read.cash Log in

@Kyshin

Joined 9 September 2022 · 265 posts

Music Lover | loves crafting | cooking https://noise.cash/u/Kyshin

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Kyshin

Caladium Nakita ko to kahapon sa tanim ni mama grabeh ang lalapad na ng dahon niya. Ganito pala to pag nauulanan siya mas lalong lumalaki at lumalapad. Ang halaman na to ay isang uri ng Caladium na collection ng mga plantita kagaya ng Mother ko. Meron pa siyang iba pang variety nito .Ang ganda ng shape nito pa heart tapos ang ganda ng pattern ng color kaya attractive sa mata.

@Kyshin

Pasyal sa Garden Kanina namasyal ako sa taniman namin tiningnan ko ang mga tanim ni papa. Ang gaganda ng mga dahon ng sili,malunggay,talilong at talbos ng Kamote dahil sa pagulan. Talagang ang lulusog at ang lalapad nako sang sarap sarap tuloy magtinola nito kaso yun papaya namin wala pang bunga. Tapos bigla ako napalingon sa may gilid aba namumulaklak na pala ang ampalayang tanim ni papa.Mga ilang araw lang din at bubunga na to pati ang mga Okra. Nakakatuwa magmasid parang nakaka refresh ng utak lalo nat stress ako ng mga nakakailang araw.Mag ii-stay pa sana ako ng kaonting oras para magmasid kaso mulhang babagsak na ang ulan.

@Kyshin

Kaninang umaga hinatid namin si Hubby sa labas ng bahay.Nasanay na kase ako simula ng maging magasawa kami tuwung aalis siya papasok sa work ihahatid ko pa siya sa labas at tatanawin hanggang makaalis na siya. Kaya ngayon tatlo na kami naghahatid sa kaniya di din kase papayag si baby dahil nahabol sa Daddy niya. Mukhang maaraw ngayon.Sana nga para matuyo yun mga nilabhan ko nung Sunday until now basa padin. Kuha nga pala yan sa labas ng bahay namin yan mga nasa gilid ay tanim kong halaman sa harapan. Sorry sa picture hindi pa ako nakakapag walis hehe

@Kyshin

LABONG Grabe itong harvest ng Kapatid ko kahapon na labong ( Bamboo shoots ) ang la-laki bukod dito meron pa sa sako na maliit yun ang una namin ginulay. Yun mama ko ginawa niyang atsara yun labong yun sakin naman ginataan ko na may sardinas at dilis tapos maanghang. Bali 4 na piraso ang ginulay ko nako! mukhang aabot pa atah to ng dinner sa dami hehe eh 3 lang kami kakaen .. Yun iba nito ibibigay namin sa mga kapitbahay tska dadalhan daw ni Hubby ang byenan ko sa Cabuyao.Mahal kase to sa kanila 90pesos isang piraso na malaki.

@Kyshin

Medyo naadik na naman ako sa paghahalaman ngayon.Kahapon after ko ihatid si Hubby sa labas ng bahay namin. Napansin ko ang isa sa mga halaman tanim ko napaka attractive ng color niya at ang bulaklak niya. Efiscia Flame Violet ang pangalan ng halaman na ito at isa sa mga variety niya ang nasa picture kakaiba ang color ng dahon niya compare sa common variety nito na green ang dahon. Ang mga halaman ang sarap talagah pagmasdan hindi lang sila nakakatulong sa pagpapaganda ng paligid natin kundi nakakatanggal din sila ng stress sa ating mga tao.

@Kyshin

GULAMAN Nung last last week ko pa talagah binabalak lutuin to kase nagrerequest yun anak kong panganay gusto niya daw ng Gulaman. Meron pa kase ako natirang condensed milk bali 2 cans pa yun.Pang Ice candy ko dati pero sa mahal ng Ingridients nagstop na ko sa pagagawa. Kaya kanina after ko magluto ng ulam isinalang ko na to in medium heat. Bali yun stock ko na gulaman kulay red tapos yun condensed buko pandan flavor haha : ) Buko Pandan ang lasa niya pero Pink ang Finished product ..Masarap siya tumikim na kase ako ng isang cup ngayon lang. Siguradong tuwang tuwa ang mga bulilit bukas ng umaga .

