read.cash Log in

@Nylydal

Joined 12 June 2020 · 55 posts

I'm a Libra

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Nylydal

Sa mga lalake dapat marami kayong babae😊 Babaeng iniiwasan para sa nag-iisang babaeng iniingatan🤣

@Nylydal

sabado na ,si read cash pa rin ka date ko. nageenjoy kasi ako e, walang dull moments. sipag magpatawa, minsan pinapasad ako pero bumabawi naman. I love you read cash😀😂

@Nylydal

Train 2020 Sa mga kagaya kong mahilig sa Korean Series, may bago ngayong pinagkakaguluhan, kauumpisa lang this July. Ang mga pangunahing gumanap ay sina Yoon Shi-yoon, Kyung Soo-jin and Shin So-yul. Ito ay suspense thriller,mystery, fantasy na may kaunting romance. May train na bumibiyahe sa saradong riles, everytime na dadaan ito ay nag-iiwan siya ng bangkay ng tao na nakalagay sa maleta. Ang tanong paano nangyaring may dumadaang train e matagal nang sarado ang istasyon ng tren na yun? Time travel ba? o imahinasyon lang ng pangunahing aktor. Nagustuhan ko kasi maganda at mabilis ang daloy ng kwento. Kung interesado ka panoorin mo sa link sa baba. Enjoy!! #koreanislife https://www.facebook.com/angelicreamunnie/videos/2990089147775613/ https://www.facebook.com/angelicreamunnie/videos/2993085067476021/

@Nylydal

From Grass to Bags Yesterday was the seventh anniversary of BAGWEA(Baggao Weavers Association). Thanks to the talented native of Baggao in sharing their products to the community. These bags brings so much hope for the poor weavers, they can earn little amount in this time of pandemic and it also promotes the local handicrafts of small laborers in the remote area like Baggao,Cagayan. The municipality helps the small workers to give assistance for them to continue providing for their family's. Visit Baggao here in the North. They showcase beautiful and unique manmade products, all is currently displayed in the town halls lobby located in San Jose Baggao Cagayan. The BAGWEA is a project of Mayor Joan Bunuan. Check out the mayors page for more info.https://www.facebook.com/mayorjoanbaggao/ #BAGGAO

@Nylydal

sinong kagaya kong tapos na maglaba😊

@Nylydal

tambay muna kay read cash😊 basa basa muna habang hindi pa inaantok.

@Nylydal

mga nakaraang araw sipag magbigay ni Read cash ng points, ngayon na man ang tumal😊

@Nylydal

Bakit ngayon ka pa nagbrownout,ang init. Para kang yung ex ko bigla na lang nawawala!

@Nylydal

Solusyon para sa Magsasaka Kamakailan lang sobrang bumaba ang presyo ng gulay dito sa Cagayan Valley sa kadahilanang maraming magsasaka ang nagtanim at nag-ani ng magkakaparehong produkto kaya masyadong maraming gulay sa merkado dagdag pa dito ang walang maayos na daan para mas maayos at diretso na ang produkto sa mamimili. Sa ganitong sistema laging lugi ang mga magsasaka dahil sa mga middlemen na siyang may kakayahan at behikulo upang makapag-angkat ng mga paninda mula sa mga bukid. May artikulo akong nakita na sinulat ng isang gobernador na nagsusulong upang mapadali ang paggawa ng farm to market road para sa mga liblib pang pook upang mapadali ang pagbenta ng mga produkto.Mula sa artikulong sinulat ni Gobernador Dax Cua na pinamagatang "Libingan Ng Mga Pangarap ng Ating Magsasaka" Sinabi niya dito ang mga hakbang na nais niyang ipatupad. Ito ang mga sumusunod: 1. Pagkakaroon ng pagkakautangang mababa ang interes. 2. Gumawa ng paraan upang hindi na kailangan dumaan pa sa maraming middlemen ang produkto ng mga magsasaka. 3. Gumawa ng mga datos upang magkaroon ng market matching na gagabay sa mga magsasaka upang maiwasan ang overproduction at tumaas ang kanilang kita. 4. Pagtatag ng storage at processing facilities na malapit sa mga bukirin. 5. Magpatayo ng irrigation facilities para sa mga high value crops. 6. Mag-assign ng agricultural technicians upang turuan ang mga magsasaka sa mga makabagong paraan ng farming at iba pa. 7. Mag-organisa at bigyan ng kakayahan ang mga farmer cooperatives na magsimula at lumaki. Napakagandang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na magsasaka at sana maipatupad kaagad. Kayang talunin ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasakang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagkakaisa. #mabuhaymagsasakangpilipino

@Nylydal

nakakaexcite ng balik balikan si read cash dahil ang sipag magbigay ng points😂sino ang mga katulad kong nabiyayaan ng points today without posting new article?

