Meryenda time. Pizza at malamig na coke para sa mainit na hapon. May papizza itong kaibigan ko na ngayon ko na naman lang nabisita. Sa tagal ng panahon na hindi kami nkapag chikahan eh kulang ang 2 oras para makapag update sa isat isa. Nakakamiss yung ganitong oras at pagkakataon na wala kami ginawa kundi tumawa lang at balikan ang masasayang alaala at kalokohan ng kabataan. Sa buhay natin iilan lang yung taong maituturing natin na totoong kaibigan na hanggang sa pagtanda ay andyan lang at handang makinig at makarelate sa mga bagay bagay sa buhay natin, sila yung dapat natin itreasure at ituring na isang kayamanan. Naishare ko lang😁.
No comments yet