Pagod ngayon, Masaya mamaya, Pagod ulit bukas!

26 49
Avatar for Khing14
2 years ago

Ilang araw din akong liban dito. Pinipilit ko ang sarili ko na kahit papaano ay makipagpalitan ng komento subalit natatalo ako ng kawalang gana.

Pero sa totoo lang, hindi lang sa ganitong bagay nawala ang interes ko nitong mga nakaraang bagay. Wari baga ay ramdam na ramdam ko ang aking pagod. Nakakapagod din pala pagsabayin ang trabaho at responsibilidad sa bahay bilang isang ina at ilaw ng tahanan.

Sinusubukan kong labanan yung pagod pero natatalo akong madalas.

Minsan, yung utak ko gusto pang kumilos, gusto pang linisin ang mga kalat, gusto pang maglaba, pero yung katawan ko ramdam na ang pagod. Kaya naman madalas, gumagawa nalang ako ng paraan para iwasang tingnan ang mga kalat sa aming buong kabahayan.

Kaso, madalas, nangingibabaw ang kagustuhan ko na matuloh nang malinis ang kapaligiran. Kung kaya naman, kahit ang trabaho ko ay inaabot na ng madaling araw, nagagawa ko pa ding maglinis ng bahay pagkatapos na pagkatapos ng pasok ko. Hindi ko man nakuhanan ng litrato pero masasabi kong disaster ang palaging iniiwan ng mga anak ko na kalat bago sila magsitulugan. Mga kalat na masakit sa paningin ko kaya hindi ko talaga kayang tingnan at tiisin.

May mga oras na gusto kong mapag isa sapagkat pakiramdam ko, nasasakal na ako. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong kalayaan. Wala nang kalayaan na gawin ang mga bagay na gusto kong gawin.

Sa mga oras na ito, kakatapos ko lang maglinis ng aming tahanan. At habang nakahiga ako at nagmumuni, bigla ko nalang naisipan na kunin ang aking selpon at isulat ang mga tumatakbo sa isip ko. Sa ganitong paraan, pakiramdam ko ay nailalabas ko kahit papaano ang bigat at pagod na nararamdaman ko.

Alam kong hindi lang ako ang dumadaan sa mga ganitong pagkakataon ng buhay. Dumadating siguro talaga sa atin na nakakaramdam tayo ng pagkapagod. Na gustuhin man nating tumigil, gustuhin man nating magbabad sa higaan, gustuhin man naying maglibang sa selpon o tv, hindi pupwede sapagkat kailangan nating kumilos para sa pamilyang tayo ang inaasahan.

Minsan nasasambit natin sa ating sarili "Ano, kaya pa self?". May minsan na ang sagot ay "Parang hindi na, pero kakayanin!". O kaya naman "parang susuko na, pero lalaban!".

Ganun lang talaga siguro ang takbo ng buhay natin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro sarap lang..darating talaga sa atin ang hirap..

Haaayyy!..pasensya na po kayo. Nagpapasalamat ako at may ganitong platform na malaya akong nakakapagsulat at nailalabas ang mga bagay na tumatakbo at gumugulo sa aking isipan. .


Divert! Divert! Divert! Tama na ang drama...

Ngayon ay kaarawan ng aking nag iisang anak na babae.

Ang kanyang hiling ay makapag overnight na ulit kami sa beach (Bernabeach). Gusto nya na ulitin namin yung famili outing na ginawa namin November last year kasi nag enjoy daw sya doon.

Throwback muna:

Kaya kahit alanganin kaming mag asawa na makakalusot kami sa mga checkpoints dahil nag umpisa nanaman ang paghihigpit, susubukan pa din namin na makatawid at mapagbigyan ang hiling ng aming anak mamaya.

Iniisip ko palang, dagdag pagod nanaman. Pero sa kabilang banda, priceless ang magiging kasiyahan ng aming anak kaya laban lang!. Eenjoyin nalang muna namin ang moment at saka na ulit iisipin at dadamdamin ang pagod..

