Wishing upon the Stars - Chapter 2

4 42
Avatar for LadyOfTheLight
3 years ago

Chapter 1: Wish https://read.cash/@LadyOfTheLight/wishing-upon-the-stars-chapter-1-ea53640b

Before proceeding consider reading the chapter 1 first. Happy reading!

For Your Information:

  • Orion - Greek mythology name, is a rising star, with both mythical and celestial overtones.

X X X

Chapter 2: Deal

Nang gabing 'yon nag-usap lang kami sa mga kaganapan sa buhay namin. Matagal kaming 'di nagkita pero parang wala namang nagbago sa tungo namin sa isa't isa puro pang-iinsultuhan lang at pagtatalo na kadalasan na lang niyang sinasang-ayonan para wala ng gulo.

Matagal na kaming magkakilala, dahil rin siguro magkaibigan ang mga magulang namin ay di na rin maiwasan na maging magkalapit. Sabay kami sa pagpasok ng paaralan mula elementarya hanggang highschool kaya naman nang sabihin na aalis sila ng pamilya nila papuntang ibang bansa para do'n na manirahan, nagtampo ako ng very light pero naisip ko na meron namang ibang way para magka usap kami.

Meron rin namang dulot na maganda ang pag-alis niya dahil malaya na akong makipag-kaibigan sa mga lalaki kong mga kaklase sa kolehiyo. Hinahanap ko pa rin naman siya sa mga panahong 'yon dahil nakasanayan ko na buntot lang siya nang buntot kahit saan man ako magpunta. Tinuring niya rin akong kapatid na babae dahil ang mga kapatid niya ay puro mga lalaki.

"Don't call me that!" Asar na sabi niya.

"Edi don't," Inirapan ko lang siya sabay pakita ng busangot ko na mukha "Gara, english english, di mo bagay!" Napakagwapo ng boses niya sa pagsasalita ng English pero syempre di ko aaminin baka lumaki ulo "Bakit ayaw mo Kuya nga tawag ko sa'yo e. Matanda kg ng 2 years sakin no. Ano? Ayaw mong galangin kita," Pangangatwiran ko.

Pinitik niya ang noo ko na nagpamula rito "Just call my name, ang sagwa ng Kuya, di naman kita kapatid"

Hinimas ko ang pinitik niya na noo ko at hinampas ang mga kamay ko sa braso niya ng maraming beses na siya namang sinasalag nito "Sige Butchoy na lang."

"Ang ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo lang akong Butchoy. Saan ang hustisya do'on?"

"Ang hustisya ay para lang sa mayaman," Sabi ko "Mayaman ka nga pala, sana all" bawi ko "Sino namang tatawag sa'yo ng Orion Nash Monteverde? Di ka naman bituin mukha ka lang dumi, break it down," may rhyme y'on a. Nalukot ang pagmumukha niya na siya namang tinawanan ko nang malakas.

"Baliw. Malala kana" Iling-iling niya.

"By the way, buti nauwi ka rito at bakit di mo kasama sila Tita?"

"Uuwi rin ang mga 'yon nauna lang ako ng ilang araw dahil sa kasal."

"At talaga nga naman, sino nag invite sa'yo aber?"

"Bakit kailangan ba magpa alam sa'yo? Di mo naman kasal 'to a."

"G*go" Bulong-bulong ko.

"Tsaka may babalikan pa ako rito" Seroso niyang saad kaya napaling ang ulo ko sa kaniya at nadatnan ang kaniyang mata na nakatitig sa akin.

"Hoy, sino 'yan? Wala ka naman naging jowa na naiwan no'ng umalis ka, ah"

"Tsk. Manhid" Bulong niya na sa sobrang hina ay halos di ko na marinig.

"Ano sabi mo?"

