read.cash Log in

@Keeian

Joined 28 September 2022 · 1118 posts

Nanay. Tatay. Kaibigan.

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Keeian

Meryenda time. Pizza at malamig na coke para sa mainit na hapon. May papizza itong kaibigan ko na ngayon ko na naman lang nabisita. Sa tagal ng panahon na hindi kami nkapag chikahan eh kulang ang 2 oras para makapag update sa isat isa. Nakakamiss yung ganitong oras at pagkakataon na wala kami ginawa kundi tumawa lang at balikan ang masasayang alaala at kalokohan ng kabataan. Sa buhay natin iilan lang yung taong maituturing natin na totoong kaibigan na hanggang sa pagtanda ay andyan lang at handang makinig at makarelate sa mga bagay bagay sa buhay natin, sila yung dapat natin itreasure at ituring na isang kayamanan. Naishare ko lang😁.

@Keeian

Noong isang araw namasyal kami sa reptiland. Yung mga ganitong lugar maappreciate mo talaga ang ganda ng kalikasan. Berde ang paligid, malamig ang simoy ng hangin, maraming kuliglig na maririnig. Napathrowbak yung isip ko noong kabataan ko sa probinsya. Nakakamis. Masaya ang mga bagets at ang mga thunders, naenjoy nila ang mga dinosaur. May zipline at ibang attraction rin. Best for family bonding.

@Keeian

My eyes is full seeing this greenery environment. My friend sent it to me, this is her everyday view in Norway when going to work. Its just so amazing how our mother nature is, its beauty is everyone's gift🍃🌿. #goclean #gogreen #beautifulcreationfromabove Have a good night, noisemate.

@Keeian

Look mama, i just washed up!😁 Very good talaga ang aking big boy, nakapaghilamos at bihis na sya mag isa at nag polbo pa😅 muntik na maging espasol ang mukha haha. Just dropping by to wish you a calm sleep. Have a goodnight everyone!🌜

@Keeian

Hello monday! Pauwi pa lang ako galing sa paghatid ng mga bagets sa skul. Ang ganda ng sinag ng araw, parang nag sasabi na simulan ang linggo ng maliwanag at positibong aura lang ang tutukan☀️. Kapag ganito ang sarap pa magpainit sa katawan para makuha ang mga bitamina na kailangan ng immune system natin, sakto na rin morning exercise ko ang paglalakad. Magandang umaga po, sanay maging masigla at produktibo ang ating araw at buong linggo.

@Keeian

Hindi matawaran ang inflation ng asukal🥺. Parang 2 weeks ago 74 per kilo pa yan. Lahat talaga nagtaasan na, yung sweldo nalang talaga ng karamihan ang hindi😞. Gandang gabi, kaingay.

@Keeian

Napanuod ko sa fb ang mga vlog ni misginbilog, dumaan lang sya sa wall ko at inistalk ko pa sya dahil tawang tawa ako sa paraan nya mag narrate ng vlog nya😅 at dahil natakam ako sa ganda ng piktyur at video ng gin galaxy na yarn sinubukan namin gumawa ng pinsan ko kagabi. Thumbs up ako sa lasa masarap tlga at wala rin amats kinabukasan siguro dahil sakto lang rin naman inuman namin, mas marami yung kwentohan kesa inum. Ok na ok sa mga budget friendly na bonding, pang instragammable rin na inumin, mapapagkakalaman na mamahaling coktail drink. Cheers🍹

@Keeian

Hola! First to post here. Sharing you my yummy merienda from The Sushi box. It satisfied my cravings, super sarap. Hindi bet ng mga bagets kaya ako lang ang kakain, pabor naman sa kumakalam kong tyan😅. Magandang hapon po!

@Keeian

Kaninang lunch ko pa niluto ito, isa sa paborito kong gulay, ang laing. Isa sa mga pinagmamalaking lutuin ng mga bicolano. Marami yung niluto ko parang hanggang dinner narin namin. Nkahanda na rin ang unli rice, kain po tayo.

