Sobrang init pa rin kahit gabi na, kaya mag halo halo muna tayo kaingay. Pero itong nabili ko online mas marami ata yung yelo kesa sa halo😅. Masarap naman sya, nadaan sa dami ng asukal😁, naiintindhan ko nman si seller kasi sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon at lalo ng gas. Kapag summer talaga hindi mawawala ang halo halo sa ating mga pinoy dabest pampalamig at pampakalma ng stress gawa ng init.
Ngayon tag init panatilihin po natin na malamig ang ating ulo at wag isabay sa init ng panahon para kalmado lang ang lahat at malayo sa sakit na dala ng init. Gandang gabi
Tara kain!! Ang sarap ng ulam ko ngayon kaingay, simple pero rak sa panlasa ng mga pinoy! Perpek combi ang pritong talong at isda sa maanghang na bagoong alamang na nabili ko, kapag ganito eh sigurado unli rice na naman tayo nito, ipagpapabukas ko na nman ang dyeta😁. Gandang tanghali po!
Dahil mataas si bch nagconvert ako ng 500pesos, salamat noisecash😊. Mailalabas ko na sa cart yung nakatenggang shorts ng anak ko sa shoppee😁. Sana lumipad pa ng todo todo walang preno pataas si bch.
Lunch time na rin kaingay, nag gisa ako ng sayote sa natirang chicken na ulam namin kagabi, solb na ang aming pananghalian neto.. Dont skip your lunch kaingay, at lagi po mag dala ng tubig at payong kapag lalabas ng bahay. sobrang init na naman sa ating bayan.
May batang namamangha sa haircut ng kuya😅. Satisfied customer si kuya sa kinalabasan ng gupit sa kanya. Parang kelan lang gusto nya kabuntot lagi ako kapag nagpapagupit, ngayon kaya na nya pumunta at magpagupit mag isa, malapit lang naman sa amin ang barbershop kaya hinayaan ko na sya nalang. 2hrs naghintay pero maganda naman ang kinalabasan, pang binata na talaga ang datingan😁. Ang galing ng barbero maingat at pulido gumupit kaya sigurado next time dun nalang ulit sya magpapagupit..
Magandang gabi, kaingay.
Happy sunday, kaingay! Kapag ganito ang tanawin sa coinsph talagang nakakahappy naman😍 Sana tuloy pa sa paglipad si bch🚀..
Araw ng linggo ngayon, halinat mag bigay puri at pasasalamat sa taas, sa kanyang mga biyaya at walang tumbas na pagmamahal sa atin❤.
Sobrang init na talaga, umaga palang hindi na maawat ang dalang alinsangan ni summer☀. Ingat po, lagi magdala ng payong at tubig para iwas sa mga sakit lalo na ang heat stroke.
Birthday ng bunso nong Lunes, walang cake at regalo tanging pagkain lang sa jolibee ang request nya. Talaga naman bida ang saya kapag nakakain sila ng chickenjoy☺. Salamat sa Dyos at sa murang edad alam nila ang hirap ng buhay, hindi sila nagpupumilit humingi ng mga bagay na alam nilang hindi ko kayang ibigay. Salamat Ama, sa biyaya ng buhay ng dalawang makulit na ito. Sana ay lumaki silang malusog at hanggang sa pagtanda nila ay masaya lang sa simpleng bagay na mayroon sila, ang importante ay magkasundo silang magkapatid at magdadamayan sa lahat ng bagay.
Magandang hapon kaingay!
Off to bed to have a peaceful sleep after a tiring but productive day, thank you Dear God for another amazing day😊😴.
Sharing you the beautiful picture of my nephew with his favorite pet, they are about to sleep together and wants to wave goodnight to all lovely peepzz in here🐱😽. Till tomorrow, noisemate.
Thank God its Friday. Last day of the week ulit ng online class ni bagets. Pumili na sya ng sarili nyang background at ng selpi pa😄.
Magandang buhay, kaingay! Simula na talaga ng summer, ang tirik na ng init ni haring araw, parang gusto ko tuloy kumain ng halo halo sa chowking🍨.
