Totoo Nga Ba Ang Aswang? (Part 3_Finale)
This is the part 3 of my story I experienced before. If you want to read it. You must read the part 1 and part 2 of it. Here's the link..
Part 1:
https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-1-5479dd0c
Part 2: https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-2-cafbd8fc
Tinawagan ko sa handheld radio ang asawa ko na pumarine muna sa kubo. Sinabi ko sa kanya yung pinag usapan namin ni Neneng. Ngunit hindi ko nakumbinsi asawa ko na pupunta kami sa bahay ng matandang unang bumati sa bata nung bago kaming dating mula Mindanao doon sa Fiesta noon.
Sabi pa ng asawa ko huwag kang maniwala sa sabi sabi kasi baka tayo pa makasuhan dyan at di naman natin nakita na kumain siya ng tao. Nahinahon nyang pakiusap sa akin. Ngunit bigla akong uminit na galit na galit ako. Sumabog galit ko bigla kong kinalong c Nicole sabay bitbit ng **M16 Rifle** nya sabay lakad ng mabilis na humabol naman sa akin asawa ko.
Inawat nya ako pilit syang nakikiusap sa akin na ibigay ko sa kanya ang baril nya. Sinasabi nya na hindi naka lock yan ibigay mo na sa akin baka mapahamak ka nyan at malakas yan baka maka disgrasya ka nyan. Sa akin pa naman naka M R yan malakas imbestigasyon mangyayari sa akin yan kung mapaputok mo yan. Hanggang sa dumating kami sa munting kubo din ng matandang babae na pinagdududahan kong nag aswang ky Nicole.
Pagdating namin doon hindi ko na napansin na nakuha na ng asawa ko ang sukbit sukbit ko na baril nya. Parang doon na naka fucos atensyon ko sa pakikipag usap sa matandang babae na ipagbili ko Anak ko ng kahit ilang Piso lng. Dahil halos makipag away na ako doon sa babae ngunit nandoon pa rin respeto ko sa matatanda. Unti unti nawawala na galit ko nung kinalong nya ang bata sabay sabi "**bakit napaano ba Anak ko?"** At siya pa mismo nagdala sa amin sa isa pang Albularyo. Nung dumating kami sabi ng Albularyo **"Naku! INASWANG ITONG BATA!** Bakit ngayon nyo lng ito pinagamot. Maya maya pa kumuha siya ng itlog at binasag sa platong sartin at nakita doon na konting konti na lng atay ng Anak ko. Yun daw ang dahilan sa pamimilipit ng iyak ng bata. Na mas lalong lalala kung ipinagamot sa doctor.
Totoo pala, kasi bakit hindi nagagamot si Nicole. Samantalang alagang alaga ko sya sa pagpapagamot sa doctor.
Nung matapos ng ginamot ang Anak ko nitong bagong albularyo. Umuwi na kami at binaybay namin ang haba at layo ng highway pauwi. Hanggang sa malapit na kami sa bahaykubo ng matanda may kinuha siyang malapad na dahon ang pagka alam ko "**badyang yun na tapol**" sabay sabing "**dalhin nyo ito at ilagay sa ilalim ng higaan ng bata. Hindi na kayang aswangin yan ng kung sinong nag aswang nyan sa bata."**
Mantakin nyo sinabi pa nya ng ganun nag disguise pa siya. At hindi nya alam na siya ang pinagdududahan kong nag aswang sa Anak ko. Sa gabing yun nilagyan ko nga ang ilalim ng hinihigaan ni Nicole pati na ang ilalim sa hinihigaan ng Kuya nya at para makasiguro pati ilalim na din ng hinihigaan ko pati ng sa asawa ko para makasigurado baka kami mapagbalingan.
Mula noon gumaling na ang Anak kong si Nicole at dahil nakaka trauma ang nangyari sa buhay namin doon sa Negros. Nagpasya ang asawa ko na magreretiro na sya sabi nya naabot na nya ang "**number of service"** fucos na siya sa amin na Pamilya niya. Dahil naawa siya sa dinanas ng aming Anak na muntikan ng maiwan namin kung may nangyari sa kanya. Lubos naming pinasasalamatan yung beautician namin sa aming Kampo kung hindi sa kanya wala kaming "**ideya**" kung anong dapat naming gawin. Yung unang albularyong naggamot na pinatay ng aswang ay dahil yun naudlot balak ng aswang sa bata.
