Naniniwala ba kayo na hindi lahat ng masayahin at palabiro ay masaya talaga?Minsan kailangan din nilang maging masaya,at tumawa para makalimutan nila yong mga hinaharap na problema....
Sino ba dito yong tipo ng tao na kapag kaharap ang mga kaibigan ay siya ang bida pagdating sa pagpapatawa pero sa likod pala ng ngiti na yon ay doble ang kanyang kalungkutan.....
Siguro masasabi kong isa ako don.....Ewan ko siguro yon na yong nakaugalian ko....Ang mali lang kasi kapag nag seryuso na ako ay hindi na daw bagay sa akin kasi nasanay silang palabiro ako at hindi bagay sa akin ang mag drama...hehehe....
Minsan naman pagdating sa mga problema ng kaibigan ko eh feeling nila ang galing ko mag advice,bilang ate....pero hindi nila alam na kahit sarili kong problema ay hirap din ako kung paano ayusin.....Kilala kasi nila ako na matapang at hindi daw sa akin bagay yong mahina......ganun talaga kasalanan ko naman kasi nasanay sila na ganon ang tingin nila sa akin.......
Hanggang sa may nakilala akong isang tao na na sa una yon din ang pagkakakilala niya sa akin....Pero ng maging super close kami ay doon niya nalaman na sa kabila ng aking pagiging palabiro ay may nakakubli din palang kalungkutan at sobra niya akong hinahangaan dahil sa kabila ng lahat ay nagawa ko pang magpatawa........Alam niyo na siguro kung sino yon.hahah
Siguro yong kasayahan na yon ay doon ako kumukuha ng lakas para harapin ko ang mga pagsubok sa aking buhay.......
Thank you so much sa aking mga supportive at mababait na sponsors.....Salamat sa tiwala po...
Final thoughts
Masaya ako kapag nakakapag pasaya ako ng ibang tao....ang gaan sa pakiramdam kaya siguro ganon ako.heheh...
Kawawa nman ang mahal ko... Alam ko may malaki kang pagsubok ngayon at alam ko makakaya mo yan jan ako bilib sayo... Andito lamg ako mahal para sayo, wag ka snang panghinaan ng loob kahit na alam ko pagod na pagod kana... Makakaraos ka din mahal basta tiwala ka lang ky papa jesus...makakaya natin ito...