@Kyshin

MAYANA ( coleus plant ) Kanina habang nag scroll ako sa fb nakita ko tong picture na inupload ko lastyear . Isa to sa mga pinakamaganda kong halaman na inalagaan nung kasagsagan ng Pandemic. Naalala ko pa noon buntis ako sa bunso kong anak talagang todo tanim ako ng halaman at bili ng paso haha : ) Kahit nahihirapan ako umupo dahil malaki na tiyan ko. Pero sarap na sarap akong pagmamasdan sila habang nakatayo ako sa terrace namin.Nakakawala ng stress.. Isa tong variety ng Mayana ang ganda talagah niya lalot full sun mo siya ilalagay talagang lalabas ang dilaw na kulay niya. Pagdi kase siya naarawan full green lang siya. Ang dami na din nabigyan ng halaman na to bawat nagdadaan na tao dito sa amin nanghihingi ng pananim nito dahil attractive daw kase sa mata lalo pag tinabi sa ibang variety napaka colorful nila ..

@Kyshin

DIY mini Cash drawer So ayun kanina dumating na yun inorder ko na drawer partition sa lazada .Yun pinang order ko nga pala dito ay galing sa mga cashbacks ko kaya nakakabili pa ako ng mga ibang item lalo na pag may mga free shipping vouchers na available. Talagang tinarabaho ko maigi to hehe pagpacenxiahan niyo na ayan lang ang kinaya dahil limited ang mga gamit na meron ako para buoin ito. at yay!Finally organize na kahit papaano ang pera ko kaya di namahihirapan sa pagsusukli sa customer : ) Pag nakaipon na ako tska na lang siguro ako bibili ng cash drawer medyo pricey kase 1000 pesos pero mas safe kase yun dahil may lock. Sa ngayon ito muna pansamantala diba?. Sabi nga sa maliit lahat nagsisimula : )

@Kyshin

Malunggay Kanina maaga akong nagsampay ng mga nilabhan ko kahapon Hindi kase natuyo dahil tuwing hapon eh umuulan ng malakas dito samin. Ito talagah kahirapan pag walang dryer ang tagal magpatuyo ng damit lalo na pag ganitong tagulan. Habang nagsasampay ako nagmamasid masid ako sa mga tanim ni papa malalaki na ang mga tanim niyang okra at papaya s amga susunod na araw eh mamumunga na sila. Pero ito talagah umagaw ng pansin ko ang Malunggay nako laway na laway ako diyan at gustong gusto ko na pitasin ang mga dahon at maisahog sa tinola. Kaso hindi pa pwede dahil bago palang tanim ni papa palaguin daw muna.Grabe ang hirap nadin dito samin kahit malunggay binibili kaya buti nalang nung nagputol un kapitbahay namin pinamigay yun mga sanga para maitanim namin.

@Kyshin

Mini drawer Nitong 7.7 umorder ako sa lazada ng Mini drawer supposedly dapat talagah cash drawer kase lagayan ng pera ang hirap kase pag di organize ang pera lalo na pag nag susukli ka sa customer. Kaso medyo may kamahalan pala ang cash drawer 1,100pesos ang nakita ko na magandang klase sa lazada.Kaya ito na lang muna ang gagawin kong kaha 84pesos per piece mganda siya at mukhang matibay may ibat-iba din siyang kulay .. Nag order din ako ng drawer partition 33 pesos 4 pcs. na siya nag order ako ng 2 set di bale ng sumobra wag lang kulangin hehe kaso di pa dumadating. Be creative na lang para may magamit.Pag dumating yun drawer partition i-post ko kung anu itsura ng gagawin kong DIY mini cash drawer.

@Kyshin

Miles and Piggy oink Kahapon tuwang tuwa ako kay Miles dun sa kuting namin.Hinahanap ko kase siya para pakainin di ko makita medyo may kalabuan kase ang mata ko kaya minsan nga di ko agad siya napapansin. Lalo na pag nahihiga siya sa higaan namin may times pa nga nahihigaan na namin siya haha kase ang liit pa niya tapos dun pa sa mga sulok-sulok pumepwesto : ) Ang ganda ng pwesto niya kahapon sa upuan namin katabi pa niya un piggybank ng anak ko na mas malaki pa sa kaniya kaya pinicturan ko agad. Isesend ko din kase sa hipag ko for sure matutuwa yun sa kaniya kase galing si Miles.