Nagalit ang aswang doon dahil niritwalan nya. At sabi ng asawa ko suicide daw yung ginawa kong pagpunta sa bahaykubo ng aswang na kalong kalong ko ang bata na sukbit ko din ang mahabang baril ng aking asawa. Ni hindi ko na naisip na sa ginawa kong pagkuha sa baril nya at napaputok ko yun dahil sa sobrang galit ko sa matandang yun na siya ngang nag aswang sa Anak ko ay puedeng ma "discharge" asawa ko sa kanyang serbisyo bilang isang Enlisted Personnel sa Special Forces ng AFP. Hindi man siya Opisyal pero isang napakalaking posisyon nya sa kanilang Company.
Nung nandoon pa kami sa Negros ay sumulat ako sa tiyuhin nyang Opisyal din sa sundalo na naka base sa Fort Bonifacio na i request siya sa Company ng asawa ko na doon ma assign sa Bonifacio. Para mas madali ang pag aasikaso nya sa kanyang mga Retirement Orders. Awa ng Dios mabilis ang respond ng request. Kaya kamiy umuwi ng Mindanao.
At sa pag uwi namin nadagdagan ng isa Anak namin. Hanggat habang syay naka duty nilalakad niya mga papeles nya sa pagreretiro. Hehehe panibagong episode na naman ng buhay. Doon na naman kami nakatira ng mga Anak ko mismo sa school ng mga mag ee schooling na mga sundalo Enlisted man and Officers kung saan doon ang kanyang bagong assignment. Year 1998 October umpisa ng kanyang bagong duty pagka November kinuha nya kami sa Mindanao at dinala na naman nya kami sa Manila sa Bonifacio. Panibagong adjustment na naman kami doon at di naman masyado matagal at taong 2001 October "fully retired" na siya. **Kaya umuwi na kami ng Mindanao at maligaya kaming namuhay na simply lamang kasama ng aming mga Anak. Ito na po kami ngayon.**
Sa lahat na nag tityagang nagbasa nitong aking hinding hindi ko makakalimutan na ekperensya sa buhay naming mag Ina sa Negros.
**#maraming maraming salamat po.**
**# hindi pala masama ang makinig sa sabi sabi tulad ng sinabi sa akin ng beautician namin.**
**#dahil kung di ko siya sinunod "bawas" kaming umuwi.**
**#lots of love LIBRA28**
Naniniwala ka din ba sa aswang??
@Libra28
Totoo Nga Ba Ang Aswang?( Part 2)
Ito na po ang Part 2 ng istorya. Please read the part 1 of this before you read this one para masabayan niyo. Halina't alamin ang susunod na pangyayari.
Part 1: https://read.cash/@Libra28/totoo-nga-ba-ang-aswang-part-1-5479dd0c
Continuation:
Okay lang sa kanya ang maglakad pauwi. Kinabukasan nalaman ng buong kampo na yung albularyo na nagritwal sa bahay ay "**dinugmo**" ng "**aswang**" mismong ang matandang albularyo ang nagsabi sa mga Anak niya.
Babaeng aswang ang sabi nya. Hindi daw niya mamukhaan dahil nakakatakot ang mukha. **Lumaban daw siya sa bugnuan nila at masyado daw malakas ang pwersa ng aswang.** Pero nakaya pa nyang umuwi. Mismo daw ang aswang ang tumakbo nung naliwanagan sila ng ilaw ng malaking trak na may kargang tubo (sugar cane) at tumakbo din daw siya pauwi na kahit mahinang mahina na siya. Pagdating ng bahay nila nagulat daw ang buong pamilya nya na kung bakit ginabi siya at bakit ganun ang itsura nya at lupaypay. Nagkwento siya sa buong pangyayari.
Mula nung niritwalan ng albularyo ang kubo namin ni hindi na nag-iiyak yung Anak kong maliit. Pero patuloy pa din na may naririnig akong "**tiktik**" tuwing gabi. Ilang araw nagulat na lamang kami na **yung albularyo ay pumanaw na.**
Lalo akong natakot at wala na ang albularyo. Wala na akong sandigan na kakalaban sa aswang na yun na siya ko ring pinag dududahan na nag aswang sa Anak ko.
Grabeng balita yun sa buong Headquarters ang nangyari sa albularyo. Naawa talaga ako at naiyak sa pangyayari. Kaya mula noon alerto na ang paligid.
Isang gabi nung pauwi na ang isa sa mga kanilang **CAFGU** ay nag roving muna sya sa paligid ng mga bunkhouse nung sa aming bunkhouse na siya napatapat ay may nakita **syang baboy na ng iikot sa aming kubo.** Kaya hinabol ng CAFGU yung baboy na kumaripas naman ng takbo hanggat nawala sa kanyang paningin.
