Balik tanaw sa tag-ulan
Pag ganitong maulan,di ko maiwasan na d malungkot kasi ang daming bumabalik sa alaala ko 😔 April 02,2017 isang gabing ndi ako dalawin ng antok,d ako napapakali sa d malamang dahilan hanggang sa nagbukas ako ng Facebook at sa pag sscroll ay nabasa ko ang post ng kapatid ko na humihingi ng tulong na maka kontak sa sinuman na makakapag sabi sa lagay ng mama ko dahil nabangga daw ito,dun kinabahan na ko at nag pm ako sa kanya at tinanong kung anu nangyari at yun nga nabangga daw ng motor si mama,akala ko minor injury lang kaya pinilit ko rin makahanap ng kontak sa kung sinu man ang nasa hospital ng time na yun at ng may matawagan nga ako ay dun ko na nalaman na wala na raw si mama 😭😭ang lakas ng impact pala ng pagkakabangga dahil lasing ang driver ng motor,ilang minuto akong natulala saka na ako biglang naiyak..d ako makapaniwala ,kasi one week before ay nakausap ko pa sya sa phone ,buhay na buhay tapos biglang ganun..Gumawa agad ako ng paraan para makauwi kami ng bicol ,kasama ang asawa ko..Nang nasa harap na ko ng kabaong ni mama ay hindi pa din talaga ako naniniwala na wala na sya..Hindi nila ako nakitang umiyak ,pigil na pigil ko ang emosyon ko ng mga oras na yun. Para sa mga kapatid ko kala nila wala lang pero d nila alam na durog na durog ako that time.Kung lahat kasi kami magiging mahina sino pa ang magiging lakas nila lalo na sa bunsong kapatid ko na nakita mismo sa harap nya ang sinapit ni mama kaya walang tigil sa kakaiyak.Pag uwi namin dito sa manila saka ako umiyak ng umiyak😭 naalala ko lahat ng mga ginagawa ni mama,Yung pagluluto ng almusal tuwing papasok kami nung elementary,ung matyaga syang gumigising sa umaga para busog kaming papasok sa school,lahat ng luto ni mama hinahanap ko gang ngaun..Kung pwede lang ibalik ang pangyayari na un sana gusto kong mapigilan ang aksidente na yun..Naniniwala ako na si satanas ang may pakana ng sinapit ng mama ko.Lasing na driver,walang lisensya,ni hindi man lang tumulong ang pamilya nung burol ni mama..Galit na galit ako gusto ko syang sugurin at iparamdam sa kanya kung anung ginawa nya sa mama ko😭😭.Hanggang ngaun nasa proseso pa din ako na sana pag nakita ko yung taong gumawa nun sa mama ko ay sana mapatawad ko sya pero sa ngaun ndi pa..😭😭Ganito ako kalungkot kapag umuulan dahil nangyari yang aksidente ni mama ng umuulan..
God is in Control 🙏
We are too busy in our earthly lives, fighting for everyday struggles, finding solutions for every problems, working and working for every day needs of our families and sometimes we forgot to kneel down and pray and ask for guidance of the heavenly God. Sometimes we just depend on our own strength and will. When he have everything we forget to thank Him, sometimes we just realized that we need God when we are in troubles right? I myself is a living example. When things is in favor of me, i just enjoying it and forget to thank and praise Him 😔 and i felt guilty about it. When things go wrong I just realized that i need God in mylife 🙏. Since then i can testify that God is in control of everything. No matter how i try to do my own will it becomes failure but when i ask guidance and pray to let His will be done everything will fall into their property places. So i want to share my favorite verse in the Bible which is my bio also.
💜For where your treasure is, there your heart will be also.💜Matthew 6:21
It's not bad to aim high,to become rich but let God be in our life for whatever plans we have. He knows what we need even before we ask Him . He just want us to walk in the right path, not all earthly pleasure is from God ,sometimes it comes from evil so if He sees that we will get lost in the right track He will let us failed and realized that we need Him 🙏.