@Nylydal

certified mommy ka na kung kilala mo sina cocomelon at chuchu tv😊hello mga momshes!!

@Nylydal

asar na talaga ako! tawagin ba naman akong mommy pig ng baby ko,,kakapanood kc ng Peppa pig e🐷🐖

@Nylydal

dugtong na buhay Zaldy. Siya ang panganay kong kapatid. Ipinanganak siya Oktubre 10. Nakilala ko lang sa mga kwento ng nanay ko. Sabi ni nanay malakas daw na bata si kuya, nahihila nga niya yung isang sakong kamatis. Masayahin siyang bata at bibo. Isang taon at pitong buwang gulang na baby.Nakatira pa sila noon sa bahay ng Lolo malapit sa bukid, kung saan may malawak na taniman ng gulay,mais at palayan. Mayroon ding palaisdaan. Napakasimple ng buhay. Isang maaliwalas na umaga sa buwan ng Mayo, nagpapagawa ng bahay sina nanay, inalagaan ng Tita ko ang kuya. Maingay na bata, palatawa at makulit na bata si kuya. Sa oras na yun tahimik ang lahat mga huni lang ng ibon ang naririnig. Payapa ang paligid. Hindi nagtagal nagkagulo na sila dahil hindi mahanap ang kuya ko. Hinanap siya kung saan saan. Walang kamalaymalay ang magulang ko sa nangyayari. Maya maya pa napansin ang laruan niyang palutang lutang sa palaisdaan, agad na sinisid ng Tito ko at nandun nga ang kuya ko wala ng buhay. Wala ng magpapasaya sa nanay ko. Lumisan na. Nang mabatid ni nanay ang nangyari,tinakbo niya ang daan pauwi hindi niya ramdam ang mga tinik at galos dahil sa nararamaman niyang pighati. Ang panganay niya nawala ng ganun ganon lang. Ayaw niyang manisi ngunit sobrang dagok naman ang nangyari. Ilang taon ang nakalipas, humihiling na palitan ang namayapa nilang anak. Ako ay ipinanganak sa araw ng Oktubre 10, tatlong taon pagtatapos namayapa ang hindi ko nakilalang kuya.

@Nylydal

Salamat at may LPA dito sa amin, nadiligan ang mga pananim. Thank you Lord!

@Nylydal

Paano naman ako makakapagsulat ng marami kada hawak ko na cellphone yung baby ko gusto mag-ABC na naman😑😢

@Nylydal

Home Graduation Lahat naman siguro tayo dito sa read cash naranasan nang magmartsa at umakyat sa entablado. Mula nursery hanggang college. Sa kasong ito, unang beses ng pamangkin kong magtapos. Siya ay limang taong gulang. Dahil sa pandemic, nagbahay bahay ang mga guro nila upang mabigyan ng maayos na pagtatapos ang mga bata. Nais ng pamunuan ng eskwelahan na maranasan ng mga bata ang magtapos ng normal, yung nakatoga at maraming larawan na makapagpaalala sa kanilang unang pagtatapos. Sa dami ng mag-aaral dalawang linggong maghapon na dumalaw at nagpagraduate ang mga opisyal. Mahirap pero nagawa nila. Maligayang pagtatapos mga bata!!

@Nylydal

Pm sent Noong mag-umpisang lumaganap ang covid-19, imbes na matakot ang mga Pilipino naging dahilan pa upang makapag-isip ang mga tao lalo na ang mga mommy na magbenta online. Hindi na kailangang lumabas upang bumili, mula meryenda hanggang ulam nabibili na online. Idedeliber na lang. Dahil hindi na makapagtrabaho ang nakararami lahat gusto nang maging online seller. Kaya ang nangyari puro na sila seller, konti na mga buyer.😂 Kaya yung sinasabing quality time sa pamilya ngayong may pandemic, wala na puro internet na kasi kailangan mareplyan si buyer,Pm sent! Ting!!!!!may benta na naman.

@Nylydal

Done with household chores. Hello read cashers!!! Blessed Sunday to all.