"Wala"

Natapos lang ang pag-aasaran namin nang makaramdam ako ng antok. Nag kwentuhan pa kami bago naka balik sa bulwagan. Ang nadatnan na lang namin do'n ay ang pagliligpit ng mga pinagkainan at pagbabaklas ng mga anek anek na ginamit sa kasal.

Naging payapa ang pagtulog ko bukod sa naiwasan ang mga kakilala na nagtatanong ng status ng buhay ko ay parang may positibong enerhiya na pumapalibot sa akin.

"Jenny, gising!" Kalampag ni Nanay sa pinto.

"Wait lang 'nay" Sigaw ko mula sa loob dahil ako'y nasa banyo pa at naglalagay pa lang ng damit.

Dali dali akong lumabas ng kwarto nang matapos ako sa pagdadamit at dumeretso na sa hapagkainan at laking gulat ko ng makita si Orion na prenteng nakaupo sa may hapag habang nakikipag kwentuhan kanila Nanay.

Tawang-tawa naman ang mga magulang ko sa pambobola ni Orion.

"Parang wala pa rin po ka'yong pinagbago, maganda pa rin kaya in love na in love si Tito," Sabi niya pa.

"Naku, batang 'to talaga" Sabi ni Tatay na di rin maipagkakaila ang pagkaaliw sa bisita.

"Upo kana rito, hija at magsabay na kayo ni Orion na kumain ng agahan" Pansin sa akin ni Nanay.

Tumingin naman sa akin si Orion at kinindatan ako ng magtama ang mga mata namin. Tinupi ko ang mga kamay ko at inirapan siya.

"Bakit ang aga mong nambu bwisit?" Singhal ko agad sa kaniya ng akma niya akong babatiin ng good morning.

"Ah anak, dito muna si Orion ngayong araw. Naiwan niya pala ang susi ng bahay nila sa America, e mamayang gabi pa ang uwi ng mga magulang niya kaya sa kwarto ni Gelo ko muna pinatulog kagabi," paliwanag ni Nanay kahit walang nagtatanong.

Tumingin ako kay Orion pagkatapos kong umupo at tinaasan ng kilay "Our caretaker went to their province" sabi niya nang mahulaan niya agad ang itatanong niya.

Kumain na kami at di na nagbangayan pa.

Nag-offer naman siya na maghugas ng plato pagkatapos kumain ngunit dahil malas raw na paghugasin ang bisita, sa huli ako ang naghugas habang siya ay nasa likod lang at nanonood sa ginagawa ko.

"Oh, bakit?" Pagsusungit ko nang magtama ang mga mata namin. Nagpunas agad ako ng kamay at dumeretso sa fridge para magsalin ng tubig sa baso.

"Pahingi ako," Paki usap niya, kukuhanan ko na dapat siya ng baso ng magsalita siya ulit "Diyan na lang sa pinag inuman mo para isang hugasin na lang," At dahil na demonyo ako ng katamaran ay hindi na ako humindi, sinalinan ko ulit ng tubig ang baso at iniabot sa kaniya "Thanks."

"Okay"

Iniwan ko na si Orion sa may kusina at bumalik sa kwarto upang tapusin ang aking trabaho. Nakatakda akong mag bakasyon ng dalawang linggo kaya naman kailangan ko munang tapusin ang mga dapat na matapos para naman walang maging problema ang pagbabakasyon grande ko.

Nag unat unat ako ng makaramdam ng pagmanhid ang aking likod at leeg. Tumingin ako sa may bintana at nakita ang unti unting pagdilim ng paligid. Buong araw rin akong nakababad sa laptop at di na namalayan na mag-gagabi na pala. Ang maganda lang na nangyare ngayon ay natapos ko ang mga papeles sa trabaho.

Akmang tatayo na ako ng kumatok si Nanay nang pagkalakas lakas.

"Lalabas na po."

"Dalian mo at nandyan na sila Ninong mo" Na-excite ako bigla at kulang na lang ay liparin ko na ang labas para makarating lang agad do'n.

