Chapter 1: Wish https://read.cash/@LadyOfTheLight/wishing-upon-the-stars-chapter-1-ea53640b
Chapter 2: Deal https://read.cash/@LadyOfTheLight/wishing-upon-the-stars-chapter-2-026559c0
Before proceeding consider reading the previous chapters. Happy reading!
X X X
Chapter 3: Date
"Okay, Let's start" Simula ko agad katapos niyang ilapag ang mga kape sa mesa.
Napagkasunduan namin na magkita sa isang coffee shop sa bayan upang pag-usapan ang kasunduan namin. Nilabas ko sa bag ang isang maliit na papel at ballpen. Ini abot ko iyon sa kaniya "Ikaw mag-sulat" utos ko.
"Okay," Maikli niyang tugon. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya dahil kung normal siya ay makikipagbangayan pa 'to. Tiningan ko ng matagal para manimbang sa mga ekspresyo niya "Umpisahan muna, bagal. Let's start with your types."
"Problema mo?"
"Wala, dalian mo na"
"Okay. The Man I would love to date should be funny but serious pero mas lamang parin serious ganon, mga 80:20..."
"Funny and serious type," sulat niya sa papel "Ang baduy ng type mo. Meron bang ganyan funny tapos seryoso? Kahit ang payaso hindi nagse seryoso"
"Ikaw na lang kayo sumagot. Bida bida ka eh. Ideal nga diba? Tsk"
"Next," Pagputol niya agad sa litanya ko.
"Gusto ko ng tao na may pangarap sa buhay"
"Lahat naman meron" Sabat niya habang nagsusulat.
"Matalino"
"Gentleman"
"Mapagmahal sa kalikasan"
"Malakas ang dating"
"Hindi manloloko"
"Law abiding citizen"
"Pet Lover"
"Okay lang kahit di mayaman"
Marami pa akong sinabi na sinulat niya at sa bawat sagot ko ay puno 'yon ng mga sari-saring komento na 'di ko lang pinapansin dahil tatagal lang 'tong usapan namin.
"And that's all," Pagtapos ko sa usapan namin. Nakita ko na ilang pages din ang nasulatan niya.
"Alam mo 'yong mga tipo, hindi sa totoong buhay mo makikita, sa libro,"
"Bakit ba ideal lang naman iyan, kung mag set ka ng standard aba dapat mataas na, di ko man hinihiling na maging perpekto sila, ang akin lang plus lang mga yan. Tsaka kapag na - inlove ka baliwala mga 'yan. Mamahalin mo siya kahit ano pa siya."
"Yeah right" Wala sa sariling pagsang-ayon niya.
"I'll just text you when I found a prospect,"
"Thanks" Malapad na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. At nagpa-alam na sa isa't isa dahil may kaniya-kaniya pa kaming gawain sa araw na iyon.
Matutulog lang ako habang paghahanap ako ni Orion ng date. Natulog lang ako hanggang hapon at tumambad ang text ni Orion.
From: Butchoy
Later 8 pm at Harbor View.
Ang bilis nakahanap. Nag tipa ako ng mensahe bilang pagsang-ayon at dali daling nag-ayos. Pagdating ng alas 6 ay naka ayos na ako. I wore a mini floral dress paired with an ankle strap heel and I'm ready to go.
Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Orion sa labas kaya naman bumaba na ako ng hagdan para lumabas.
"Mag date kayo ni Orion?" May malisyang tanong ni Nanay.
"Hindi po, magpapahatid lang"
"Ikaw na bahala kay Nini," bilin ni Tatay kay Orion habang tinatapik tapik pa nito si Orion sa balikat.
"Opo, salamat po mauna na po kami"
"Ingat kayo sa pupuntahan niyo" Habol ni Papa habang papasok kami sa sasakyan. Pinagbuksan pa ako ni Orion ng pintuan.
