New phone Sobrang saya ko kahapon habang nagluluto ng pancit kase birthday ng kapatid nung june 9 pero kahapon lang na i-celebrate dahil walang pasok. Biglang dumating si Hubby.Sabi niya mag withdraw lang daw siya kase dumating na yun loan namin. Gagamitin ko kase un pera for business PAYMENT CENTER and Gcash cash in cash out tska pang pagawa ng bahay. Pero di naman ako nag expect ng cellphobe kase usapan talagah namin sa december na lang pag dating ng bonus. Kaya after ko magluto nagulat ako talagah sobrang saya ko kase almost 5 years din ako di nakabili ng cellphone dahil mas may importanteng pinaglalaanan ng pera kaya isantabi muna ang luho. INFINIX HOT11s ang binili niya skn super satisfied ako kase isa to sa mga latest phone ngayon good for gaming at maganda ang camera. almost 8K ang price niya pero sulit naman. For personal use ko to at yun luma naman ay gagamitin ko sa pag loload ang bills payments sa aking small business na soon to open. Natatawa na lang ako sabi ng asawa ko siya daw yun may birthday pero ako yun niregaluhan niya haha ..birthday niya kase nun june 11 : ) di bale bawi na lang ako sa kaniya pagnakaipon na ako ..
3 comments
Ang bait at sweet ni hubby sis hindi na hinintay ang December para sa cellphone mo :) God's favor sa iyong business soon sis.
nice. tuloy ang dutdutan sa soc med hehehe
Maganda yang business na naisip mo pero mapuhunan lang pp pero malaki ang kita sa ganyan po ehh.. Good luck po.