@Nylydal

Origin of Man How life began on earth? Well it can be explained in two things. First, by religious creation. Second, the famous theory of evolution. Religious creation was based on the Holy Bible,God's word. The Bible explained that after God created the world, he created the first male and female named Adam and Eve. They were made in the image and likeness of God, and they were created to rule all of Gods creation on earth. Adam and Eve have intelligence, free will and spirit, the other creatures have none, they were made to serve man and mankind was made to serve God, however Adam and Eve disobeyed God and became sinners. The Theory of Evolution was first proposed by Charles Darwin. He believe that Man was a product of evolution beginning from apes. He said that apes was the ancestor of mankind, that belief was just a theory and not a positive scientific fact.

@Nylydal

Blue Water I am proud to present the hidden beauty of Blue Water, our very own tourist destination that can be reach only by single motorcycle or by foot. It is located in the mountainous part of Pallagao Baggao, Cagayan. The location is very remote that you need one tour guide per five heads to prevent being lost especially when you go inside the cave. The place is very beautiful, so clean, and gloriously captivating. It is perfect if you are tired and exhausted in your everyday life. In this place you can relax and simply enjoy the nature. For more info you can find blogs and details on the net. Come visit if you have time.

@Nylydal

Paalam Abs Cbn. Ngayon pa talaga tuluyang naipasara. Paano na dito sa lugar namin na tanging Abs lang ang malakas na signal. Paano na yung mga kababayan natin na hindi kayang bumili ng cable, wala na silang mapapanood. Paano na yung napakaraming empleyado na nawalan ng trabaho, mahirap pa namang maghanap dahil sa pandemic. Sa lahat ng naapektuhan ng pagsasara ng itasyon sana gabayan kayo ng Poong Maykapal.

@Nylydal

Catniss Siya ay anak ng kapitbahay at pinsan ko rin. Halos araw-araw nandito siya sa amin upang makipanood ng cartoons kasi wala silang cable. Natutuwa naman ako upang may kasama ang anak ko. Halos kagigising pa lang niya sa umaga diretso na siya dito, kadalasan dito na rin siya kumakain at minsan ako na ang nagpapaligo kasi hindi siya masyadong naaasikaso ng nanay niya dahil may maliit siyang business. Kanina lang mga bandang alas sais habang nanonood nakatulog siya, hinayaan ko lang ipapakuha ko na lang mamaya. Hala! Mag-aalas nuwebe na ng gabi hindi pa rin siya hinahanap. Hindi pa siya kumakain, anong oras na. Pinatawag ko sa kapatid ko ang nanay niya para sana iuwi na siya dahil matutulog na rin kami. Yung kapatid niyang sampung taong gulang ang nanundo. Sabi ko bakit ikaw,hindi mo siya kayang buhatin. Ang balak pala niya gigisingin na lang niya. Sabi ko nasaan ang Mama mo, sabi niya natutulog na Tita. What!! Ayon pinauwi ko siya sabi ko dito na lang matutulog ang kapatid niya. Awa ng Diyos mahimbing pa tulog niya. Ang ikinababahala ko lang baka magising siya at magyayang umuwi. Ako hindi ko kayang matulog na alam kong hindi pa kumakain, nalilinis at higit sa lahat wala pa sa bahay ang anak ko.

@Nylydal

Coins.Ph + Natutuwa lang ako na kahit kaunting oras lang nailalaan ko sa pagsusulat araw-araw kong nadadagdagan ang laman ng Coins.Ph ko😊 Bukod sa nailalathala ko ang mumunti kong pananaw sa mga bagay-bagay, bawas stress din at sobrang nag-eenjoy ako. Hindi ko namamalayangmagtatatlong linggo na ako sa read cash. Sana patuloy na umunlad ang site na to, hindi lang sa pera kundi mas lamang sa magaganda at nakakainspire na mga artikulo. Salamat read cash.😘

@Nylydal

Yosi Ikaw ba ay may bisyo? Tingin mo nakabubuti ito sayo? Hanggang kialan ka magpapakasaya sa paglustay ng pera mo sa mga walang silbing sigarilyo na yan?!Katorse ka nang una kang manigarilyo. Sabi mo kasi nakakaginhawa sa pakiramdam kapag nakakasinghot ka, sa lahat ng ginagawa mo kasama mo yang yosi. Mula paggising sa umaga, kasabay ng kape ay yosi, pag break time yosi, pagkatapos kumain magyoyosi, hanggang sa pagbabawas may yosi, at bago matulog hitit muna kasi hindi ka dalawin ng antok. Lahat ng sobra ay bawal. Ok lang kung paisa-isa ngunit kung kulang na ang isang kaha, chain smoker kana, nagsusunog ka ng pera. Kahit noong nagmahal, sige pa rin, dalangin ko tuloy dagdagan pa lalo ang tax ng sigarilyo. Kailan ka titigil, kapag sunog na baga mo, kapag panay na ubo mo dahil sa tuberkolosis o kapag may nagkasakit sa mga kasama mo sa bahay dahil sa kalalanghap ng usok. Trenta kana, ngunit mukha ka ng kuwarenta, sana maisip mong magbago para sa ikabubuti mo at bago pa mahuli ang lahat.

