Darkness is once again taking over.

10 47
Avatar for Leymar012201
3 years ago

Pagmasdan mo kaibigan,paligid na kanina'y kayliwanag ay unti unti ng nagdidilim. Mga dahon na kanina'y kulay berde sa ating paningin, ilang minuto nalang ay magiging kulay itim. Oras ay tumatakbo ng kaybilis, walang kapaguran na nadarama.

Dilim ay tuluyan ng sinasakop ang paligid. Huni ng mga palaka'y unti-unti ng naririnig kasabay ng ingay na nagmumula sa kuliglig.Mga ulap na kanina'y kulay puti,ngayon ay tila ba nagluluksa at ito'y naging kulay itim. Tila ba may mabigat na nadarama , na sa anumang oras ay ito'y pakakawalan at babagsak nalang sa lupa.

Temperatura kaninang sobrang init na sadiyang nakakapaso pa sa ating balat. Ngayon, malamig na simoy ng hangin ay dumadampi na sa aking balat na animo'y hinahaplos ang aking pisngi. Kaypresko ng hangin pinapawi nito ang init na nadarama.

Ayan na ang mga patak ng ulan na nag-uunahan na bumagsak mula sa mga ulap na puno ng kalungkutan. Iba't ibang uri ng halaman at puno'y matiyagang nag-aabang sa patak ng ulan na magpapagaan ng kanilang pakiramdam. Kalungkutan na namumuo sa kanilang kaloob-looban dulot ng mga gawaing tao na hindi makatwiran.

Kalangitan na kanina'y kulay asul, ngayon ay sinasakop na ng kadiliman. Paglubog ng araw sa kanluran ay kaygandang pagmasdan.Mga ibon na kanina'y malayang nagliliparan ay sumilong na sa kanilang mga tahanan.

Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang ko ng sampo nakatago na kayo..Isa..dalawa..tatlo...apat..lima..anim..pito..walo..siyam..sampo..Game...

Sa kadiliman na wala akong makita maski ang aking anino ay hindi ko maaninag. Sisimulan ko na ang paghahanap sa aking sarili na nakakubli sa pinakamadilim na sulok. Sarili kong nawawalan na ng pag-asa sa gitna ng kawalan na anumang oras ay mawawasak na ng tuluyan.

Kayhirap nga namang nakayuko sa kwadradong kwarto na ito,ako'y hindi makahinga na tila ba may pumipiga sa aking baga.

Gusto kong humiyaw ngunit wala akong marinig na boses na nagmumula sa aking bibig. Gusto kong kumawala sa aking pagkakagapos ngunit lakas ng aking mga kamay ay tuluyan ng nauubos. Bawat patak ng luha at dugo'y unti unti ng natutuyo. Lalamunan ko na kanina'y basa pa ngayon at tuluyan ng natuyo

Kailan ako makakawala sa kadilimang ito na unti-unting lumalamon sa kapirasong liwanag na nananatili sa gitna ng aking puso.

Kailan ako makakawala sa aking pagkakagapos na nagpahirap sa akin ng ilang taon, nagpaluha ,nagpadugo at nagpatigas sa aking malambot na puso.

Kailan ko masisilayan muli ang liwanag na nagsisilbing ilaw sa aking madilim na mundo nung ako'y bata pa.

Kung ako'y bibigyan ng pagkakataon ay nanaisin ko nalang na manatiling bata na walang iniintindi na problema. Masayahin sa lahat ng oras na animo'y walang kalungkutan na dumadalaw sa kaniya.

Ngunit napakaimposible itong mangyari sapagkat sa kasamaang palad ay hindi na maibabalik pa ang mga panahon na tayo'y naging bata. Ito nalang ay magsisilbing ala-ala na sa bawat oras na tayo'y sinasakop ng kadiliman ay pinapaalala na minasan tayo'y naging malaya at naging masaya.

Paningin ko'y nasa malayo na sa tingin ng iba'y isip ko'y nasa ibang mundo. Ngunit sila'y tama sapagkat para bang hindi kona ramdam na ako'y kabilang sa mundong ito. Ang mga tao'y mabilis ang progreso ngunit sa kabila nito'y nawawala na at hindi naisasagawa ang salitang respeto na animo'y kanilang kapwa tao'y para nalang isang bato.