@Kyshin

Simple Treat Dahil kahapon ay Virtual Moving up ng panganay ko nagluto ako ng pancit kanina sabi ko kase sa kaniya sa sahod ko na siya lulutuan dahil out of budget pa kami hehe .. Pumayag naman siya hindi naman kase mahirap kausap ang batang to. pagdating s amga ganitong bagay Tinanong ko siya kung anu gusto niya sabi niya pancit at gulaman daw hindi kase siya nakaen ng spaghetti ahaHa ewan ko ba sa batang to kakaiba gusto smaantalang yun ibang bata favorite spaghetti. bali kase nung june 29 tinreat na siya ng daddy niya ng jollibee pero ang pinaka recognition nila pinalabas nitong july 05 Kaya need ko padin siya handaan hehe nangako na ako eh.. Yan lang niluto ko sa kaniya pero sobrang saya na niya.Babawi na lang ako sa birthday niya sa September .

@Kyshin

VIRTUAL MOVING UP CEREMONY At ito na nga ang pinakahihintay na araw para ipalabas ang VirtualMoving up ceremony ng anak kong panganay. Ilang araw ko din tong hinihintay at talagah naman excited ako mapanuod kahit na recorded lang ang video.Hindi kagaya noon na talagang face to face ang Recognition. Pero ganunpaman napakasarap parin sa pakiramdam para sa isang magulang na mapagtapos at makita ang iyong anak na nakasuot ng toga sa una niyang pag hakbang patungo sa sasunod pang baitang. Sobrang Proud ako sa anak ko Sana ipagpatuloy pa niya ang pagiging masigasig niya sa pag aaral .

@Kyshin

Ginataang Papaya at Tempura Grabeh ang lakas ng ulan kanina akala mo ay may bagyo nagising na lang ako sa lakas ng Hangin. Kaya naman pagising ko ay inumpisahan kona magluto mag 4pm na pala dadating na si Hubby galing sa work. Dapat sana ay magtitinola ako ng walang manok hehe wala pa kase sahod kaya tipid-tipid muna ..Nagbilin kase ako ng malunggay kay Hubby meron kase sa Company nila free lang kumuha sa mga empleyado na may gusto. Kaso naman naunahan pala ako ni mama sa Papaya ginataan na pala niya kaya naman sabi ko isahog na lang niya ang malunggay na ndala ni hubby pahingi na lang ako. Tapos yun Tempura order ko sa Joshua yan ulam ni Hubby at ng anak ko favorite kase nila yan.

@Kyshin

PAKSIW NA TILAPIA Kanina bumili ako ng Tilapia kay Manong wala kase kami ulam.Dapat isisigang ko to kase gusto ni Hubby na humigop ng sabaw may sipon kase siya. Kaso tinamad ako wala kaseng mga sariwang gulay na mabibili sa Talipapa.Kaya naisipan kona lang ipaksiw butikumain si Hubby haha . Hindi kase siya mahilig sa ganito eh kaso mapait siguro panlasa kaya kumain na din siya mabuti na lang madami siyang nakaen kaya makakabawi siya ng lakas.Ito laseng asawa ko ang tipo na hindi nainom ng gamot. Water therapy lang Sana guminhawa na pakiramdam niya dahil may pasok na siya bukas ng umaga.

@Kyshin

General Cleaning Restday ni Hubby ngayon sabi ko mag linis kami ng bahay.Kakatuwa naman abah isang sabi ko lang eh walang pakeme-keme at naglinis nga. Inayos din niya ang maliit kong patungan ng mga gamit sa business ko.Wala pa kase ako pambili ng table balak ko sa lazada na lang yun inaassemble para naman convinient. So ayan kakatapos lang namin nakalimutan na tuloy namin bumili ng ulam kaya naman bili na lng kami ng Sardinas na may miswa hindi kona napicturan dahil sa sobrang pagod at gutom namin nung naalala ko ubos na hehe. Yun nasa picture yan nga pala ang munting lagayan ko ng gamit sa business ko.lalagyan ko yan ng adhesive drawer sa ilalim para di nakakalat ang ibang gamit. Konting tiyaga lang pasasaan ba at mapapalago din namin ito.