@Nylydal

Pag-ibig na ba? Tunay ngang nakatatawa,Ang aking nadarama, Tuwing ikaw ay aking nakikita, Pakiramdam ko'y tila ba lumulutang na. Mahirap talagang ipaliwanag,Pag-ibig na ba itong tinatawag, Sapagkat tingin mo pa lang para na akong nililipad, Pataas sa mga ulap. Masaya ang bawat araw, kung ikaw ay natatanaw, Ngiti mo'y nakakatunaw, Ikaw ang unang sa puso'y nakapukaw. Sana mapansin ang aking pagtingin, Nais kitang makapiling at mapasakin, Kahit hindi man ngayon, Hinihiling ko pagdating ng tamang panahon.

@Nylydal

Spartan Alam niyo ba na sila ang pinakamahusay na mandirigma sa buong mundo noong unang panahon? Paano nga ba sila magsanay upang maging malakas at maging matatag sa mga labanan? Kadalasan ang mga bagong silang na sanggol, ang pinakaiingatan natin, kung mahina sila ay ipinapagamot. Sa mga Spartan walang silbi ang mahihina. Ang sanggol kahit bagong panganak yan kung makikita nilang mukhang mahina at may diperensya sila ay ipinapatapon sa paanan ng mga bukdok upang doon mamatay. Ang layunin kasi nila malakas na hukbong militar upang maprotektahan ang kanilang pamayanan. Sobrang brutal ng kanilang pamamalakad yun ay upang maipagtanggol nila sa mananakop ang kanilang lungsod. Kapag ang mga sanggol ay malakas pagkasilang sila ay hinahayaan munang tumira at maglaro sa kanilang bahay ngunit pagsapit ng ikapitong taong gulang ng bata kinakailangan na niyang magsanay na maging sundalo. Napakahaba ng kanilang pagasanay dahil sa ika-dalawampung taong gulang lang siya dadalhin sa labanan. Seven years old, dapat naglalaro pa yan! Pero dahil sa kasanayang iyon naging tanyag naman silang mandirigma. Subukan niyong panoorin yung 300 movie(not sure kung yun mismo yung title)Si King Leonidas ng Sparta.Nairelate ko lang kasi sila yung mga Spartans.

@Nylydal

Sparta Ang Sparta ay isang pamayanan ng mga mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.Dito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pagsakop sa mga karatig na lupang sakahan. Ang mga magsasaka sa mga nasakop na lugar ay dinala sa Sparta upang maging mga HELOT o tagasaka sa malalawak nilang lupain,sila ay naging alipin ng mga Spartan. Maraming pagkakataon na nag-alsa ang mga Helot laban sa mga Spartan ngunit ni isa ay walang nagtagumpay. Dahil sa palagiang pag-aalsa, nagdesisyon ang mga Spartan na lalong palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging handa sa pag-aalsa ng mga Helot. Ang pangunahing mithiin ng lungsod ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri, kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol, ito ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Ang mga malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kanilang mga bahay hanggang sumapit ang ikapitong taong gulang nila. Kapag pitong taong gulang na ang bata sila ay dinadala sa kampo militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyong militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban at katapatan ang ilan sa layunin ng pagsasanay. Pagsapit ng ika-dalawampung taon, sila ay ipinapadala sa mga hangganan ng labanan. Sa ika-tatlumpung taong gulang, sila ay inaasahang mag-asawa na ngunit sa kampo parin maninirahan. Maari na silang magretiro sa edad na animnapu. Ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan, sila ay nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo. Ang Sparta ang pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Tinatawag na PHALANX ang estratihiya ng mga hukbo sa pakikipaglaban ng sama sama sa pagkakatayo paurong man o pasulong, karaniwang binubuo ng hanggang labing-anim na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang unang hanay, ito ay mabilis na papalitan ng susunod na hanay. LACONIC ang tawag sa maikling pagasasalita ng mga Spartan.

