Umahon sa nagmistulang dagat ng mga utang
Sa isang lugar kung saan umaaliwasaw ang amoy ng mga utang na palutang-lutang at naghihintay na mahulog, kailangang humanap ng mga salbabida na siyang magsisilbing pampalutang upang hindi na lumubog pa.
Ang mga magsisilbing pampalutang ay hindi nangangahulugang panibagong utang upang mabayaran ang mga nauna. Iyon ay magiging problema lamang. Ang utang ng sinuman ay hindi malulutas sa pamamagitan ng panibagong pag-utang, magdadala lamang ito ng higit na timbang na pwedeng magiging dahilan ng pagkalunod mula sa malalim na dagat ng mga utang.
Ngunit ano ang kailangang gawin?
Simple lang - mag-ipon habang bata pa.
Kahit ilan man ang iyong maitatabi, isa pa ring paraan 'yan ng pag-iipon. Ito ay upang makatipid, makatipid, at makatipid. Hindi lamang para sa emergency, kundi pati na rin para sa ating hinaharap, dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap.
Kung ikay ay papipiliin, alin dito ang iyong pipiliin: Magtitipid ka ba o gagastos?
Kung ako ang iyong tatanungin, pipiliin kong magtipid. Ito'y hindi lamang dahil sa mga bagay na nabanggit sa itaas ngunit dahil din hindi talaga ako 'yung klase ng tao na gastos ng gastos kahit hindi naman talaga kailangan. Gumagastos lang ako kapag kailangan ko talaga, o kapag naramdaman kong deserve kong ilibre ang aking sarili. Bihira akong gumastos sa aking mga gusto dahil mas gusto ko ang magtipid hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa aking pamilya.
Ngayon, tumungo naman tayo sa mga karaniwang dahilan kung bakit pinipili ng mga tao na magtipid.
Para sa Emergency
Isa ito sa pinakarason kung bakit maraming tao ang nagtitipid. Maaari itong magamit kung ang iyong sasakyan ay kailangang ayusin, at wala ka pang sweldo, o kung kailangan mong bayaran ang iyong bayarin, bukod sa iba pa.
Kapag nag-save ka para dito, magkakaroon ka ng isang bagay na magagamit kung sakaling may emergency mang mangyari. Kung sakaling nawalan ka ng trabaho, malaki ang maitutulong nito sa inyo hanggang sa makahanap ka ulit ng panibagong trabaho.
Para sa ating mga kailangan
Bilang tao, maraming mga bagay ang kailangan upang mabuhay. Ang pag-save para sa mga pangangailangan na ito ay sobrang napakahalaga.
Para sa Retirement
Kapag nakapag-save na ng sapat para sa pamilya at naisakatuparan na ang responsibilidad na tulungan ang mga anak na makapagtapos ng kanilang degree ay pwede nang magretiro. Hindi masamang maglaan ng pera sa pag-reretire na siyang magagamit upang maglakbay o para sa iba pang mga bagay.
Gaano man kaaliwalas ang karagatan kung saan lumulutang ang mga utang, piliing huwag itabnaw ang iyong sarili lalo na ang iyong kamay. Dahil kung ikaw man malunod sa kaila-ilaliman nito, wala ka nang makakapitan pa.
Ang pag-apply para sa mga pautang ay hindi masama, ngunit ang pag-utang ng madalas ay isang katangiang hindi kailanman magiging positibo.
Kung ito ay dahil sa kahirapan, huwag lamang sisihin ang mga mahihirap na walang trabaho. Hindi lahat ng mga tao ay nabibigyan ng parehong oportunidad kagaya ng iba. Gayunpaman, lahat tayo ay may pagpipilian. Ngunit sa sandaling ikaw ang siyang pipili na, piliin mo ang posibleng pinakamahusay sa mga pagpipilian.
Hindi tayo uunlad kung ipagpapatuloy lamang natin ang ating sarili na umassa at maghintay para sa tulong ng iba. Hindi masamang maghintay pero tandaan na ang yelo ay natutunaw. Kapag natunaw na ang yelong tinatapakan mo mula sa dagat ng mga umaalingasaw na mga utang, maaari kang malubog at hindi na makaahon ba.
Huwag nang hintayin pa na mahulog mismo ang bayabas sa iyong bunganga. Sa halip, gumawa na ng aksyon ngayon.
Related Articles
Death of Hopes: They did not want to be Victims, but we chose to be the Suspect
Don't Get Drowned from the Sea of Debts
Words without Wings
Inspire yourself; You can do it!
With Hopes of a Sounder Future
Other Articles
Who Am I?
Environmental Sustainability
A Week of a Rollercoaster Ride