Nang makarating kami sa restaurant ay nadatnan na namin ang ka blind date ko. Nabilib naman ako dahil mukhang responsable ito sa oras. Thirty minutes pero nando'n na ito at naghihintay. Mukhang eto ang sasagot sa dalangin ko.
Inayos ko ng kaunti ang buhok at damit bago nagpaalam kay Orion na papasok na. Nagpaiwan naman siya at hihintayin niya na lang ako sa labas.
Nilapitan ko ang mesa ng lalaki at malapad ang ngiti na iginawad ko sa kaniya "Upo ka" sabi niya habang nilalahad ang upuan sa harapan niya "Mag-order muna tayo bago mag-usap?"
"Sige," Pagpayag ko. Agad naman siya nagtawag ng waiter at nag order ng pagkain para sa aming dalawa.
"Ano pa lang pangalan mo?"
"Jenny Montreal, ikaw?"
"Ako si Johnny Narvaez."
Oh pak, parang Endless Love lang ang peg. Maayos naman ang naging usapan namin at kahit na minsan ay salungat ang aming paniniwala ay palagi naman niyang sinasabi na ito ay normal at ginagalang niya ang paniniwala ko. Ilang minuto rin ang tinagal namin sa pag-uusap tungkol sa buhay namin.
Nang patapos na ang aming pagkain ay biglang naging seryoso ang mukha niya "Gusto mo na bang pag-usapan ang mga problema mo?"
"Ha?" Tanong ko dahil wala naman akong sinabi na may problema ako.
"You can tell me everything on how it all started," Umpisa niya at ako naman ay gulo gulong nakatingin sa kaniya dahil di ko makuha ang tinutumbok ng usapan namin "Ginagambala ka pa rin ba ng masasamang espiritu?"
Nangilabot naman ako nang may hangin na sumagi sa aking likod.
"Teka teka, anong masamang espiritu?" Tanong ko medyo nataranta sa sinabi niya.
"Huwag kang matakot, di ka pababayaan ng Diyos"
"Di ata tayo nagkakaintindihan" Paliwanag ko.
"Isa akong paranormal investigator, ako ang makakatulong sa'yo para layuan ka na ng mga masasamang espiritu."
Napanganga ako. Naisip ko si Orion, ang masamang ispiritu na 'yon! Nanlagitgit ako sa sobrang inis, sa isip ko ay tinitiris ko na ang tarantad*!
"May nagsangguni sa aking opisina na may kaibigan raw siyang ginugulo ng mga elemento at diba ikaw 'yon?" Tanong niya.
Biglang lumitaw si Orion sa paningin ko at tumatawang lumapit sa gilid ko. Gulantang pa ako nang bigla siyang humingi ng paumahin sa kausap ko at hinila palabas ng restaurant, nagpati-anod naman ako agad.
Hinampas ko siya nang paulit ulit dahil nanggigil ako sa kaniya "Peste ka, kailangan pa ako ginagambala ng espiritu?" galit na tanong ko "Nahiya ka pa, sana si Ed Caluag na lang tinawag mo. Demonyo ka, dapat ikaw ang pinapalayas dahil isa kang masamang espiritu!"
"Aray. Wala akong kasalanan" Awat niya.
"Anong wala? Meron. Malaki."
"Ikaw nga 'tong nagkamali. Ikaw pa galit"
"At talagang sinisisi mo pa sakin!"
"Bakit hindi? Saan ka nagsisipunta, pinaghintay mo lang naman yung tao kaya umalis na" Nanahimik na lang ako nang ma realize ang pagkakamali ko. Mukhang naging bato pa.
"Tara na nga. Uwi na tayo," Yaya ko at wala sa sariling pumasok sa sasakyan.
Huminga siya nang malilim "Bukas same time," sabi niya bago pinaandar ang makina.
Kinabukasan ay naghanda ulit ako sa date at inihatid ni Orion.
