E Ano,Sino ba Kayo?

4 23
Avatar for Krizzy
Written by
3 years ago

Alam ko di akong perpektong tao. May mga pagkakamali ako at pagkukulang din sa ibang tao. Pero never akong basta na lang nanghuhusga ng kapwa ko. Kahit sino handa kong iplease kung para naman sa ikabubuti ng nakakarami. Pero kung talagang ayaw sakin anong magagawa ko? Alangan namang ipagsiksikan ko sarili ko para lang magustuhan niyo ako? Di naman tama yun. Oo,sa una gagawin ko kahit anong posible para lang matuwa sakin ang tao. Handa akong maging mapagbigay,maunawain at mabuting tao para lang maiplease ko kayo kung talagang kailangan. Pero naman,lahat ng bagay ay may hangganan. Ginawa ko lahat para matuwa kayo. Para tanggapin niyo ako. Pero anong napala ko? Naging masama pa kong tao sa iba dahil sa kagagawan niyo. Kailangan niyo pa kong siraan para magalit din sakin yung ibang tao? Ano bang kasalanan ang ginawa ko sa inyo? Wala naman akong pinakitang masama sa inyo ahh? Para husgahan niyo ako at di maging maganda ang inyong trato. Kada magkikita-kita ang pamilya dinededma niyo ako. Ramdam ko ang mga irap at talas ng mga mata niyo. Ang mga simpleng pagtawa at pagkutya niyo sakin ay alam ko. Di naman kasi ako manhid na tao. May damdamin din po akong katulad niyo. Lahat ng pagtitiis ngayon ay ginagawa ko. Alang-alang man lang sa pagsasama namin ng asawa ko na kamag anak niyo. Sige,ayaw niyo sakin? Di niyo ako gusto? Okay lang,sanay na ako. Kung sa sariling kamag-anak ko nga mas higit pa naranasan ko. Pero di ako sumuko at lumaban ako sa pahirap ng mundo. Kaya kahit ano pang mangyari handa akong magtiis. Sino ba kayo para husgahan ako? Oo,kamag-anak kayo ng asawa ko pero hindi naman kayo mismo mga byenan ko. Kaya kung ayaw niyo sakin e ayoko na rin sa inyo. Ang importante lang ay tanggap ako ng magulang ng kinakasama ko. At pabor din sakin ang mga kapatid niya kahit hindi nila masyadong ipinapakita. Okay na sakin yun. Mas importante sila kesa sa inyong makikitid ang utak. Na walang alam gawin kundi manghusga at magmataas sa kapwa. Hindi ko kailangan ang mga katulad niyo. Dahil hindi rin naman kayo ang bumuhay sakin dito sa mundo. Salamat na lang kahit na papano. Nalaman kong marami talagang katulad niyo sa mundo.

5
$ 0.00
Avatar for Krizzy
Written by
3 years ago

Comments

Ignore mo nalang sis ikakatanda lang nten sila haha ganyan din ako dati sa pamilya ng asawa ko grabe.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga ehh,hay naku..pero natawa aq pic na nakalagay kc hindi un ung nilagay q bat kaya un ang nakalagay,,hehe

$ 0.00
3 years ago

huwag mo silang pansinin,magkakawrinkles at mastress ka lang. dedmahin lahat ng nega!!focus ka sa family mo, avoid them at all cost para happy ka lang parati😊

$ 0.00
3 years ago

mastress

Yes, I am trying. Thanks

$ 0.00
3 years ago