Padayon

22 89
Avatar for Lazysnail
3 years ago

At first I just want to say sorry to every english readers who will passed on this article of mine. For today's article I'm planning to write something anything came up on my mind using our very own language. So to every english speaker and readers here you can skip it. Thank you.🐌🐌🐌

At ngayong araw, unang linggo sa buwan ng Agosto Kung saang ipinag didiwang ang buwan ng wika ang wikang Pilipino na nilagdaan ng ating dating pangulong si Fidel V. Ramos.

Nakaraang araw nabasa ko ang isang likha ni @ARTicLEE Kung saang ginamit niya ang wikang tagalog sa kanyang likha. Ako ay nagpasabi na kukunin ko ang kanyang ideya ng pagsukat at sya namann ay sumangayon. Kaya naman ako ay nahikayat na gumawa din patungkol ng sa akin.

Sa totoo di ko alam Kung ano ang mga ipapaloob ko sa gagawin kong Ito. Siguro Kung isang tula nanaman?

Marami akong tulang nalikha marami ang nabura at maraming nasira mga di ko na makita ang iba. Sinasabi nila para akong isang makata, sa paraan ng aking pagsusulat lalo na daw sa tono ng aking pananalita.

Ngunit ano nga ba ang makata? Aking pananaliksik ang isang makata ay tao na lumilikha, bumibigkas, o sumusulat ng tula.lahat kayang bumigkas lahatt kayang sumulat? Lahat nga ba tayo'y makata? Ako'y isa din nga ba?

Maaaring oo, maaaring hindi, hindi ko din alam. May mga bagay na tumatakbo sa aking isipan mga bagay na di ko maintindihan, sadyang nakikiayon lang nga aking mga kamay. At isinusulat ang Kung ano man sa isip ko'y mapadaan.

Sa oras na Ito, hindi ko na alam. May klase pa ako mamaya. Kakatapos ko lang gumawa ng isang takda. Gumawa ng reaksyon sa aking napanood. Patungkol sa fliptopan ang modernong balagtasan.

Dito'y ipinaloob, ikinwento, ang mailing kwento patungkol kay Francisco Baltazar ang ama ng balagtasan. Itinala Kung ang fliptop ay nag mula nga ba sa dining na balagtasan.

Padayon

Gagawa ng tula,pamagat na padayon.

Di mandadaya, sisimulan lang ngayon.

Impromptu, diretso, walang paghahanda,

Kung ano lang maisulat ang aki'y itatala.

Si juan ay nagsikap, makakaahon sa hirap,

Sa pait na nadanas, ayaw nang malasap.

Nag-aral nag trabaho, sinabay ang mga 'to.

Nangarap,mataas, makamit na kampyonato.

Sya'y tinitingala ng halos na ahatl,

Angking talino, kumpansa at sipag.

Marami'y nainngit, balak syang ibagsak.

Mga ugaling palaka, nanghihila pababa

Si Juan ay napagod, humino't naapektuhan,

Sa mga salitang, sa kanya'y pinapatama.

Mga salitang walang basehan, kahit ano nalang.

Ibabato, ipupukol, masiraan lang si Juan.

Si juan ay napagod, naapektuhan, huminto.

Kinitil ang buhay, matapos lang Ito.

Lahat ay nagulat, walang nag salita.

Tinikom ang bibig, pinikit ang mata.

Si juan ay naapektuhan, huminto't napagod.

Kung di nag paapekto di sana sumuko.

Kung patuloy sa buhay. Makamit ang pangarap

Sanay lasap niya na ang ligaya sa ulap.

Sa kapwa ko Juan, na may sariling laban

Wag pansinin ang mga panira sa daan.

Padayon sa buhay, ituloy ang laban.

Abutin natin ang tagumpay na inaasam.

Ang dalawang naunang tula, halata namann sa Inyong pag basa, ay di ko liang handaan pasensya na ahahahha, Kung ano lang talaga dadaan sa isip ko ehhh. May hiking tula pa akong pahabol. Dahil buwan ng wika ngayonn at para sa bayan na din. May ginawa ako dating tula. Nakaraang buwan kong ginawa dahilnnag bigay asignatira ang aking propesor gumawa ng tula sa bayan pinapakita ang Pag mamahal sa ating inang bayan . Ito ang aking likha.

INA(NG) BAYAN

Mula sa unang Pag iyak,

Ikaw ang s'yang saking yumakap.

Tinanggal nilang parte mo,

Kahit di lubos kilala ang tulad ko.

Hanggang sa unang paghakbang,

Ikaw ang sa aking umagap.

Tinulungang bumungon, sa nagawang pagkakadapa.

Binigyang kaibigan, katulong, kasanga.

Nang masilayan ko, sa aking Pag mulat,

Gandang taglay mo at mga kakaibat,

Kalinisan, kapurihan, at ang laying bigyan

Ng magandang kinabukasan ang tulad kong mangmang.