10
$ 6.84
$ 6.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.03 from @jasglaybam
+ 4
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
2 years ago

Comments

May time talaga napapagod din tayo, at need nating pag bigyan angsm sarili na makapag pahinga. Allowed naman ee so pag biyan din ang sariki. Anyways, Happy Birthday to your baby gurl 🥰

$ 0.01
2 years ago

Oo sis..kahit yung utak natin ay kontra, yung katawan naman natin ang sumusuko

$ 0.00
2 years ago

Totoo sis. Kahit anong pagod o hirap na, sasabihin parin natin sa sarili natin na kaya natin to, laban lang.

Wag kang mag alala sis hindi ka nag iisa marami tayo. Happy new yr sayo at sa pamilya mo.

$ 0.01
2 years ago

Truth sis..dumarating talaga yung point na parang lugmok

$ 0.00
2 years ago

True sis

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap maging nanay lalo na pag may nararamdaman ka..Kaya minsan malungkot ako sis kasi wala na akong mama na matatakbuhan..Happy birthday sa unica hija mo :)

$ 0.01
2 years ago

Wala din akong nanay sis..sumakabilang bahay..

$ 0.00
2 years ago

Nakaka drain Naman tlga minsan mommy. Jusko. Yung Dimo Rin mawari Yung sarili mo dahil sa pagod

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Kaya nga sissy..

$ 0.00
2 years ago

Kaya mo yan mommy! Labaaaan! Anyways, sana makalusot kayo sa checkpoint. Malaki talaga ang naitutulong nang pagsusulat para gumaan ang pakiramdam natin.

$ 0.01
2 years ago

Thank you sis..nakalusot kami sa awa ng Dyos..hehe..

$ 0.00
2 years ago

The life of a parent is to make our child happy 🤗 congrats for doing that

$ 0.01
2 years ago

Thank you sissy

$ 0.00
2 years ago

Buhay nanay nga sis,okay lang yan ,laban lang ,pahinga lang minsan kilangan din natin yan.Happy birthday sa anak mo sis

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis..hirap din maging nanay minsan noh..hehehe

$ 0.00
2 years ago

Ganyan tlaga sis kapag naging nanay na,parang wala na tayong kalayaan gawin ang gusto natin. Kasi mas nangingibabaw sa atin un pagiging ina...

By the way,sana makalusot kayo sa checkpoints. Importante lang naman eh vaxx card..

$ 0.01
2 years ago

Korek sis..nakakasakal din noh?... nakalusot naman kami sis sa awa ng Dyos

$ 0.00
2 years ago

Ako din sis pagod na pagod na pero laban lang maraming umaasa nag take nalang ako ng tablet para mawala yung pagod ko .

$ 0.01
2 years ago

Haaayyysss...wala din kasi tayong choice nu

$ 0.00
2 years ago

Maligayang kaarawan sa anak mo sis, Naku tunay na nakakapagod talaga minsan na parang gusto mo ng sumuko pero di puede

$ 0.01
2 years ago

Opo..huhuhu...napaoagod din ang katawang lupa

$ 0.00
2 years ago

Oo nga sis hayae na lang muna yang mga linisin

$ 0.00
2 years ago

Ang sarap nmn mag family bonding pero ang hirap bumyahe sissy, nghihigpit na naman kasi. Ahayy same in here sissy nakakawalang gana lalo na kapag mahina interneet connection ko

$ 0.01
2 years ago

May mga checkpoints nanaman nga sis pero fully vaccinated naman kaming mag asawa kaya magtatry pa din kami mamaya..

Hanggang kelan ang quarantine mo sis?

$ 0.00
2 years ago

Hope na magung ok byahe nio sissy Ewan nga sissy masyado akong pinapatagal hahaha, di kc ako vaccinated, dipa lumalabas result ng swab namin eh baka mga sunday na e2 hopefully

$ 0.00
2 years ago

Ahh kaya pala sissy... pa vaccine kana din pag uwi mo..limitado ang galaw kapag hindi vaccinated

$ 0.00
2 years ago