Lifehack : Shoppe Load Credits
Tuesday, May 10, 2022
Hays! Nakakagutom. Puro pagkain nasa isip ko kaya late na naman 'tong article ko. Bumalik na naman ang pagkahilig ko kumain (ng pagkain ha lol baka kasi ano iniisip niyo e haha) simula nung Friday. Bumisita kasi si jowa. Kapag nandito kasi yun binubusog ako palagi (sa pagkain) haha. Kumpleto breakfast, lunch, miryenda, dinner at may pa midnight snack pa. Whew! Gustuhin ko mang i-check out na yung Jabee sa cart ko napapaurong ako i-push dahil sa price ng BCH. Di ko kayang magconvert kaya tubig tubig nalang muna. Need natin magtipid mga dzai!
Speaking of pagtitipid, share ko lang yung ginagawa kong technique para makatipid sa load. Malaking bagay 'to lalo na sa mga katulad kong naka-mobile data lang at di afford ang Wifi. Whooooo! Sa panahon ngayon essential na din talaga ang data. Sobrang laking tulong sa pang araw-araw.
Tagalog posting lang muna tayizz kasi sa ibang bansa naman di ito available tsaka di nagfufunction brain cells ko ngayaon di makapag english lol.
Since marami namang nabubudol sa Shoppe rito basic nalang tu sa inyo. Kaya wala ng mahabang pasakalye, iopen mo na Shoppe app mo.
Lead Image edited in Canva
Sa Home page makikita mo yang Load, Bills & Travel. Click mo ng matuklasan mong may iba na siya. Char!
Next click mo yang Buy load then piliin mo yung taong nanjan palagi para sayo hindi yung gwapo o maganda lang. Chos! Piliin mo kung anong network ang loloadan mo syempre.
Example sa'kin Globe. Dahil naka register pa ako sa promo nila bale mag iimbak lang ako ng regular load kasi sobrang discounted ng mga load nila.
Gaya nito, ₱20 ang value pero ₱1 mo lang siya mabibili. Oh divaaaah! Kung araw araw ka bibili may maiimbak kang load bago pa maexpired yung register promo mo.
By the way maavail mo lang yung discount nila kung may laman Shoppe pay mo, yung pinakawallet ng Shoppe. Kailangan mo munang maverified bago ka makapag top up or cash in sa Shoppe pay. So need mo magsubmit ng valid ID.
Tsaka pala hindi everyday available yung ₱20 na tig ₱1 nila. Pero yung ₱5 na tig ₱1 araw-araw available (sa experience ko ha) Bale nakaka ₱10-15 ako everyday. San ka pa?
Ang ginagawa ko kasi since yung Globe ay kapatid naman ni TM, ina-avail ko din yung pa piso niyang discount at dahil yung DITO na network kamag anak din nilang dalawa hindi din siya nakaligtas sakin syempre haha kaya nagiging ₱15 araw-araw ang nakukuha ko sa kanila for only ₱3.
Swerte pa kung may araw na available yung ₱20 na tig piso. Laking imbak talaga. Basta basa muna bago magpipindot para sureball! Every after 10 minutes din pala bago makapag load ulit kaya need din ng patience wag atat hihi. May mga discounted promos pa silang iba explore niyo lang.
Alam niyo ba na pwede din maconvert yung load na inimbak niyo to GCASH? Yieee! Gusto niyo yorn? Send Jabee muna! 😁 Char. Turo ko next blog. Baka bukas :)
Sana nakatulong ito lalo na't ang sakit sa mata ng BCH ngayon. Huwag mahihiyang magtanong kung may di naintindihan 😉
Bon appetit to you my dear. don't eat too much you will be fat