Ilang years ding walang aginaldong natatanggap galing sa kaniya. Baka lang naman, di naman ako namimilit.

"Magandang gabi po," Magalang kong bati, nakita ko si Orion na nasa gilid habang kinakalkal ang mga chocolate na dala ng magulang. Kala mo siya pinagdalhan e.

"Aba't ang ganda naman ng inaanak ko," Papuri ni Tito na kinamula ng pisngi ko. Tumikhim naman si Orion, nang eepal kahit kailan. Nginitian ko na lang sila at nag pasalamat.

"Maraming salamat sa pagtanggap niyo kay Orion" sabi ni Tita "Ewan ko ba sa batang 'to, linagay ko naman sa bagahe niya ang susi ng bahay tapos biglang nakalimutan" Dagdag ni tita na nagpapahiwatig ng ano.

Nagsitawanan naman ang mga matatanda na nagpakunot sa mga noo namin ni Orion. Wala naman kaseng nakakatawa.

"Syanga pala mamaya ay may konting kasiyahan na inihanda si Gelo, inuman lang naman," Pang iimbita ni Papa, mamaya ay bibisita si Gelo at ang kaniyang napangasawa pero wala sa balak na mag iinuman.

"Kung ganon, samin na ang pulutan," tugon ni Tito.

"Huwag na kayo mag abala, Etong si Jenny ang magluluto ng pulutan," Wala akong naalalang magluluto ng pulutan o kahit inuman na usapan.

"Oh marunong kana magluto?" Sabat ni Orion.

"Di naman masyado," Kunwari nahihiya kong sabi, kung di lang nakatingin si Tito at Tita ay baka nasinghalan ko na 'to. Pa'no ba naman kase mukhang nang iinsulto ang pagsabi niya.

"Pwede na mag-asawa" Si Tita.

"Mapapangasawa na lang po ang kulang," Pagsabay ko sa usapan. Nag-tawanan ulit sila kaya nakitawa na lang rin ako.

"Ayan o si Orion, kayo na lang kung gano'n" Nangilabot ako bigla at kapag maiisip ko na makikipaghalikan o makikipag holding hands ako sa kaniya ay umiikot ang tiyan ko. Gusto ko masuka.

"Wow! Luging lugi ka?" Lumapit siya sa akin at sinabi.

"Oo naman, kapag naging mag asawa tayo, ikaw 'tong swerte at ako naman ay mukhang pinatayan ng dalawang kuko sa paa"

"Tsk. Oh ayan, pasalubong ko" pabalya niyang pinilit akong tanggapin ang isang kahon.

"Ano 'to?"

"Dami tanong buksan mo na lang"

"Anong marami sa isa?"

"Mauna na kami a, Orion tara na. Maya na lang 'yan. Magkikita pa naman kayo ni Jenny"

Umalis na siya sa harapan ko at ang buong pamilya nila ay nagpa alam na aalis na. Hindi naman malayo ang agwat ng bahay namin sa isa't isa, magka tabi nga lang e at kung makapag paalam naman parang isang bansa ang pagitan.

Pumanhik ulit ako sa aking kwarto a doon binuksan ang kahon. Isa yung kulay silver na bracelet na may pattern ng constellation. Dali dali kong sinuot 'yon, at sinipat sipat at nang makita kong bagay 'yon sa aking balat ay 'di ko na inalis.

Naghanda na ako para sa pulutan at ang napili ko na lulutuin ay sisig, tokwa't baboy, at Crispy Pata. Mag aalas-7 na ako natapos, at naamoy ko na ang sarili na amoy ulam. Dali dali akong naligo para kapag dumating na ang mga inaasahang bisita ay mukha na akong presentable.

Inaahanda ko na ang mga pagkain nang pumasok si Tito na may dala dalang dalawang libo. Ganadong ganado ako sa pagsandok ng mga pulutan habang hinihintay siya na makalapit.