Sa paglalakbay ng aking isip sa ibang mundo, ako'y bumalik sa aking sarili ng may bumulong sa aking tenga. Ito'y mahina lamang ngunit para bang sinusuyod ang kaibuturan ng aking puso.

Ito'y apat na salita lamang ngunit nagawa nitong wasakin ang kadiliman na sumasakop sa aking mundo. " Kaya mo yan anak" itong apat na salitang ito ang nagsindi muli ng liwanag sa gitna ng madilim na mundo.

Luha ko'y pumatak sa aking mga mata na akala ko'y tuluyan ng natuyo. Pakiramdam ko'y gumaan ng tuluyan na tila ba'y kaya kong lumipad sa kalangitan kasabay ng mga ibon na nag-gagandahan.

Laking gulat ko ng aking mapagtanto na ako'y nakangiti. Ramdam ko rin na maryoong nakaakbay sa akin ngunit hindi ko siya makita. Tumindig ang aking mga balahibo, bumilis ang pintig ng aking puso. Alam ko at sigurado ako.

Oh Diyos ko salamat po, mga katagang nabanggit ko pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang liwanag na kanina'y mahina lamang ngayon ay nagliliyab na ito.

Salamat sa Diyos ako'y nakawala at nakalaya na sa kadilimang sumasakop sa aking mundo. Ngayon buo na ang loob ko na tahakin ang paglalakbay na ito kasama ang Diyos na magsisilbing gabay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A great evening to all. Sa isang banda ng ating buhay kailangan nating lumusong sa kadiliman upang tayo'y kuminang ng tuluyan.

Lead image:Source

Sponsors of Leymar012201
empty
empty
empty

6
$ 0.62
$ 0.40 from @Ruffa
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3
Sponsors of Leymar012201
empty
empty
empty
Avatar for Leymar012201
3 years ago

Comments

Ramdam kita. Hirap ng ganyan na sitwasyon pero nanjan ang Diyos lagi hindi nakakalimot. Kapit lang sa kanya.

$ 0.01
3 years ago

opo kapit lang..palagi namna siya anjan.

$ 0.00
3 years ago

Kala ko english πŸ˜… Basta, every time darkness tool over out mind and body.. Wag lang bibitaw, always seek for the light. Lahat naman makakaya kpg may will na mkaahon sa darkness

$ 0.01
3 years ago

Yes po..kung gugustuhin talaga ..kakayaninn..and tawagin din siya para sa gabay niya.😊

$ 0.00
3 years ago

What a beautiful piece πŸ’™..

Lahat ng tao ay nakararanas ng ganito, kahit ako na mukhang masaya sa harap ng iba. Pero diko pinapaabot ng isang araw ang ganitong pakiramdam. Gusto kong kumawala agad kaya ginagawan ko talaga ng paraan. Ayaw kong magpasakop kaya pilit akong umaalpas kasi sa huli alam kong ako lang din ang masasaktan. Hindi ako nag iisa, may isa ring liwanag na handang mag bigay ng kahit kunting sinag para sakin, hindi, hindi lang sya para sa iisang nangangailangan, dahil marami syang sinasagip, kaya yong ilaw na binabahagi nya'y pag dating sa iba'y sinag nalang. At kahit maliit, nakaya kong humakbang at tumuloy sa may mas maliwanag na daan. Yayy to our Papa God πŸ™πŸ™πŸ€—πŸ’™

$ 0.01
3 years ago

thank you for that wonderful comment po😁..Kampay for that..Buti nalang meron siya talaga.

$ 0.00
3 years ago

Tama, tanging sa Panginoon lamang natin makikita ang tunay na kalayaan πŸ€—

$ 0.01
3 years ago

Sa piling niya lang talaga matatagpuan iyan..kaya palagi ko siyang tinatawag.

$ 0.00
3 years ago

Tama po. Sabi nga po nila, hindi lalabas ang bahaghari kung walang bagyo. Hindi rin natin malalaman ang kaligayahan kung walang kalungkutan.

$ 0.01
3 years ago

Tama po ..hindi makakamit ang kasiyahan kung walang paghihirap😊

$ 0.00
3 years ago