Wishing upon the Stars - Chapter 1

2 41
Avatar for LadyOfTheLight
3 years ago

Jenny Montreal, no boyfriend since birth decided to take her hopelessness into another level. Pressured by the people surrounding her, telling her to get married soon. She found a solution to her problem in the most stupid and creative way.

When in doubt and in desperation, who should you call?

No one.

Just wish upon the star.

“Starlight, star bright, first star I see tonight: I wish I may, I wish I might, have this wish I wish tonight.”

X X X

 Chapter 1: Wish

“Bigyan niyo na po ako ng jowa, Lord” Usal ko sa hapong iyon habang nanonood ng kasal. It was my younger brother’s wedding with his love of his life. Wala na talaga atang nakalaan para sa akin “Lord, hanggang taga sana all na lang ba talaga ako? Final na?” Kausap ko sa Kanya habang nakatitig sa krus, hindi nakikinig sa pangaral ng pare sa pag-aasawa.

Noon naman ay hindi ko naman iniinda o diko naman pino-problema ang pag-nonobyo o kahit pag-aasawa. Ewan ko ba bakit lahat ng mga kakilala ko ay nagpapakasal at kagaya nito, katapos ng kasal ay ako ang nagiging tampulan ng tukso kung kalian ba ako naman ang susunod.

At eto na nga pati ang mga kapamilya, kamag-anak, ka-trabaho, at mga tsismosang kapit-bahay ay nakiki isyoso na rin sa buhay ko. Dalawang taon na lang ay lalagpas na ang aking edad sa kalendaryo. Nakakalungkot isipin pero yun ang totoo.

Hanggang sa natapos ang kasal at napunta na sa reception. Tahimik lang ako sa gilid at nilalantakan ang mga handa. Kahit gusto kong makipag holding hands at makipagsubuan ng pagkain sa aking nobyo ay napa impossible dahil wala naman ako no’n.

Itong mga pangyayareng ganito talaga ang nagpapa alala sa akin at magpapatanong sa akin sa Diyos kung meron pa ba akong hihintayin, at kung meron sana dumating na dahil inip na inip na ako sa buhay. Iniisip ko madalas baka bata pa ang nakalaan sa akin o di kaya ay sad boy pa ang ganap dahil sa pag iwan ng ex.

“Jenny!”

“Ayy gag*!” Napahawak ako sa dibdid dahil sa pagkabigla nang tinawag ang pangalan ko. Tinawanan niya lang ako at walang alinlangang nakitabi sa akin dala ang pagkain galing sa catering.

“Pwede maki upo?” Pagpapa alam ni Gabbie, pinsan ko, katapos niyang makaupo na at pulutin ang mga kubyertos.

“Di pa upo ‘yan? Pangbabara ko sa kanya.

“Sungit mo” Pang ii-snob niya sa akin.

Huminto siya saglit sa pag lamon at bago pa bumuka ulit ang bibig nya ay sinelyuhan ko na ito gamit ang aking kamay.

“Hep, huwag muna ituloy sasabihin mo, makita mo hinahanap mo”

"Alam mo kaya ka di nagkaka boyfriend dahil d'yan sa kapihikan mo," Dinuro nya ako gamit ang tinidor na may cake katapos ay sinubo nya ito para kumuha pa ulit ng piraso "Tignan mo ako, blooming diba?" Ang kapal "Kase nasa tamang tao na ako at basta ang alam ko lang ay may dilig na"

Binatukan ko siya dahil sa dilig-dilig na 'yan. Bigla akong nangilabot sa mga pinagsasabi nya. Tinawanan nya ako at may panunuyang sinabi "Kapag inggit, pikit"

"Tae mo, ang sagwa mo kausap" Katapos ko 'yong sabihin ay umalis na ako sa kinauupuan ko at iniiwan siyang kumakain.

Nagpupuyos ang damdamin ko na pumunta sa parteng madilim ng resort. Alam ko namang walang magtatangka sa akin dito dahil bukod sa pribadong pagmamay-ari itong resort ay may romo-ronda ring mga security guard sa paligid.

Ginala ko ang aking mga mata at humakbang papunta sa mga gamu-gamo na pumapaligid sa isang balon, nasa itaas ito ng bundok. Ang buwan at mga ilaw galing sa gamu-gamo lamang ang tanging liwanag na nagbibigay buhay sa parteng ito ng resort. Mistulang paraiso na sa sobrang tahimik ay aakalain mo na nasa parte ka ng isang horror movie kung saan may lalabas na babaeng naka puting damit at may mahabang buhok sa balon.

Mula sa malayo ay naririnig pa naman ang mga tawanan ng mga bisita kaya kung may mangyari mang masama sa akin ay isisigaw ko lang ito.

Naghari ang kapayapaan sa paligid at huni lamang ng mga kuliglig ang aking naririnig habang nakatunghay sa balon. Tumingin ako sa langit at pinikit ang aking mga mata.

"Lord, alam ko na nakukulitan kana sa'kin pero alam mo naman na napapagod na ako sa paghihintay sa tamang tao na yan. Bigyan mo naman po ako ng sign kung talaga bang tatanda akong mag isa. Dalawang taon na lang po, lagpas kalendaryo na ako. Mauubusan na ako ng lalake Lord"

"Dito pa naman ako," Napamulat ako sa baritong boses na narinig ko. Tumingin ako sa kanan at kaliwang at pati na rin sa ilalim ng balon ngunit wala akong nakita na tao. "Sa likod mo" Bulong nito sa likod ng aking tenga.