@Kyshin

CHUCKIE KIDS Bukod sa Yakult at sezto ito pa ang isa sa mga paborito ng bata na inumin talagang sumasaya sila pag binigyan mo sila nito. Syempre sino ba naman bata ang aayaw sa chocoloate drink na to eh masarap naman talagah at hindi nagbabago. Kahit ako noong bata pa ako gustong gusto ko to kaso di namin afford bumili kase madami kaming magkakapatid. Kaya siguro makakatikim lang din kami nito if ever man na may magbigay samin haha : ) Grabe. naiimagine ko kung gaano kami kahirap noon.Kaya naman pinangarap ko na maibigay sa mga anak ko ang mga bagay na hindi ko nakuha nung bata pa ako. Katulad ng mga ganitong pagkain makita ko lang sila nageenjoy ang saya kona.Kaya gagawin namin lahat ng asawa ko ang makakaya namin para suportahan ang pangangailangan nilang dalawa. Parehas kaming lumaki sa hirap ng asawa ko kaya ayaw namin hanggat maari na danasin din ng mga anak namin ang ganun sitwasyon.

@Kyshin

Moving up Maaga kaming nag prepare kanina para sa moving up ceremony ng Kindergarten. Actually ito ay recorded lang dahil bawal ang face to face recognition dito sa amin sa Sta.Rosa kaya sa July 06 pa ito mapapanuod. Ang section ng anak ko ay hinati pa sa dalawang session 8am-9am at 10am-11am dahil almost 40 students sila masyadong madami. Kanina din inannounce kung anung award ang nakuha ng mga bata. Sobrang saya ko kanina na di ko mapaliwanag na parang halos maluluha ako sa saya ng kinongratulate ako ni Teacher. 2 award ang nakuha ng panganay ko " Enthusiast learner award" " Word weaver award " Ganito pala ang pakiramdam ng isang Nanay sa achievements ng kaniyang anak. Unexplainable na saya na tipong maluluha ka akala ko drama lang hehe : ) By the way ito lang muna ang mashare kong picture sa inyo bawal pa kase mag upload sa July 06 pa pwede.

@Kyshin

LSS ( last song syndrome ) Last time habang nag scroll ako sa newsfeed ng aking Facebook nakita ko ang viral song ni Charlie puth and BTS Member na si jungkook ayieee! na may title na " left and right ". Inaamin ko nman na hindi ako Army ( tawag sa mga fans ng Korean K-pop group na BTS ). Pero this past few weeks eh niyakap ko na rin ang tugtugin nila haha . favorite kase ng baby ko ang song nila na " Dynamite " pag narinig talagah ito ng anak kong si Kenshin ay todo sayaw siya haha : ) at ito nga may collaboration ang bts member na si jungkook at charlie puth sa kantang " left and right" grabeh ang ganda ng lyrics ilang araw na to sa isip ko. " Memories follow me left and right " I can feel you over here you take up every corner of my mind " Try niyo din pakinggan sa youtube for sure magugustuhan niyo : ) #CCTO

@Kyshin

Ginataang Langka Sobrang busy ako this weekend dahil sa gabundok kong labahin.Naputulan kase ng tubig sila mother almost two weeks Kaya naman naipon ang labahin ko imagine 3 laundry basket ng mga damit namin at isang laundry basket ng mga punda,kumot at bedsheet na pinagpalitan. Sobrang sakit ng likod sa paglalaba kahit sabihin pa natin naka washing Machine ko. Kaya ngayon hapon tinatamad ako magluto dahil sa sakit ng katawan ko. Buti may dumaan na naglalako ng ulam na luto.Malayong kamaganak namin kaya bumili na ako.Ginataang langka sa halagang 50 pesos isang tub.Masarap ang luto kaya kahit noon pa man dito talagah kami bumibili. Binawasan kona pala yan nasa picture bago ko naalala picturan gutom na kase ako kaya nauna na kami kumain ng 2 kong anak.Si Hubby tulog padin nagbabawi ng tulog dahil galing sa Nightshift tapos bukas dayshift na siya.Kaya mamaya pa to kakain madaling araw haha kaya di na namin hinintay.

@Kyshin

Nagaaral na siya magsulat Gusto ko lang i-share sa inyo ang 1year and 3months baby girl ko.Sobra kase ako natawa last night kase di ko inexpect sa edad niya na magagawa niya to. Siguro dahil nakikita niya sa kuya niya kaya naman ginagaya niya. Last night kase naiwan ng anak kong panganay sa upuan yun lapis at notebook niya then nakita na lang namin abah naguguri-guri na sa papel HAHA .. Nakakatuwa pa siya humawak ng lapis kase alam niya alin ang ipangsusulat.Kase isang beses nabitawan niya ang. lapis tapos nung magsusulat siya inayos niya ang paghawak bago siya nag sulat. Honestly never ko siya tinuruan or inassist sa paghawak ng lapis kaya tawang tawa ako. Sa edad niya kinakikitaan ko na agad siya ng interes sa pagaaral.One time vinideohan ko nga siya kaya tuwang tuwa ang byenan ko sa apo niya hehe : )