@Keeian

Maaga ako nag luto para sa mag bagets ko na papasok na ulit sa school pagkatapos ng looong week end dahil sa bagyo. Kumusta po? Medyo matagal ako hindi nakadalaw dito. Sana makabangon agad ang mga hinagupit ni karding. Magandang araw po sa lahat🌻

@Keeian

Good morning ebribadee.. ngayon na lang ulit nakapag ingay. Kumusta po? Naiinggit ako sa kaibigan kong orange ang buhok kaya naisipan ko din mag bleach ng buhok🙈😅. Dahil pers time ng hair ko mableach takot na takot ako at baka lalo madamage ang damaged ko ng buhok😆. Pero satisfied naman ako, number 9 yung oxidizer na ginamit ko at hindi ko naman inubos yung isang sachet ng bleach at 30mins ko lang rin binabad. Ganorn lang pala mag bleach pero maganda pa rin n may hair treatment para hindi dryhair. Nashare ko lang,kaingay. Magandang araw po! Ps: hindi pa ako nag lagay hair color after bleaching, at hindi ko tlaga sinagad sa scalp😁

@Keeian

Hi eto nga pala yung 6.6 shoppee budol ko😅. Mabuti nalang at to da rescue si spaylater, nakabili rin este nakautang ako ng tyeso bottle😆 pero mukhang hindi rin mapupunta sa akin dahil bet na bet rin ni bunso kaya ako na nalang ang mag aadjust at makikihiram😄 Winner rin yung gaabor multicooker, php242 lang yung binayaran ko dahil sa voucher at coins naredeem ko. Salamat shoppee at noise, yung naipon ko dito dinagdag ko pambayad. PS: hindi po kasama ang fried chx, flinex ko na lang rin yung ulam namin😂. Gandang hapon po sa ebriwan.

@Keeian

Pentecostal sunday today of the catholic church. I am one proud catholic, and forever be. But no matter what our religion is, we only have one God so let us always spread the love and good news of our Lord❤🙏. Lete say goodnight to all of the beautiful soul here, may we all have the sweetest dream tonight. #GodisLove #loudandproudcatholic #happypentecostalsunday

@Keeian

Breakfast with his bibi pengu. Si pengu ang toy ng bunso ko na hindi nya ipagpapalit sa kahit anung magandang toys n meron sya, lab lab nya talaga yan, minsan nasstress na rin ako kasi kapag hindi nya makita o nailagay nya kung saan ako ang aartehan nya at pag hahanapin. Eto nga at nag aalmusal na sila ngayon😅, at kapag umaalis kami kasama nya rin yan, nakalabas ang mukha kapag ilalagay nya sa bag nya kasi hindi raw makakahinga🙈🤦🏻😅. Pero yan din ang stress releiver nya, kapag tinotopak at napapagalitan ko sya si pengu ang kakampi nya, hanggang sa pagtulog yakap nya. Ganyan rin ba mga chikiting nyo mga momsh?☺ Magandang umaga sa lahat.

@Keeian

When kaya?🤔😜 Tapos na lang ang summertime sa Pinas namin, at simula na ang tag ulan hindi man lang nakatikim ng tubig dagat ang pagkatao ko😆. Ang sarap tingnan ng piksur na to ng kaibigan ko na pinost sa fb, nakaramdam ako ng lungkot at inggit. Medyo matagal ko ng hindi nasisilayan ang dagat, naalala ko lang noon tuwing mag babakasyon uuwi kami ng probinsya at para kahit papano makatakas sa polusyon sa syudad at maenjoy ang buhay doon. Matanaw ko lang ang dagat narerelak talaga ako, napakasarap kasing pagmasdan ang ganda tubig at ng paligid. Kakamiss😌. Makatulog na nga, tama na sa pag emote😅. Goodnight po, good morning na rin🤗. #vitaminsea #goodfood #nature #calm #peacefulmind

@Keeian

Sinangag at kape para sa brunch, kaingay. Tanghali na naman nakapag asikaso ng agahan si inday. Lahat na ba nakapag almusal? Kung hindi pa tara nat kumain. Tapos ngayon problema ko na naman ulam sa pananghalian, bibili na lang siguro ako ng lutong ulam sa neybor.

