CHUCKIE KIDS Bukod sa Yakult at sezto ito pa ang isa sa mga paborito ng bata na inumin talagang sumasaya sila pag binigyan mo sila nito. Syempre sino ba naman bata ang aayaw sa chocoloate drink na to eh masarap naman talagah at hindi nagbabago. Kahit ako noong bata pa ako gustong gusto ko to kaso di namin afford bumili kase madami kaming magkakapatid. Kaya siguro makakatikim lang din kami nito if ever man na may magbigay samin haha : ) Grabe. naiimagine ko kung gaano kami kahirap noon.Kaya naman pinangarap ko na maibigay sa mga anak ko ang mga bagay na hindi ko nakuha nung bata pa ako. Katulad ng mga ganitong pagkain makita ko lang sila nageenjoy ang saya kona.Kaya gagawin namin lahat ng asawa ko ang makakaya namin para suportahan ang pangangailangan nilang dalawa. Parehas kaming lumaki sa hirap ng asawa ko kaya ayaw namin hanggat maari na danasin din ng mga anak namin ang ganun sitwasyon.
No comments yet