@Kyshin

Try and Try until you ?? So ayan busy na naman ang lola niyo sa pagset ng small business. Kaninang umaga kase mag nag pa cash in ng 5K sakin binigyan ko naman siya ng transaction slip kaso gusto niya is yun reciept galing kay GCASH mismo. So medyo nahiya ako at sabi kona lang pacenxia na kase wala pa kase ako bluetooth printer kaya di ako makapag print ng receipt. Kaya naman napa chat ako sa mars ko na si @lhea23 tungkol sa napag usapan namin about sa BT printer benta niya na lng daw skn un isa niya na extra dahil di naman nagagamit. So payag naman ako dahil tiwala naman ako kay marekoy.Nagchat ako sa kaniya na this week baka kunin kona yun BT printer. Sabi niya ipa- lalamove daw niya nagulat ako ngayon na pala dadating agad. Sabi niya bayadan ko na lng daw siya pag may pera na ako .. ang bait diba? Ang maghalaga daw may magamit ako. Kaya ayan pagdating kinalikot kona ng kinalikot .. Hindi kami magkaigi dahil maliit yun size ng naprint ko palage. Naka ilang try na ako talagang hindi ko tinigilan hanggat di ko naperfect Hanggang sa jaraan na perfect kona din siya hehe : ) pwedeng pwede na ako mag print ng receipt hindi na ako mapapahiya sa customer.

@Kyshin

GUYABANO So ayun may ayuda kami galibg sa aming kapitbahay kanina.Nanghiram kase sila ng panungkit aba pag balik may binigay sa amin na 3 piraso ng Guyabano. Pamilyar ba kayo sa Prutas na to? Sa mga hindi nakakalam kulay puti ang laman niya na makatas na matamis na masim asim. Napakasarap ng prutas na to. Noong bata pa kami marami din kaming puno nito kaso noong tinayuan na ng bahay ay nakasama ito sa pagpuputol. Favorite ko pa nga noon paglaruan ang bulaklak nito dahil parang puso ang hugis. Hehe trip na trip namin sungkitin kaya madalas napapagalitan kami ng lolo ko HAHA. Sa tinagal-tagal ngayon na lang ulit ako makakatikim nito.Salamat sa Kapitbahay namin generous : )

@Kyshin

FATHERS DAY Kahapon simple lang ang naging celebration namin ng Fathers day. Nagluto lang kami ng pancit kase promise ko sa kaniya magluluto dahil last Saturday birthday niya hindi naman kami nakapag handa. Thankful ako dahil may asawa akong katulad niya minsan meron kaming hindi pagkakaintindihan pero pagdating sa mga anak niya ay responsable talagah siya. Wala akong problema dun dahil good provider naman siya. Minsan nakakainis lang talagah pag nag oonline games siya di mo kase siya maabala haha : ) Pero kahit na ganun mahal na mahal ko parin ang asawa ko. Sana ay hindi siya magbago at manatiling mabuting ama at asawa sa amin ng pamilya niya .

@Kyshin

Ginisang Papaya at Baguio beans Ito nga pala ang ulam namin ngayon dapat talagah sayote ang kahalo niyan kaso naman kahapon nagluto kami ng Tinola isinahog ko yun sayote kase wala akong mabiling papaya. Tapos pumunta yun kapatid ko samin nagtatanong kung may ulam daw kami sabi meron pa natira diyan Tinola so kumuha siya tanong niya anu daw sinahog ko Papaya or sayote. Sabi ko sayote walang papaya eh .. Tapos sabi niya meron daw siya inuwi nung Friday ng gabi .. sabi ko ay!siya hindi ko alam?sayang mas bet ko pa naman ang papaya sa Tinola mas malasa kase . So ayan ang kwento kaya Papaya ang halo ng ginisa ko masarap naman din siya kaya nga lang nahirapan ako mag hiwa haha kase medyo matigas.

