General Cleaning Restday ni Hubby ngayon sabi ko mag linis kami ng bahay.Kakatuwa naman abah isang sabi ko lang eh walang pakeme-keme at naglinis nga. Inayos din niya ang maliit kong patungan ng mga gamit sa business ko.Wala pa kase ako pambili ng table balak ko sa lazada na lang yun inaassemble para naman convinient. So ayan kakatapos lang namin nakalimutan na tuloy namin bumili ng ulam kaya naman bili na lng kami ng Sardinas na may miswa hindi kona napicturan dahil sa sobrang pagod at gutom namin nung naalala ko ubos na hehe. Yun nasa picture yan nga pala ang munting lagayan ko ng gamit sa business ko.lalagyan ko yan ng adhesive drawer sa ilalim para di nakakalat ang ibang gamit. Konting tiyaga lang pasasaan ba at mapapalago din namin ito.
1 comment
Maganda talaga maglinis sis may kasama mapadali ang lilinisin mabuti masipag si partner mo :) Totoo yan sis sipag at tiyaga mapapalago nyo rin ang business nyo samahan lang lagi Ng dasal.