We have six days to do whatever we want for our daily lives but let us spare at least one day for Him. Reflect and confess in our sins and be thankful for every morning the He wakes us up.. let's give Him a day to at least make our spiritual life be full 💜
I thank Thee for every blessings, specially now that we are on crisis because of the pandemic it's about time to reflect ourselves and ask Him to be with us until everything will be okay.Let God control our whole life.
Angel's Stories(2)
So ito na nga po yung continuation ng "IKAW ANG DAHILAN"
make sure na nabasa nyo ang unang chapter para masundan nyo ang kwento.😊
IKAW ANG DAHILAN
Chapter 2
Dumating na nga ang araw ng kanilang pagtatapos sa paaralang sekondarya.
"Congrats saten best " masayang bati ni Jhaisy kay Shaylah at saka yumakap dito.
"Congrats din sayo best" ganting bati ng dalagita "Sabi ko na nga ba walang duda ,ikaw talaga magiging valedictorian eh" dugtong niya
"Sus baka nagwapuhan lang sakin yung principal naten" biro nito sabay halakhak
"Loko ka marinig ka" sabay silang napahalakhak "Deserve mo yan noh.kulang nalang maging human encyclopedia ka eh" ganting biro naman ni Shaylah.
"Kayong dalawa dyan bilisan nyo na ng makapag celebrate na tayo." Tawag ni Chase Villamadrid,and Daddy ni Jhaisy.
"Sige po Dad.o best tara na,asan ba si Tita Estef?" a nito na hinahanap ang ina ni Shaylah
"Ayun oh,sige wait lang tawagin ko ,mukang napa tsismis na naman sa kumare nya." A ng dalagita at nagkatawanan sila.
" Okey best antayin nalang namin kayo sa kotse ah.sa bahay na tayo mag celebrate naka set na yan " a ni Jhaisy at tumango nalang si Shaylah
Bago pa makalapit si Shaylah sa ina ay sinalubong na sya ni Rico.
"Congrats Shaylah" a ni Rico
"Sayo din congrats" ganting bati nito at ngumiti ng bahagya.
"Ahm san mo balak mag college?" Tanung ni Rico
"Hindi ko pa alam eh,depende kung san ako makakakuha ng schoolarship" sagot ni Shaylah
"Sana magkita pa tayo ulit." Nakangiting sabi ni Rico.
"Oo nga eh.s-sana" ___ "Sana makita pa kita ulit !" Mahina lang na turan ng dalagita.
"Hah?" Si Rico
"W-wala sige punta na ko kay Mama"
"Shaylah p-pwede bang anu..."
"Anu?"
"Nevermind.." ngumiti na lamang si Rico
Napataas na lamang ng kilay si Shaylah ng hindi itinuloy ni Rico ang gustong sabihin.
"Anu kayang sasabihin ng mokong na yun? " tanung lamang niya sa isip.
"Manliligaw kaya sya sakin???" _____ " Ba yan asyumera na naman ako" saway niya sa sarili.
Dahil magkapitbahay lang din naman sila Jhaisy at Shaylah ay sa bahay na nga ng binatilyo idinaos ang
graduation party nila.kasama ang ilang close na mga ka klase at kaibigan..
Matapos ang kasiyahan.....
"So panu yan may 2 weeks nalang tayo magkakabonding best" ani Jhaisy at napabuntong hininga naman si Shaylah.
"Hindi ka na magpapapigil?" Si Shaylah
"Wala naman ako magagawa sa ngayon kundi sumunod palang sa gusto nila Daddy at mommy eh."
"Sabagay...medyo nakakalungkot lang.."
"Magkakausap pa naman tayo kahit nasa malayo ako anu ka ba?"
"Syempre pag na busy ka na dun kung san ka man pupunta..baka katagalan mawalan ka din ng time makipag usap sakin." May pagtatampong himig ni Shaylah
"Naku hindi mangyayari yun, aabangan ko pa mga ikwwento mo sakin tungkol kay Rico hahaha"
"Uy grabe ka" at napangiti ito.. at nagkatawanan sila.
Two weeks later...
Hindi mapigil ni Shaylah ang pangingilid ng kanyang luha ng ni Shaylah.
"Huwag ka na malungkot best.promise i will keep in touch" a nito na yumakap sa bandang likuran niya.