@Kyshin

Another Parcel received May dumating na naman akong parcel kanina sas usual gamit na naman sa aking small business. Inorder kona lang sa lazada sa halagang 47.50pesos may Free shipping voucher kaya nakatipid na din. Mas mahal kase kung i-papaprint ko pa then tska papalaminate 30pesos colored tapos ang pa laminate 50pesos ang A4 size diba mas mahal tapos mag eeffort pa ko pumunta sa Computer shop. Nag order ako nito para di na magtatanong si customer magkano ang charge every transactions.Titingin na lang sila sa ipinaskil ko diba?. Satisfy naman ako sa order ko dahil maganda ang pagka laminate at print ng item kaya 5 star rate ko sa kaniya. Bukas aalis kami ni Hubby papa cash in na kami para Go na Go na talagah ang aking mini- negosyo! super excited na ako : )

@Kyshin

Inactive Napapansin niyo siguro na di ako active nitong mga nakakailang araw. Busy kase ako sa pag set up ng business ko na Bills Payment and GCASH Cash in cash out. Kahapon dumating na yun order ko sa shopee PACKAGE-999 with freebies included Kaya busy ako sa pag set up ng aking account sa PAYMAYA at GCASH. Kagandahan kase sa PaYmaya e-wallet Free of charge and no limits kapag nagpa top up ka sa mga piling stores or remittances kagaya ng shopwise,palawan and ministop. Kanina ay natapos na ako mag setup pati ng paymaya card kaya bukas try namin mag top up ni hubby paramakapag simula na sa lalong madaling panahon . Ito nga pala ang tarpaulin na kasama sa package pagmalaki na ng konti ang puhunani-push kona din ang PAYBILLS. papaikutin ko muna ang puhunan at sana ay mapalago ko ito.

@Kyshin

Company's Treat Kahapon ng umaga pagdating ni Hubby may dalang red ribbon cake every year kase may pacake ang company nila sa mga magbibirthday every month supposedly dapat Friday naibigay na to kaso ngayon year atah late kase Birthday ni Hubby is june 11 pero june 14 na niya narecieve yun cake hehe But anyway okay na din kahit late atleast meron .Talaga naman papasok palang si Hubby sa pinto ay tuwang tuwa na ang dalawa kong batuta. Nako mga bata talagah bastah may cake walang kaseng ligaya with feelings pa habang kumakain haha. Kasabay kahapon nitong cake may dala din siyang andoks kaya naman nakatipid kami sa ulam bigay ng company nila.Bali may kasama pa yang isang sako ng bigas dahil wala sila outing since 2020 pabigas na lang ang treat ng company para sa kanila. Laking tulong nga naman lalo na sa panahon ngayon kailangan praktikal na diba?.

@Kyshin

New phone Sobrang saya ko kahapon habang nagluluto ng pancit kase birthday ng kapatid nung june 9 pero kahapon lang na i-celebrate dahil walang pasok. Biglang dumating si Hubby.Sabi niya mag withdraw lang daw siya kase dumating na yun loan namin. Gagamitin ko kase un pera for business PAYMENT CENTER and Gcash cash in cash out tska pang pagawa ng bahay. Pero di naman ako nag expect ng cellphobe kase usapan talagah namin sa december na lang pag dating ng bonus. Kaya after ko magluto nagulat ako talagah sobrang saya ko kase almost 5 years din ako di nakabili ng cellphone dahil mas may importanteng pinaglalaanan ng pera kaya isantabi muna ang luho. INFINIX HOT11s ang binili niya skn super satisfied ako kase isa to sa mga latest phone ngayon good for gaming at maganda ang camera. almost 8K ang price niya pero sulit naman. For personal use ko to at yun luma naman ay gagamitin ko sa pag loload ang bills payments sa aking small business na soon to open. Natatawa na lang ako sabi ng asawa ko siya daw yun may birthday pero ako yun niregaluhan niya haha ..birthday niya kase nun june 11 : ) di bale bawi na lang ako sa kaniya pagnakaipon na ako ..

@Kyshin

Talilong Ito nga pala yun itsura ng halaman ng talilong.Noong nakaraan kase na pinost ko to marami ang hindi pamilyar sa itsura ng puno or halaman na ito. Kanina galing ako sa aming munting taniman malago na kase ang dahon kaya naisipan kong picturan kinalbo ko kase ito nung nanguha ako nung nakaraan linggo kaya di ako makapag upload ng picture para sa mga noise friends natin na nagtatanong. Sakto kanina malago na ulit siya kaya ang dami kong nakuha.Ito kaseng halaman na ito pag ka lagi mo tinatalbusan ay mas lalong lumalago. Ito ang lulutuin ko ngayon igigisa ko lang sa sardinas at mag prito ako ng daing. Naumay kase ako kagabe sa de lata kaya gusto ko muna ng medyo ibang ulam.Yun karaniwan lang hehe: )