag aayos ng lahat na klase ng style ng buhok. Nung nag home service na sya sa akin na i kwento ko ang tungkol sa Anak kong si Nicole at yung tungkol sa albularyo.

Sabi ni Neneng "dito sa Negros Ma'am kung sino ang pinagdududahan mong nag aswang dalhin mo lng sa kanya kunwari ipagbili mo ng kahit ilang Piso o Sentavo. Ay hindi nya na raw yan itutuloy aswangin kasi itinuturing niya na yang anak ".

Pagkasabi ni Neneng ng ganun pala style doon ay biglang uminit dugo ko sa galit doon sa aswang na pinagdududahan ko. At minsan kasi yung may ari ng tindahan sa tabi namin ay hindi lingid sa kanya ang tungkol sa pangyayari. Minsan tinanong nya ako kung nung bagong dating namin mula Mindanao kung binati ba kami nung matandang babae na maliit dahil matapang daw yun na aswang. At doon ko nalaman na yun pala ang nag aswang sa Anak ko. Siya pa naman yung lagi kong binibilhan ng gulay tuwing naglalako siya sa aming kubo.

Nung natapos ng mag home service si Neneng ay ....

Bukas naman ang Part 3(Finale na).

Thank you po sa pagbabasa. God Bless.

True Story po ito na mismong na experienced namin talaga.

@Libra28

2
$ 0.00
Avatar for Libra28
2 years ago

Comments