Napatili ako at nang balak ko na lingunin sya ay tinakpan nya ng kanyang kamay ang aking bunganga. Nagpumiglas ako at sumisigaw ng tulong ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa bibig ko hanggang sa mapagod ako ay di nya pa rin inaalis yon at nanatiling sarado.

"Shhhh. Ang ingay mo. Napaka feelingg mo naman na may gagawin akong masama sayo"

"Gag*!" Sambit ko sa kulob na boses. Inalis niya agad ang kamay niya.

"Anong kailangan mo?! Sino ka ha?" Pa sigaw kong sinabi at hinarap sya.

Kunot noo nya akong tinignan "Andali mo namang makalimot, parang kailan lang nung iniyakan mo ko para huwag lang ako umalis" Saad nya sa mayabang na paraan.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa aking harapan. Binulsa ang kanyang mga palad sa kaniyang gilid at nagtaas ng kilay "Butchoy!" Sambit ko nang di makapaniwala.

"Nini" Ganting sabi nya.

"Butchoy!"

"Nini!"

"Butchoy!"

"Nini!"

Sinapok ko sya sa ulo "Parang tanga, ulit ulit," Hinawakan niya ang kanyang ulo kung saan ko siya sinapok "Kamusta?" Tanong ko.

"Really? After you just slapped my head, you'll asked how I'm doing? I'm good" pabalang na sagot niya

"Mabuti naman kung ganon" patol ko sa pagmamaldito niya. Masama niya akong tiningnan. Kala mo ha, ikaw lang pwede magmaldita. Kulang ka pa sa practice boy, i seminar pa kita.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kinakausap si Lord"

"At dinamay mo pa ang Diyos sa kalokohan mo" Umiling iling pa sya para lang i prove kung gaano ako kaloko.

"Bakit masama ba? Sa gusto ko na magka jowa talaga"

"Ako nga 30 na, ikaw ilang taon 28? Bakit ka ba nagmamadali"

Inirapan ko siya "Ganito yan, ikaw pwede ka pa magka anak kahit ugod-ugod ka pa, kamimg mga babae, ako hindi pwede kase mag me menopause kami. Nag aral ka ba ng science, reproductive system? Palibhasa, alam niyo lang gumawa ng bata"

"Oh? Ang usapan lang paghahanap ng jowa, bakit paarang kasalanan ko?"

"Ayy basta. Di ka parin matino kausap"

Mahabang katahimikan ang namayagpag sa pagitan natin.

Tumawa siya bigla na parang may naisip na kalokohan "Do you want to wish it over a shooting star?"

"Kailan?" Excited kong sinabi.

"You can see it from here later"

Binigyan ko siya ng pananghinalan tingin "Alam ko na, mag wi wish ka no kaya ka andito"

"Silly, I just want to watch"

"Sus. Anyways feeling ko mahahanap ko na ang nakalaan sakin after ko mag wish sa bulalakaw" Sabi ko nang may pag-asa sa tinig. Baka gumana ang law of attraction.

"Bakit parang sobrang dami mo na atang isinagawang ritwal para dyan sa pangarap mo?"

"Oo naman no! Winiss ko kay Lord, noong last birthday ko nung nag blow ng candle tsaka nagtapon na rin ako ng barya sa wishing well. Tapos no'ong pumunta kaming Baclaran, iniwan ko pa yung padlock na naka open baka sakaling may mag lock hehe" kwento ko, proud na proud sa mga pinanggawa ko.

Nangunot ang noo niya "Saan 'yon sa Baclaran?"

"Sa ano lang, sa Baclaran Church diba may mga love locks dun yung parang sa South Korea, search mo na lang"

"O yung wishing well saan?"

"Sa may Baclaran din"

"Why don't you try wishing in this well?"

Kinalkal ko ang wallet ko at kumuha ng sampong pisong barya.

"Tsk. Akin na" Utos nya at pinakita ang palad nya. Nang inabot ko ang sampong piso ay tinanggahan niya ito kaya wala sa sarili kong inabot and wallet ko.

Kumuha siya ng isang libo sa pitaka ko at 'yon ang inihagis niya sa loob ng balon. I tried to get it but it's to late, kinain ng dilim ang paper bill. Tiningnan ko sya nang masama

"Alam mo kaya di natutupad pangarap mo, ang kuripot mo magtapon sa well" Pangangatwiran niya.

Pinanghahampas ko sya sa may dibdid niya "Siraulo ka ba? Alam mo bang isang araw rin na kita yung tinapon mo at sinong siraulo ang magtatapon ng pera nila ha?!" Singhal ko.

"Ikaw. Di naman sa akin pera 'yon e. Sayo 'yon"

"At nangangatwiran ka pa!"

"Aray, masakit!"Daing niya matapos kong pingutin "Sinagot ko lang naman tanong mo"

Lalo ko pang diniinan ang pagpingot sa tenga nya. Binitawan ko lang siya ng nagpakita na sa langit ang mga bituin na tutupad sa pangarap ko.

Pinikit ko na ang aking mata at inusal ang matagal ko nang dalangin.

“Starlight, star bright, first star I see tonight: I wish I may, I wish I might, have this wish I wish tonight.”

X X X TO BE CONTINUED X X X

PS: NOT PROOFREADED

 

3
$ 1.02
$ 1.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for LadyOfTheLight
3 years ago

Comments

Akala ko ba ayaw sa taglish? Hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Tamad na ako mag translate nakita ko lang yan sa drafts ko sa wattty. Hahahha

$ 0.00
3 years ago