@Keeian

Nakakainit ng ulo yung mga taong iinum ng bongga tapos sa ibang bahay magwawala😖. Akala ko nung una may aso na umiiyak sa harap namin, nung sinilip ko tao pala, akala ko depressed lang si ate umiiyak sa problema, iyak sya ng iyak habang may kausap sa cp naawa pa ako kasi nakita ko basa rin shorts (baka naihi na rin sya) kaya hinayaan ko lang humilata sa harapan namin kahit na may konteng takot at pangamba rin ako, dedma rin sya sa mga taong nakakakita sa pag ngawa nya, ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin tumitigil narinig ko nalang binato na nya halaman ko at sumuka pa, yun pala sobrang lasing😤. Napalitan ng asar yung awa na naramdaman ko, kung hindi ko pa sya sinabihan na wag nya sirain mga halaman ko hindi pa sya aalis, imbis matutulog pa ako naglinis pa ako ng kalat ng bruha🤧😕. Umiinom rin naman ako pero marunong ako lumugar kapag nasosobrahan na, bad trip yung mga taong ganun na sasagarin ang sarili tapos mgiging perwisyo sa iba. Naikwento ko lang naman kaingay😁, makatulog na nga.. Goodnight po sa lahat.

@Keeian

SantaCruzan 2022 Nakakatuwa pagkalipas ng ilang taon nakasaksi ulit ako ng Santcruzan, kahit kasi bago dumating si covid hindi na ako nkakapanuod nito, pero noong bata pa ako naku active na active ako sumama may dala dala pa kami ilawan (tukarol ang tawag sa amin) kasi madilim sa daan sa lugar namin sa probinsya noon. Iniiyakan ko pa si mama para payagan ako sumama, pero ngayon iba na, bihira na sa mg kabataan ang nakakaalam at ibig sabihin ng Santacruzan.

@Keeian

Umaga na pero yung kapitbahay ko inumaga na ng kantahan, mabuti nalang at hininaan na nila ang sound ng mic, hindi makatulog ang mga neybors😫.

@Keeian

Ibang level naman yung init ng panahon natin ngayon kaingay, ang sarap tumira sa antartica sumabay pa tong si bch sa pagpula ang dami na naman nasunugan dyarn. Sana bukas umulan naman ng yelo😅. Gudlak sa meralco bill natin neto walang tulugan din ang efan at erkon. Good night po sa lahat, sa bukas bumerde naman sya💚❤

@Keeian

Meryenda po🍔. Ang sarap tingnan sa picture at hindi naman kami nabigo sa totoong buhay😁. Isa sa pinakamasarap na burger na natikman ko ito, sa halagang P110 lang sulit na sulit sa busog ang gutom ko. Salamat po Lord sa biyayang ito. Totoong potato fries din yung si sinerved nila, nakakatuwa yung mga ganitong seller na talagang what you see is what you get talaga ang binibigay sa buyer. Thank you seller, mabuhay ang mga online seller na kaingay ko dito. Magandang hapon po!

@Keeian

Laking tulong talaga ni shopee sa akin makaipon ng load lalo na kapag ganitong payday sale sila o monthly sale, yung P20 na load P1 lang babayaran, tapos everyday nagloload rin ako ng piso pero P5 worth of load na. Sinong relate jan?apir tayo kaingay sa pagiging wais!😁 malaki na ang naipon ko sa Dito sim kapag lumabas kasi ako yun ang gamit ko data, 99 lang nireregister ko good for 1 month na. Nashare ko lang🙂.Goodnight po!

@Keeian

Mainit na hapon kaingay! Kapag ganito ang panahon masarap uminom ng softdrinks na malamig, nakakapalamig ng ulo na sumasabay sa init ng panahon. Yung anak ko tatlong beses naliligo ngayong tag init,. Paborito mo rin ba ang pepsi blue kaingay? Bihira lang ako makabili nito ngayon at naging paborito na rin ng anak ko😅, nung highschool ako peborit ko na to pero bhira lang ako makabili ng softdinks noon kasi ang rules n mana twice a month lang kami iinom ng sopdrinks😁.