Samantalang, ang aking Anak na si Kent ay bumalik yung pagka iyakin nya lagi **namimilipit sa sakit sa tyan.** Halos naman kumpleto ang gamutan pro lalong lumalala. Sa aming Kampo iisang "**beautician**" lng ang nag mi maintain sa lahat ng mga Pamilya ng sundalo.
At Neneng ang pangalan nya. Mula gupit, manicure, pedicure, hanggang sa pag aayos ng lahat na klase ng style ng buhok. Nung nag home service na sya sa akin na i kwento ko ang tungkol sa Anak kong si Nicole at yung tungkol sa albularyo.
Sabi ni Neneng "**dito sa Negros Ma'am kung sino ang pinagdududahan mong nag aswang dalhin mo lng sa kanya kunwari ipagbili mo ng kahit ilang Piso o Sentavo. Ay hindi nya na raw yan itutuloy aswangin kasi itinuturing niya na yang anak ".**
Pagkasabi ni Neneng ng ganun pala style doon ay biglang uminit dugo ko sa galit doon sa aswang na pinagdududahan ko. At minsan kasi yung may ari ng tindahan sa tabi namin ay hindi lingid sa kanya ang tungkol sa pangyayari. Minsan tinanong nya ako kung nung bagong dating namin mula Mindanao kung binati ba kami nung matandang babae na maliit dahil matapang daw yun na aswang. At doon ko nalaman na yun pala ang nag aswang sa Anak ko. **Siya pa naman yung lagi kong binibilhan ng gulay tuwing naglalako siya sa aming kubo.**
Nung natapos ng mag home service si Neneng ay ....
Bukas naman ang Part 3(Finale na).
Thank you po sa pagbabasa. God Bless.
True Story po ito na mismong na experienced namin talaga.
@Libra28
Totoo Nga Ba Ang Aswang? (Part 1)
This is a true story of mine, when we encountered **"ASWANG".** This was based on the time when my husband was still active in the military. So, if you are interesting in Life True Story About Aswang . You can read this one .
This is the time when my husband prefer me and our kids to be with him while, he was at the service as military **(SPECIAL ARM FORCES OF THE PHILIPPINES)** .
Kasama namin ang aming dalawang Anak. Ang panganay ay si Christofer na may edad 1 1/2 taon at ang pangalawa naman ay si Nicole na may edad 6 na buwan. Pagkatapos schooling ng asawa ko sa Nueva Ecija umuwi siya sa bahay dito sa Mindanao at kinuha nya kami. Dinala niya kami sa parte ng Visayas Negros Occidental.
Sumakay kami ng barko at ito pa ang uso noon. Pagdating sa Ilo-ilo,kami naman ay sumakay ng isang "**Super Cat**" ang bilis ng byahe at nakarating kami kaagad sa Bacolod. Sumakay kami ng bus papuntang La Carlota. Di hamak na biyahe ang aming dinanas.
Pagdating namin sa La Carlota huminto kami sa isang malaking bahay. Makikisilong muna kami doon sa isa niyang kamag Anak. Totoo nasabi ng asawa ko sa akin na kami'y makikituloy muna sa isa niyang kamag anak.
Pagdating ko doon alanganin ako dahil nga hindi ako sanay ang makikituloy lalo pat may dala-dala kaming dalawang maliliit na mga Anak namin. Mababait naman sila sa amin dahil nga kamag-anak ng asawa ko. Itong tinitirhan namin ay di naman kalayuan sa **"Kampo"** ng **"Special Forces Company"** na kung saan doon nadestino ang asawa ko.
Bago umuwi si mister sa Mindanao, nagpagawa na siya ng kubo na nasa ibaba lang ng **"Headquadter".** Madami ding mga bahay kubo doon na tinitirhan ng mga pamilya ng mga kasamahang sundalo. Ngunit dumating kami na hindi pa tapos ang mga pintuan sa harap at likod at bintana nito. Kung kaya't kami'y nakikisilong muna sa bahay ng tiyuhin nya. Mula pagdating namin araw-araw kinukuha kami ng asawa ko at dinadala kami doon sa aming kubo habang ito'y pinapanday pa ang bintana at pintuan.
Maganda ang kubo,yari sa **"nipa at amakan".** At halos magkapareho mga design ng kubo doon. Ang tawag dito para sa mga sundalo ay **"bunkhouse"**. Pagdating namin doon sa bunkhouse namin, nataon na fiesta doon sa purok. Na kung saan maraming mga nagtitinda at napakaraming tao at may sabong pa.