"No'ong nag-aaral ako sabi nga nila sobrang perpekto ko. From my looks, the way I think, at sport. I can definitely do anything. I know how to play instrument, I can sing, I can draw. Do you think I'm perfect too? I know you do" Tawa niya.
"You're talented then" Komento ko "But I think you still missed something important" Pagiging humble, sabi ko sa sarili ko.
Grabe buhat na buhat ang sarili, di lang upuan ang binuhat, pati ang buong universe.
"What is it?" Excited na tanong niya.
"Forget about it" Sabi ko na lang. Sa buong oras na kausap siya, di man lang ako makasingit, puro puri lang sa sarili ang ginawa niya.
"What can you say?" Tanong niya, at nang akma akong magsasalita ay nagsalita na naman siya hanggang sa umabot na naman kung saan ang usapan na puro tungkol sa kaniya. Tumatango tango na lang ako at sinasang ayunan ang mga sinasabi niya.
Kahit 'di ako nagsalita, nakaramdam ako ng pagod kakausap sa sarili ko. Halos diko na rin siya pinapakinggan.
"Thank you for today" Sabi niya. Nginitian ko siya ng tipid "Nag enjoy ka ba?"
"Oo naman!" Akward na sabi ko.
"Napagod ka ba?"
"Medyo"
"Ahh alam mo ako 'di ako napapagod agad kase..." Napamura ako sa isip alam ko na mag uumpisa na naman siya.
Pagod akong napasandal sa sasakyan ni Orion "How's it?" tanong niya.
Kinuwento ko sa kaniya ang nangyare at tinawanan na lang nya ako. Halos di ako magsalita sa sobrang drain ko buhat ng nangyari kanina.
"Kamusta? Ako nga pala si Jenny," Simula ko.
"Okay lang." Tipid niya na sagot
"Anong gusto mong pagkain? Order na ako"
"Kahit ano"
Tumawag ako ng waiter at sinabi na ang order.
"Ikaw anong pangalan mo?"
"Mark"
"Ano apelyido mo?"
"Agustin"
"Ahh," Bawat tanong ko ay sasagutan niya ako ng isa o dalawang words. Sobrang mahal ata ng mga lumalabas na salita sa bibig neto.
"Nagta trabaho pala ako as an assistant sa isang company. Ikaw anong work mo?"
"Lawyer"
"Wow! Ang galing mo naman. Balita ko mahirap ang board exam sa law."
"Yeah"
Hanggang sa matapos na lang ang date ay di na ako nagsalita, lalo na siya.
"Anong balita?" Pang-uusyoso ni Orion.
"Well, di siya sobrang daldal kagaya ng una..."
"That's good then"
"Sobrang tahimik nga lang, kulang na lang maging bato. Mapapanis lang ang laway ko kakasalita puro oo hindi lang ang sinasagot. Wala naman kami sa pinoy henyo"
At marami pang date ang hindi nag work.
Merong sobrang talino na sa sobrang talino ay nag discuss pa about sa Quantum mechanics, Forensic Science, Neuro Science, Human Anatomy at marami pang iba na nagpa dugo ng utak at ilong ko. Muntik pa akong magpasugod sa hospital.
At walang tutumbas sa saya ni Orion kapag nakikita akong nahihirapan at pagod galing sa mga date na sine set-up niya.
"Ayaw ko na, last na 'to. Kapag hindi pa ito nag work. Tatanggapin ko na talaga na tatanda na akong dalaga" Sabi ko kay Orion.
"Ikaw bahala"
"Alam mo minsan, naiisp ko na sinasadya mo na di matino ang pini pair mo sakin"
"Tsk. Bakit ka pa kase naghahanap baka nasa tabi tabi lang ang hinahanap mo"
"Nasa tabi tabi rin naman ako, bakit di ko makasalubong?"
May binulong siya na hindi ko maintindihan at sinabi "You don't need to find love because love would find you instead"
X X X TO BE CONTINUED X X X
PS: NOT PROOFREADED
aba masipag naman pala e hahaha