Nakasanayan na namin ni Gelo, ang kapatid ko, na kapag may ganito sa bahay, ay binibigyan niya kami ng pera dahil kami raw ang uutos utusan nila. Kaya mag mula bata ay talaga naman hinihintay namin na magkayayahan sa inuman dahil sa pera na nakukuha namin.

"Jenny" tawag ni Tito.

"Po?" Magiliw ko na sagot.

"Eto o" Abot niya sa akin ng dalawang libong piso.

"Ayy hindi na po," Tanggi ko kunwari. Habang tinitingnan ko ang hawak niya "Nakakahiya naman po,"

"Ha? Eto tanggapin mo" Pilit ni Tito.

"Okay lang po Tito, inyo na po 'yan" Pagkumbinsi ni Tito.

"Ahh" Nagkamot siya ng ulo.

"Okay lang po talaga"

"Kasi, ano, pinabigay 'to ni Tatay mo. Bili ka raw dalawang case ng red horse"

"Ahh ganon po ba" Tumawa ako ng may pagka-awkward "Akin na po 'yan. Bili na po ako" Nagmamadali kong kinuha ang pera. At nang tumalikod si Tito ay muntik ko ng iuntog ang sarili ko sa kakahiyan kaya lang ay may demonyong biglang tumawa sa likuran ko.

Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa napahaw ang tawa niya. Lalo pang bumusangot ang mukha.

Iniwan ko siya ro'n at pabusit na naglakad palabas ng bahay para bumili ng pesteng red horse.

Humabol naman siya agad sa akin habang nanunuya sa kahihiyan ko kanina. "Wag ka nga sasama. Sasamain ka na talaga sakin makita mo," banta ko "Ang isang tulad mo ay hindi pwede tumabi sa isang dyosang tulad ko."

"Bawal mag assume" Pagpaparinig niya.

"Peste ka!"

Nakarating kami sa may convenient store ng hindi ko pinapalipit ang leeg niya, more patience Jenny, kausap ko sa sarili ko. Kumuha ako ng isang maliit na tub ng ice cream at umupo sa may labas ng convenient store. Syempre, di ko siya binilhan.

Lumabas siya galing sa loob at dala dala ang dalang case ng alak, tumabi siya sa akin ng upo kaya umusog ako palayo.

"Uy sorry na" Di ko siya pinansin at galit na kumain ng ice cream. Ini snob-an ko siya para ma proove ko sa kaniya kung gaano ako naiirita sa pamemeste niya, "Ano ba gusto mo, gagawin ko lahat ng gusto mo"

"Kahit ano?" Medyo pagalit ko na tanong. Tumango naman siya "Sige, hanapan mo ako ng date na pwedeng jowain" Seryoso kong sabi.

"What?!" Napatayo siya na parang baliw na ideya ang sinabi ko.

"Edi don't" Snob ko at nang akmang aalis na ako patayo, ay hinawakan niya ako sa pulso.

"Okay, sige na. Payag na ako"

"Nice"

"Kailan mo gusto?"

"Sa lalong madaling panahon. Deal?" Lahad ko ng kamay sa harapan niya.

"Deal" Alangan niyang hinawakan ang kamay ko.

Nginitian ko siya pero di siya maka ngiti pabalik.

"Tara na uwi na tayo. Dalhin mo mga 'yan" Tukoy ko sa mga case ng alak.

X X X TO BE CONTINUED X X X

PS: NOT PROOFREADED

8
$ 3.77
$ 3.77 from @TheRandomRewarder
Avatar for LadyOfTheLight
3 years ago

Comments

Ang ganda mo naman po! ...okay na tayo girl? Happy? 😂

$ 0.00
3 years ago

Plastic! hahahhahahaha

$ 0.00
3 years ago

Luh amfeeling neto hahahha

$ 0.00
3 years ago

yan ganyan dapat, sambahin mo ako. Kiss my feet hahahah char

$ 0.00
3 years ago