Dahil baguhan lang kami sa lugar na yun hindi namin kilala ang mga klase klaseng mga tao doon. Maraming bumabati sa amin na mga ibat-ibang tao. Welcome na welcome kami doon sa lahat na mga kapitbahay na nakapaligid doon. Lalo pat **"Pamilya"** kami ng sundalo na na assigned doon.
Pagdating ng hapon umuwi na kami doon sa tinutuluyan namin, hinatid kami ng asawa ko. **Kinagabihan, balisang-balisa ang Anak kong maliit.** Iyak ng iyak ni hindi ko alam ang gagawin. Tiniis ko magdamag na mag-isa kong inasikaso ang Anak ko. Dahil hindi puede na iwanan ni mister ang Kampo dahil 24 hours nakatutok sila sa pagbabantay dahil nga bago pa lamang sila sa lugar na yun. Pugad ng **NPA** ang Negros noon dahil nga sa malalaking **"Hacienda"** ng mga tubo doon.
Libo-libong mga trabahante at maraming nag-aalsa. Maraming himagsikan ang nangyayari. Na ang pinupuntirya mga may ari ng Hacienda at taniman ng tubo sinusunog. Kaya isinasayaw ko na lng ang bata hanggang mag umaga.
Nung naidlip sandali ang bata dahan-dahan ko itong inilapag at kaagad lumabas ako upang magtimpla ng gatas ng bata. Nung doon ako sa lavavo nag hugas ng bote. **Naku! may nakita akong tao doon sa labas na nakatayo at nakatingin dito sa bahay.** Hindi ko maaninag ang mukha dahil may kadiliman at doon banda ay sagingan.
Tumakbo ako pabalik sa cuarto na bitbit bitbit ko ang thermos, bote at lata ng gatas dahil naisip ko na mga Anak ko lng ang nandoon. Sa takot ko hindi na ako naidlip hinintay ko na lamang na lumiwanag. Pagkatapos namin ng almusal dumating ang asawa ko galing **"Kampo"** at isinasalaysay ko ang buong pangyayari sa gabing yaon. Kaya ikako sa asawa ko ay hindi na namin hintayin ang araw at petsa ng aming paglipat doon sa aming bunkhouse. Kasi may sinusunod sana kaming **"pamahiin".**
Lumipat kami sa hindi inaasahang araw. Sabagay wala namang problema kung hindi namin masunod ang gusto naming araw. Ang importante buo ang aming Pamilya at masaya.
Lumipas ang mga araw mula nung dumating kami may **napapansin akong pusa sa ilalim lagi sa aming kubo tuwing pagsapit ng dilim.** Nakikita ko rin lagi at nahuhuli ko sa tingin na itoy tumitingala tila bagang tinitingnan kami sa loob ng bahay. Kaya ginagawa ko binibuhusan ko ito ng mainit na tubig. Ngunit, hindi naman napupuruhan. Dahil, hindi karaniwang lapad ang giwang ng aming sahig kawayan.
Mula nung lumipat kami sa kubo namin ay yung bunso kong Anak si Nicole ay laging namimilipit lagi at walang humpay sa kaiiyak kung sasapit na ang hapon. At ang napapansin ko lagi siyang nag **"e lbm"** at panay balik kami sa doctor sa **La Castellana**. **Pedia Specialist ang doctor nya** pero walang pagbabago sa kalusugan ng bata. Mas lumala pa ito.
Hanggat dumating ang punto na **bumagsak ang katawan ng bata.** Pangkaraniwan na rin sa akin ang **"huni"** ng **"tiktik"** na walang ginawa hanggat mag umaga ikot ng ikot sa bahay at sa itaas ng bubong. Nung sinabi ko ito sa asawa ko sabi nya ibon lng yan. Kaya ginawa ko kapag kami'y natutulog buong kulambo namin ay nakabalot ng maninipis na kumot na pinanglalagyan ko ng ipit. Sa loob ng kulambo nandoon na ang thermos, gatas at mga bote ng dede ng aming mga Anak kasi dalawa sila binubote ko.
Napansin ng mga asawa ng kapwa sundalo doon na bakit ganun ang bata masyadong payat na samantalang nung dumating ay mataba. Ang advice sa akin dadalhin ko sa **"albularyo".** May itinuro silang albularyo at dinala namin doon. Laking gulat ko sa mga pinangsasabi ng albularyo. **Pupunta daw siya sa bahay at may ilalagay siya sa ilalim ng sahig namin.** Pumunta nga siya kinabukasan at alas tres ng hapon siya dumating at araw ng biyernes yun. Ngunit inabot siya ng gabi sa pag riritwal. At natapos din alas otso ng gabi. Mahiya magpahatid maglalakad na lamang daw siya. Natandaan ko pa masyadong maliwanag ang buwan sa gabing iyun ngunit,may dala dala pa rin siyang **"sulo"** ilaw sa lapad na bote na may gaas.