Kanya'y aking gagawin, bilang kapalit.

Sa Iyong pagyakap, sa akin Iyong anak.

Dugo at pawis ko o kahit na aking buhay,

Sa iyo'y iaalay, sa iyo ay ibigay.

Hanggang sa huling pag iyak, Hanggang sa huling paghakbang.

Hanggang sa huling pagmulat, Hanggang sa huling hininga.

Itutuon sa iyo, paglalalaban ang tulad mo,

Susuklian ko ang Pag ibig na inialay mo

At ayon nasayahan ako mag sulat ng tula. Hahhahaha Pag pasensyahan nio na po ako. Pwede po kayo amg bigay ng reaksyon at opinion niyo sa mga nasikat kong tula. Positibo at negatibong momento ay tinatanggap ko poo bilang positibo . Salamat poo.

Sponsors of Lazysnail
empty
empty
empty

7
$ 4.33
$ 4.08 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @snapping.turtle
$ 0.05 from @Bloghound
+ 2
Avatar for Lazysnail
3 years ago

Comments

Ang husay talaga! Sarap basahin. Parang na pa rap pa ako dun kay Juan.

$ 0.00
3 years ago

Salamatt pooo, ahahahah nung binasa ko din say ulit feel ko nag rarap din po ako, Padayon ang buhay!!! Salamat po sa Pag bisita

$ 0.00
3 years ago

Nagustuhan ko, padayon na tula mo Sapagkat akoy may natutunan At itinanim sa isipan

Hindi man ako kagaya ni Juan Na huminto sa Laban Pero sa kasalukuyan May Juan akong kinakalaban Siya Ang aking kinabukasan

Naway matanggap mo Ang akong kumento Proud ka sa wika mo Padayun sa pagiging Makatang Pilipino

$ 0.00
3 years ago

Tama po, wag susuko, wag mag papaapekto laban lang po, salamat po sa pagbabasa ng tula mom at sa komento mong maganda. Salamat pooo

$ 0.00
3 years ago

Welcome ☺️ I will be looking forward for more poems with you. Mahilig din Kasi ako gumawa Ng poems but hesitant akong ipublish dito hehe

$ 0.00
3 years ago

I'll try put as many poem as I remember po, nasunog po Kaso ung iba ehhh. Tas nawala. But I'll do my best po, salamat pooo. Wag po kayong mag alinlangan. Baka mas maganda pa tula mo kesa sakin. Nahihiya ka lang po

$ 0.00
3 years ago

Hehe baka Kasi walang magbasa pagka nag publish ako Ng mga poem ko dito 😁😁 nakakahiya nga

$ 0.00
3 years ago

PADAYON

$ 0.00
3 years ago

Mas madami ka long subscriber kesa sakinn hahahaha Wala namann pong nasama kung susubukan, wala din mawawala. Kaya mo po yannnn. Goodluckkkk

$ 0.00
3 years ago

Hehe thanks for motivating. I will try it soon. Let me gather few guys first πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Ako ma'y nagugumilahanan, at naguguluhan.... Nagdurugo and aking ilong at aking isipan...Ako nama'y namangha sa katatatuwang mga mga tagalog hugotan!

$ 0.00
3 years ago

Naway naintindihan niyo ang hatid ng aking tula, ibat ibang paksa ang itinala, ngunit tagalog ang wikang nakatala. Di ba nanakatwa? Hahahaha salamat poooo

$ 0.00
3 years ago

intinding intindi ko po ang mga salita, pero lumilitaw at ito'y bumubuga. hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahahahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Aba, magaling! Ang galing ng pagkasulat lalo na yung Padayon. Ipagpatuloy ang paggawa ng tula na gamit ang sariling lengguahe. At wow, nag-Baybayin ka rin.

$ 0.00
3 years ago

Opooo, marunong po ako kahit paano mag baybayin, yan po sana itatampok ko ngayong araw Kaso yung kamay ko tula ang isinulat hahaahha. Salamat po sa Pag babasa at Pag appreciate ng gawa koo🐌🐌🐌

$ 0.00
3 years ago

Ahaha pero okay din ang tula. Sali rin ako para sa Buwan ng Wika.

$ 0.00
3 years ago

Sigeee pooo, abangan ko entry mooo. Salamattt🐌🐌🐌 goodluckkkk

$ 0.00
3 years ago

Tag kita pag natapos ko na 😊

$ 0.00
3 years ago

Opooo, waitings poooo

$ 0.00
3 years ago

Napakaganda ng tula na iyong handog sa iyong butihing ina ❀ ramdam ko ang pasasalamat at pagmamahal mo sa kanya .

$ 0.00
3 years ago

Salamat po salamattt po sa lag appreciate ng mga tula kooo, ganun po talaga para sa ating ina at inang bayan

$ 0.00
3 years ago