"Nakakapanibago lang kasi.alam mo naman dito sa subdivision naten ever since the world begun eh ikaw na yung kakulitan ko eh"
"Babalik ako best wag ka mag alala"
Gustuhin mang pigilan ni Shaylah ang kaibigan ngunit hindi naman niya pwedeng handlangan kung anu man ang mga hangarin nito sa buhay kaya napaiyak na lamang
siya na hatid tanaw ang pag alis nito.
To be continue...
Sana'y Makamtan
Sa mga sandaling ako'y nag-iisa
Laging dinadalaw ng pagkabalisa
Pagkat sumasagi sa aking isipan
Mga alaala ng ating nagdaan
Mga alaalang ka'y hirap limutin
Dito sa'king puso ka'y hirap burahin
Mga paglalaro sa dalampasigan
Mga tawanan na walang katapusan
Ngunit ngayong sa piling ko'y lumisan
Tila walang saysay ang naging suyuan
Ganun pa man ako ay umaasa
Na upang maibsan yaring pagdurusa
Nawa sa'king piling ay magbalik ka
Tunay na pag-ibig Sana'y Makamtan na
Ito yung tulang sinulat ko nung grade 6 ako .Yung panahong ang tingin ko sa crush ay true love na 😁Till now na 31 y.o na ako hindi ko pa rin nakakalimutan.
Angel's Stories
Hello sa lahat ng readers ,mag start ako magsulat ng mga stories ko na ito ay pinangrap ko ng mailathala simula nung bata pa ako. Ito ay tungkol sa pag-ibig,pagkakaibigan at pamilya...
IKAW ANG DAHILAN
Chapter 1
"Oh bat ang lungkot mo na naman jan? "
tanung ni Jhaisy sa kaibigang si Shaylah.
"Wala naman iniisip ko lang malapit na pala ung graduation naten" tugon naman ni Shaylah.
"Ay oo nga noh" Biglang napatanaw sa malau si Jhaisy at doon ay may mga nanumbalik sa kanyang alaala.
simula bata palang kasi ay magkaibigan na sila ni Shaylah,magkasama sila sa lahat ng kalokohan,dahil magkapitbahay lang din sila kaya halos araw araw silang magkalaro.Ngayon ay pareho na silang magtatapos sa sekondarya kaya may lungkot din na sumilay sa kanyang mata lalo na ngayon na haharap siya sa panibagong yugto ng buhay niya na malayo sa paligid na kanyang kinalakihan.
"Shay ndi ko pa pala nasabi sayo na one week after ng graduation naten eh aalis pala kami" a ni Jhaisy sa kaibigan na lalong ikinalungkot nito.
"San ka naman pupunta?"
"Sa malayo, di ko alam kila daddy kung san kami pupunta basta dun daw ako magcocollege"
"Anu ba yan mang iiwan ka nalang d ko pa alam kung san kau pupunta" may pagtatampong turan ng dalagita.
"Babalik din naman kami eh d ko nga lang alam kung kelan wag ka na magtampo" a ng binatilyo saka yumakap sa likod ng kaibigan. Nasa gitna sila ng kanilang pag uusap ng dumating si Rico,ang isa pa nilang kaibigan na matagal ng palihim na tinatanggi ng puso ni Shaylah.
"What's up men " bati ni Rico sabay tapik sa balikat ni Jhaisy."Tara basketball tayo" aya nito
"Sige Tara" tugon naman ni Jhaisy at magkasabay silang tinungo ang papuntang basketball court ng paaralan habang hatid tanaw lamang si Shaylah sa kanila.Napangiti na lamang sya habang papalayo ang dalawa.
Parehong school heartrub si Jhaisy at Rico kaya ndi maiwasan ng ilang mga estudyanteng babae na mainis kay Shaylah lalo na pag magkakasama sila ng mga ito..Matagal ng may gusto si Shaylah kay Rico ngunit hindi niya alam kung may ideya ba ito sa kanyang nararamdaman habang kay Jhaisy naman ay purong pagmamahal bilang kaibigan lang ang dadamdamin nya para dito.
To Be continue....
Isusulat ko po ito by chapter kasi mejo mahaba ung kwento sana magustuhan nyo.😊