Tiwala naman kami sa sinasabi ng albularyo na.....
Gagawan ko pa ng Part 2 ito bukas. Mahaba na kasi masyado.
Salamat po sa pagbabasa . God Bless
Totoo nga ba ang aswang??
Naniniwala din po ba kayo sa aswang??
@Libra28
"Life of Survivor"
Year 1972, I was a grade 2 that time. We lived from North Cotabato. We are two families living there in my mother's side. Which is my mother's brother, my uncle. He was married and have 3 children.
In my side, we are five siblings. We left there in North Cotabato b'coz at that time there was a fierce war. They declared "**NO MANS LAND" .**
My parents and my uncle decided that they should leave the said place. They have a sister living in South Cotabato that we can move to.
When we arrived at the place we're my parents going, my mother's sister did not expect the two of us to flock to them. My parents and their brother begged us to take shelter first b'coz of the war in North Cotabato.
But, my aunt was shocked although she did not expect the two families to live with them temporarily.
And that time my aunt has a visitor. She heard all our pleased to my aunt and her rejection of us there. So the guest did not hesitate to receive us.
My parents and her brother could'nt have imagined that their own sister would'nt accept them, while the land on which she lived was 8 hectares.
My aunt's visitor felt pity for us b'coz we were evacuators from North Cotabato. He was kind enough to let us live on her farm.
We never thought that her farm was wider than my aunt's farm. We went there immediately, we never slept with my aunt. We're immediately going there.
My parents and my mother's brother they made a pallet right away b'coz there was a lot of bamboo's there. The landlord just lent us a "gulok," so that we could immediately make a place "hut" to sleep.
No nails were used, only rope of rattan skin. They tried to finish it before it got dark. My parents and my uncle also made a temporary "wall and roof" made of Anahaw leaves that are squeezed by divided bamboo's. That serves as reinforcement to strengthen the foundation of the said anahaw tighted by the rattan skin.
And Mercy of God, that is only a temporary place for us to live. They also tried to make that hut even better.
The landowner gave us full support, she gave us CORN seeds. My parents and uncle they plant rice on the field. " The owner are not ask the share all the crops and products there. My mother and my uncle's wife were also hardworking. They planted root crops in large numbers. Such as like in different camote.
I even ask "What do you mean by that."
In my young mind, I didn't know that I was just surprised awaked from sleeping with my mother's "sobs" I really wondered WHY? Always in every midnight. I think b'coz she can't accept the fact that her own sister is still ruthless with us? Or her left behind our house, some pets and the crops in our farm there. Even if we we're just her nephews and nieces, she don't felt mercy? All that what happened in our life we could'nt understand b'coz we were young that time.
I also didn't think that the rootcrops what they would planted of my parents are we would be eat. We experienced we eat no rice. Only pure rootcrops. The corn plant, that's what we make our rice. We just grind on it in the stone mill. That was the "trend" then before.
At first, we don't know how to adjust in our situation. Because we are not used to that kind of life before. At a young age, my brothers, sisters, cousins and I enjoyed eating it. Because at that time we just only knew and contented to eat and play happily. I just imagined we never tasted meat there.
But it didn't take long. .
My mother and father raised so many chickens b'coz the owner of that farm gave them a pair of chicken to take care of. Until such time it multiplied and multiplied. Having a Core quantity. . A Native chicken which is delicious until we we're concentrated everyday in excessive quantities. And they sell other chickens to buy our some daily needs.
Until my brothers, sisters, cousins and I studied and graduated. :)
So, this war in Lebanon and Israel I was really "related" makes me feel the hardships that the people there are going through. Because we are also left in the war.
------"So, whatever the hardships of life we encountered, if only we work hard with faith in God, all the trials of life will surely be overcome. The Lord will replace humility and patience with a good life."-----
I didn't hear my parents answer and scold my aunt when she didn't accept us in her area.
As I write this my unforgetable experienced. My tears are just dripping which I unknowingly turned into "sobs". Because, I feel more pain now, the bitterness that my parents encountered went through before. Our life and our sufferings.
**LESSONS TO LEARNED:** We don't lose our hope. We must have to fight with courage as what my parents did. Until you succeed.
Thank you for reading.