@Nylydal

Greece Noon Ang hangganan ng Greece sa hilaga ay ang Balkan Peninsula, sa kanluran ay ang Karagatang Ionian, sa silangan ay Karagatang Aegean at sa timog ay Dagat Mediterranean. Ang mabababang bundok na nakakalat sa kabuuan ng pulo ang nagsilbing panangga sa mga nananakop ng mga dayuhan at nagbigay din ito ng mga lambak sa pagitan ng mga bundok na nagsisilbing taniman ng nga ubas at oliba.Pinakinabangang mabuti ng mga Griyego ang dagat na nakapaligid sa buong peninsula. Ang Balkan Peninsula ay matatagpuan sa pagitan Dagat Aegean sa silangan at Dagat Ionian sa kanluran. Dahil sa sitwasyong ito, itinuturing ang Gresya bilang kaunaunahang kabihasnang pandagat na naitatag sa buong mundo. Nakapagbibigay ang dagat ng pagkakataon sa mga Griyego na makapangisda at makipagkalakalan at makasalamuha rin ng mga taong may iba't-ibang kultura na nanggaling sa iba't-ibang bansa. May dalawang kabihasnan na umusbong sa Greece. Una dito ang Kabihasnang Minoan, ang kabihasnang ito ay matatagpuan sa Crete. Si haring Minos ang namumuno dito at sa kanya ibinatay ang pangalan ng kabihasnan. Ang pagkakatuklas sa sibilisasyong ito ay dahil sa arkeolohikong ingles na si Arthur Evans na nakatuklas ng isang gumuhong palasyo sa Crete. Tinatawag na Knossos ang kabisera ng Crete. Dito rin matatagpuan ang palasyo ni haring Minos na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Umunlad ng husto ang kabuhayan dito dulot ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegan. Dumami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang pinakamalaki. Ang mga pangkat ng tao na nanirahan dito ay kinabibilangan ng mga maharlika,mga mangangalakal, magsasaka at alipin. Sila ay mga masayahing tao at mahilig sa magagandang bagay at kagamitan.Sila rin ang unang nakagawa ng arena kung saan nagsasagawa ng mga labanan ng boxing. Pangalawa ay ang Kabihasnang Mycenaean, ito ay isang lungsod na matatagpuan sa timog ng Greece.Tinatawag na Aplaya ng Karagatang Aegean ang sentro ng Mycenaean. Ang kabihasnang ito ay napapaligiran ng makakapal na pader upang magsilbing pananggalang sa mga mananakop. Ngunit hindi rin nagtagal ay isang pangkat ng tao ang nagpabagsak sa Mycenaean, sila ang mga Dorian. May mga sinaunang tao na nanirahan sa Greece una na dito ang grupo ng mga Cretans sila ang kaunaunahang nanirahan sa bansang ito, sila ang nakadebelop ng paraan ng pagsulat, paggawa ng banga at mga alahas. Ang mga Achaean naman ay tumira sa sentro at timog ng Greece. Ang mga Dorian naman ay grupo ng tao na nananakop sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo. Ang pagiisang dibdib ng mga grupo Ionians at Acolians ang naging dahilan upang mabuo ang grupo ng mga Griyego o Greeks na siyang kilala natin ngayon. Napakaraming kontribusyon ang mga Griyego, ilan sa mga ito ang ginaganap na Olympic Games,ang palarong ito ay nagsimula noong 776 BC. Ang pinakatanyag sa lahat ay ang pagkakaroon nila ng demokratikong pamahalaan na siyang ginaya ng maraming bansa. Dahil sa pagkakaisa at pagmamahal ng mga Athenians sa kalayaan nagkaroon sila nito. Ang mga tanyag na pilosopo na sina Socrates, Plato, Aristotle at ay mga Griyego.

@Nylydal

Sinungaling Dear Um U Tang, Kumusta na yung hiniram mo?Sana hindi mo pa nakalilimutan dahil hindi ako nakalilimot. Naiintindihan kong marami kang pinagkakagastusan ngunit ganoon din ako. Hinihintay kita kahapon dahil sabi mo magbabayad ka pagkatanggap mo ng padala ng asawa mo na nasa Saudi ngunit dumulim na ang kalangitan wala ka pa rin. Hindi porket ipinahiram ko sayo yung pera ibig sabihin mayaman ako, nagkataon lang na mas kailangan mo noon kaya ko ibinigay. Huwag mong kalilimutang ibalik. Nandito lang ako naghihintay. Nagpapaalala, Man Ini Ngil