To the tune of tatlong bibi🎶
May tatlong bata akong nakita, pinaglalaruan hamster ng ate nila
Mataba, mataba, ang mga bata at ang bunso ang pinakasutil talaga🎶🤣
Wala na akong maidugsong kaingay😅, noong busy ang lahat dahil may okasyon nyan sa aming pamilya busy rin ang mga bagets na ito sa alagang hamster ng pinsan nila, gigil na gigil sila lalo na yung pinakamaliit kaya yung may ari hindi napigilan magtampo dahil naawa na sa alaga nya, yung anak ko gusto ng iuwi, hindi pa naman ako mahilig mag alaga ng mga hayop naku-kyutan ako sa kanila pero hindi ko kaya ang responsibilidad para alagaan sila baka mamaho lang sila sa kulungan at mapabayaan ko kaya hanggàng tingin at himas himas lang kami sa alaga ng iba🐈🐇🐥🐕🐨.
Gandang hapon kaingay, tara na't mag meryenda.
Kaganda ng view ng resort na ito, very instragammable lalo na sa gabi. Somewhere in Indang, Cavite matatagpuan nag villa colmenar spring resort. Ang ganda ng place, perfect for family bonding.. Sobrang lamig ng tubig na galing sa bundok, pero enjoy ang lahat lalo na ang mga bagets na sinulit hanggang gabi ang pagligo. Malayo ang lugar pero sulit na sulit sa ganda, ang lamig ng paligid at ang sarap pa ng simoy ng hangin, nakakarefresh pagmasdan ang ganda ng paligid na marami pang puno at kulay berde ang lahat.
Kumusta po kaingày? 2days ako hindi naka bisita dito, nabusy dahil sa aming biglaang family gathering.
Gandang umaga, kaingay. Salamat Lord sa magandang panahon ngayon, papunta kami Tanza para umattend ng kasal, pero sa foods ako mas naeexcite🤣char lang! Matagal na ako sa cavite pero pers time ko palan rin mkakapunta sa Tanza. Naiinip na yung bagets sa byahe, gutom na daw sya😁.
Goodnight lovely fellas, my boys are already having their sweetest dream and i about too, it is already passed 12mn, i have to wake up early coz we are about to attend my cousin's wedding tomorow. It will be a tiring day coz we have 6 kids to look at but for sure it will be unforgetable coz another wonderful couple will bind as one by the grace of God❤.
This is my every night view at bed, i feel so blessed looking at this two wonderful creation. Life is never easy to live but full of reasons to love and be loved❣️. May we have a good sleep😴.
#puyatalways
#lovemykids
#sleeptime
Maulan na gabi kaingay, ang sarap kumain ng tuyu at noodles kapag ganitong panahon. Pero ngayon cake muna ang lalantakan ko, sino ba naman makakatanggi sa super moist chocolatey cake na ituuu🤤, lalo na kung libre diba?😅. Sira na naman ang pagbabawas ko sa matamis na pagkain, nagbake kasi ang pinsan ko at napadalahan naman ako ng masarap nyang homemade cake, nagbebenta rin sya online sa halagang 100 pesos, pero ngayon
bihira na kasi pasukan na naman. Magandagmng gabi po sa lahat!
#food
#dessert
#sweets
Saw this picture on facebook. It says that this is somewhere in Norway, whether this picture is legit or not, the beauty of our world is truly amazing😍. Feels so nice seeing the beautiful moon, right in front of your eyes🌕.
Goodnight everyone, may you have a calm mind as you close your eyes tonight😴.
Totoo kaya to sis @maxie88? Pag balik mo Norway pasama ako, puntahan natin to😂.
Gandang gabi kaingay. Katatapos lang maghapunan at eto kumakain kami este yung bunso ko lang pala ng leche plan para sa dessert, isang subo lang ako kasi ayaw na ako pagbigyan pa😅 kaya nya makaubos ng dalawang lyanera sa isang kainan. Kaya bihira ako gumawa nito eh hindi man lang tumatagal sa ref.. Masarap naman kasi talaga ang lecheplan lalo na kung maraming gatas at pure egg yolk lang..
