Lifehack : Shoppe Load Credits

25 72
Avatar for Kelzy
Written by
2 years ago
Tuesday, May 10, 2022

Hays! Nakakagutom. Puro pagkain nasa isip ko kaya late na naman 'tong article ko. Bumalik na naman ang pagkahilig ko kumain (ng pagkain ha lol baka kasi ano iniisip niyo e haha) simula nung Friday. Bumisita kasi si jowa. Kapag nandito kasi yun binubusog ako palagi (sa pagkain) haha. Kumpleto breakfast, lunch, miryenda, dinner at may pa midnight snack pa. Whew! Gustuhin ko mang i-check out na yung Jabee sa cart ko napapaurong ako i-push dahil sa price ng BCH. Di ko kayang magconvert kaya tubig tubig nalang muna. Need natin magtipid mga dzai!

Speaking of pagtitipid, share ko lang yung ginagawa kong technique para makatipid sa load. Malaking bagay 'to lalo na sa mga katulad kong naka-mobile data lang at di afford ang Wifi. Whooooo! Sa panahon ngayon essential na din talaga ang data. Sobrang laking tulong sa pang araw-araw.

Tagalog posting lang muna tayizz kasi sa ibang bansa naman di ito available tsaka di nagfufunction brain cells ko ngayaon di makapag english lol.

Since marami namang nabubudol sa Shoppe rito basic nalang tu sa inyo. Kaya wala ng mahabang pasakalye, iopen mo na Shoppe app mo.

Lead Image edited in Canva

Sa Home page makikita mo yang Load, Bills & Travel. Click mo ng matuklasan mong may iba na siya. Char!

Next click mo yang Buy load then piliin mo yung taong nanjan palagi para sayo hindi yung gwapo o maganda lang. Chos! Piliin mo kung anong network ang loloadan mo syempre.

Example sa'kin Globe. Dahil naka register pa ako sa promo nila bale mag iimbak lang ako ng regular load kasi sobrang discounted ng mga load nila.

Gaya nito, ₱20 ang value pero ₱1 mo lang siya mabibili. Oh divaaaah! Kung araw araw ka bibili may maiimbak kang load bago pa maexpired yung register promo mo.

By the way maavail mo lang yung discount nila kung may laman Shoppe pay mo, yung pinakawallet ng Shoppe. Kailangan mo munang maverified bago ka makapag top up or cash in sa Shoppe pay. So need mo magsubmit ng valid ID.

Tsaka pala hindi everyday available yung ₱20 na tig ₱1 nila. Pero yung ₱5 na tig ₱1 araw-araw available (sa experience ko ha) Bale nakaka ₱10-15 ako everyday. San ka pa?

Ang ginagawa ko kasi since yung Globe ay kapatid naman ni TM, ina-avail ko din yung pa piso niyang discount at dahil yung DITO na network kamag anak din nilang dalawa hindi din siya nakaligtas sakin syempre haha kaya nagiging ₱15 araw-araw ang nakukuha ko sa kanila for only ₱3.

Swerte pa kung may araw na available yung ₱20 na tig piso. Laking imbak talaga. Basta basa muna bago magpipindot para sureball! Every after 10 minutes din pala bago makapag load ulit kaya need din ng patience wag atat hihi. May mga discounted promos pa silang iba explore niyo lang.

Alam niyo ba na pwede din maconvert yung load na inimbak niyo to GCASH? Yieee! Gusto niyo yorn? Send Jabee muna! 😁 Char. Turo ko next blog. Baka bukas :)

Sana nakatulong ito lalo na't ang sakit sa mata ng BCH ngayon. Huwag mahihiyang magtanong kung may di naintindihan 😉


16
$ 6.23
$ 6.00 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @Usagi
+ 7
Sponsors of Kelzy
empty
empty
empty
Avatar for Kelzy
Written by
2 years ago

Comments

Bon appetit to you my dear. don't eat too much you will be fat

$ 0.00
2 years ago

huyyyyy paano ung load to gcash beshyyy atat na ko wahahah may 1,200 na ko naipong load eh sa smart at tnt whahaha

$ 0.00
2 years ago

Pede pala yung limang piso araw araw sa globe and tm haha. Thanks for sharing the tricks hehe, alam ko na to dati pa haha kaso pede pala yung araw araw limang piso haha. Manifesting yung load to gcash haha. Di verified shopeepay ko ate pero pede pa rin ako gumastos gamit non haha

$ 0.01
2 years ago

Mentuon kita maya be pag nasulat ko na 😹

$ 0.00
2 years ago

Daming life hacks neto ohh! Salamat shopeee

$ 0.01
2 years ago

Dayain ang buhay 😹

$ 0.00
2 years ago

Laki rin ng tipid ko dito ee ehe. And, sakin 3 check out nalang pwd sa shopee araw araw And daya nilimitahan na aguyy

$ 0.01
2 years ago

Abusado ka daw 😹

$ 0.00
2 years ago

Tried translating, but it didn't work. Oh well, next time I guess.

$ 0.01
2 years ago

Midnight snack with jowa sound amazing hahaha. Uyg dali ma paano young load to Gcash.

$ 0.01
2 years ago

Haha sige sige mamaya with withdrawal pa 😹

$ 0.00
2 years ago

wow hehe.. parang gusto kong e try to kaysa mag pload sa tindahan na 20 + 3 na charge diba..

$ 0.01
2 years ago

Ay opo kamahal. Try niyo na 😉

$ 0.00
2 years ago

Mabuti k pa sis dami mong alm n racket. Good luck

$ 0.01
2 years ago

Kailangan natin yarn madam 😁

$ 0.00
2 years ago

Dami mo talagang alam madam uyyy haha

$ 0.01
2 years ago

Para sa ekonomiya! 😹

$ 0.00
2 years ago

Yung gusto ko mag try langga tas naalala ko na di pa pala verified yung shopee account ko. Kailangan ko pa i-verified langga. Thank you sa pag share nito langga. Napaka lucky naman sa partner lagi binubusog pagdating sa foods. 😘

$ 0.01
2 years ago

Haha kaya wala naiipon 😹

$ 0.00
2 years ago

Kaya sa mga load is life arat na sa life hack ni shoppee load credits, hindi ko pa to kailangan nak hihi baka pag uwi ko na .laking tipid din ito.

$ 0.01
2 years ago

Pwede din ituro kela junakis mii para di na sila mapagastos ng malaki pang ol class nila.

$ 0.00
2 years ago

Mukang aabangan ko yung kasunod nito about sa gcash ah hahaha

$ 0.01
2 years ago

Mention kita momma B! 😘

$ 0.00
2 years ago

Pwede na ulit magpurchase ng 20 peso load for 1 peso sis. Haha. Nag iba nanaman diskarte nila kaya hinuhuli ko din. Thankful din ako dito kasi bale nag ee loading business ako at sobrang mabili load ko. Good thing din pwede magpasaload ng Go90 kaya parang every week may nagpapaload sakin ng ganon. Haha

$ 0.01
2 years ago

May days na di available yung 20 sakin 😹

$ 0.00
2 years ago