@Keeian

Duhat kayo diyan.. Sino may paborito nito? Sa tanda kong ito ngayon lang ako nakatikim ng prutas na ito, ewan ko ba wala kasi nito sa bundok namin😁. Malig-ang ng kilala kong berry sa lugar namin na talaga naman paborito ko hanggang ngayon pero seasonal lang sya mamunga.. Magkahawig sila ng lasa, at masarap lalo kapag kinakalog sa asin at asukal, at syempre nilagyan ko ng sili para sulit ang lasa. Ang sherep kaingay, kaya sa mga nangangasim na dyan ikakain ko nalang po kayo😅.

@Keeian

Cutest picture i saw on internet today😍. And i can relate 100% on the tagline😆. Adulting hits me, ang hirap maging super nanay ng dalawang bulinggit kaya kahit masarap at masayang gumala mas bet ko na lang ang humilata maghapon, magdamag kahit pa isang buong linggo o buwan yarn😅. Masarap namnamin ang pakiramdam na walang gagawin kundi matulog at magpahinga lang, pero hindi ganun ang realidad kaya kahit struggle is real, lavarn lang si momsh!💪🏼. Bukas ay pasko ng pagkabuhay na. Bilang katoliko,ito ang pinakaimportanteng araw sa atin dahil icecelebrate nating muli ang muling pagkabuhay ni Hesus❤. Salamat po Ama sa lahat ng biyaya na aming tinatamasa mula sa Iyo🙏.

@Keeian

Adobong pusit para sa pananghalian. Happy lunch time, kaingay! Huwag kalimutan magpasalamat sa taas sa lahat ng biyayang nasa ating hapag. Paborito namin ito ng bunso ko, pero si kuya ayaw kahit sabaw lang ng pusit. Iba iba tlaga ang panlasa natin, ang hirap magpakain ng bagets kapag ayaw talaga ng ulam, kaya anjan na naman nag pritong itlog to da rescue😁. Holy week po ngayon, magbigay tayo ng oras para sa pag aayuno at paghingi ng tawad sa Maykapal.🙇🏼

@Keeian

Dahil naubusan ako ng fuds, liemposilog to da rescue.. Mabuti at may malapit na silog kainan dito sa amin, kaya napalabas pa ng bahay si inday kasi hindi na naman nakayanan ang diet kuno at mag skip ng rice sa gabi🤦🏻😁. Suki na talaga ako ng store na ito dahil peborit meal ko talaga ang mga silog, dati online lang sila nag titinda ngayon may physical store na at may pa free juice pa sila, ang bongga!🤗.. Tara kaingay, kain po! Magandang gabi po sa lahat.

@Keeian

Salamat Ama sa panibagong umaga🌼. Maulang umaga kaingay! ang sarap pa sana matulog dahil sa lamig ng panahon pero hindi pwede sa nanay na katulad ko na may dalawang chikiting na kailangan ipaghanda ng umagahan, kaya rise and shine na tayo mga momsh!😀 masarap kumain ng lugaw o arrozacaldo sa ganitong weder kaya lang kapag nagluto ko ako lang rin ang kakain kaya sinangag at itlog nalang ang ihahanda ko. Ingat kaingay sa pag pasok sa trabaho, negosyo at kung saan man ang lakad mo ngayon, wag kalimutan ang payong☔.

@Keeian

Matutulog na lang, may pa fuds pa😁. My sister got home with this yummy pizza, i couldnt help but to take a bite even though im already lying in bed to sleep, Iba talaga ang tawag ng katakawan😅. Ok, back to sleep now.. Goodnight noisemate, its 12:20am Ph time, and im about to sleep.. have a good day to the other side of the world.

@Keeian

Turn off your lights for our planet🌏. Earth hour ngayon, nagjoin kami na ioff ang ilaw ng isang oras, para sa maliit naming paraan ay makatulong din kay mother earth at matutunan rin ng mga bata ang halaga ng pag conserve ng energy para sa ating planeta.. Sabi nung anak ko kung matutulog na raw ba kami, ang aga aga pa raw😆.. Sa simpleng pagpatay natin ng ating mga ilaw ay malaking tulong ito sa ating mundo.🌑