Ayun na nga kaingay, alas dyes na ng tanghali pero mag aagahan pa lang kami pasok na sa brunch ang aking champorado. Naubusan kasi ng lpg gas kaya naabala ang aking pag luto. Ngayon nalang ulit nakapag luto ng champorado, mas masarap talaga kapag may powder milk pa tapos may tuyo siguradong solb ang tyan. Peborit namin to ng mga junakis ko. Kain po tayo.
Third grading na pero konteng kembot nalang makakaraos na sa kinder yung anak ako😅. Mas stress ako sa module ng kinder eh kesa dun sa isa ko na grade 5. Happy wednesday po!
Who loves yogurt?
My bunso loves it so much, sya ang tirador ng yogurt sa ref kapag may stock, pero bihira lang mangyari yun kasi kapag bumibili ako hindi tumatagal sa ref😅. Sya rin ang taga ubos ng tira ng mga pinsan nya at si kuya naman hindi kumakain nyan kasi maasim raw. Masarap tong flavor na to ng pascual yogurt at mas mura kumpara sa iba (wais mama pa rin ang inyong lingkod kaya dun lang tayo sa mura😅).
Gandang gabi noisemate, mainit ang maghapon ngayon summer is waving na, uso na naman ang swimming lalo na at lumuwag na ang mga protocol ng iatf. Sana tuloy tuloy ng mawala si covid.
Happy lunchtime kaingay. Katatapos ko lang magluto ng ginataang laman ng gabi at may dahon rin, sigurado mapaparami naman lafang ko nito medyo matagal na rin ng huli akong nakapag luto nito. Redi na ang sili at ang kanin, kaya tara po kain na! Mag aala una na pala, tinanghali na kasi ang luto ko kaya late na ang aming lunch. Sa mga hindi pa po kumakain tara na, letssss eat gulay🤤.
Happy sunday po. Salamat po Ama sa araw na ito.
Magandang umaga sabado!☀. Kay bilis ng araw nasa kalahating bwan na naman tayo ng Pebrero. Sabado ngayon, labada day ng mga momshie. Magtutuos kami ng mga anak ko sa module kailangan na matapos ngayon ang lahat ng gawain para sa 2nd quarter.
Nagandahan ako sa flower vase na to, akala ko nong una fresh flowers, maganda tlaga kapag may mga halaman sa loob ng mga shop lalo nakakadagdag ng appeal ng lugar at ang lakas makakonek sa nature kahit simpleng bulaklak lang🌺.
Rise and shine pipol, panibagong araw na naman ng gawain at mga biyaya ang naghihintay sa atin✨.
Newly open lang ang shop na to, at dahil may promo napabili si inday😅. Mainit ang maghapon dito sa amin kaya nag crave ako sa malamig at sakto naman nakita namin to. Milkshake naman ngayon pamalit sa milktea. Late na ang meryenda ko, namili kasi ako ng paninda super dami ng tao sa ultra mega. Usually umaga ako namilili kaya lang kanina marami gawain.
Maganda hapon po sa lahat.
Goodnight lovely people. Salamat po Ama sa araw na ito, sa biyaya ng kalakasan at kalusugan🙏. Ang bilis ng araw malapit naman matapos ang linggo.
Nagandahan ako sa filter ng selpon na samsung ng kapatid ko wala kasing ganyan ang cp ko😁. Mukhang hindi sila nag aaway sa picture na yan pero sa totoong buhay hindi kompleto ang araw nila kapag walang gulo at siguradong iiyak ang isa hehe! Sleep well kaingay, bukas po ulit😴.
Back to module na si bagets📙. Excited pa sya kanina gumawa ng assignments ni teacher, ewan ko lang bukas at sa mga susunod na araw kung ganon pa rin ang mood nya😆. Mas challenging mag turo ng module sa kinder, ito kasi ang foundation nila sa pag aaral, nakakapagod at mahabang pasensya dapat ang mga mama sa pagtuturo para magabayan ng maayos. Madalas mas marami ang away namin habang nag aaral kasi mas marunong pa sa nagtuturo at minsan naman tamad kumilos, iiyak nalang sya kesa sumunod kya kapag ganun hihintayin ko muna mawala topak bago kami mag simula ulit ng aralin. