read.cash Log in
@Kyshin more from that month

MAYANA ( coleus plant ) Kanina habang nag scroll ako sa fb nakita ko tong picture na inupload ko lastyear . Isa to sa mga pinakamaganda kong halaman na inalagaan nung kasagsagan ng Pandemic. Naalala ko pa noon buntis ako sa bunso kong anak talagang todo tanim ako ng halaman at bili ng paso haha : ) Kahit nahihirapan ako umupo dahil malaki na tiyan ko. Pero sarap na sarap akong pagmamasdan sila habang nakatayo ako sa terrace namin.Nakakawala ng stress.. Isa tong variety ng Mayana ang ganda talagah niya lalot full sun mo siya ilalagay talagang lalabas ang dilaw na kulay niya. Pagdi kase siya naarawan full green lang siya. Ang dami na din nabigyan ng halaman na to bawat nagdadaan na tao dito sa amin nanghihingi ng pananim nito dahil attractive daw kase sa mata lalo pag tinabi sa ibang variety napaka colorful nila ..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.