Madalas ako kwentuhan ng aking Lola'dati nung nagkakasama pa kami bata pa ako noon, pero lahat ng sinasabi nya ay nakatatak na sa isipan ko, ' Palagi nyang ikinukumpara ang Noon' sa Ngayon.... Sobrang ibang iba na daw kase ngayon, Kung dati ang lalaki kapag manliligaw ay kailangan na sa mismong bahay ng babae aakyat ng ligaw hindi kung saan saan o sa tabi tabi lang.. Pero sa panahon ngayon ibang iba na talaga, pwedeng mamaya kayo ng dalawa at pwedeng sa sunod ay tapos na ang inyong relasyon.
Saka dati kapag nag tabi na ang babae at lalaki ipinapakasal na kaagad, Pero ngayon kahit sino sino na natabihan parang balewala na lang sa mga kabataan,... Kaya ikaw mismo sa sarili mo masasabi mong swerte ka kapag inabutan kapa nung panahon pa ng dati dahil pormal mong ipinapakilala ang lalaking minamahal mo ngayon kase puro tago tago na lang,.. Lahat ng yun ay Kwento ng aking Lola' Kaya siguro lumaki din akong ganito hindi nag sisekreto sa magulang nagka nobyo man ako, Pormal ko itong ipinapakilala sa kanila.
Ang ganda ng pagdidisiplina ng mga unang magulang nung araw..alam mo yun kahit sobrang higpit ..di ka magsisisi sa huli.. Ngayon dipa kasal buntis na agad ..cguro dahil sa impluwensya ng makabagong tao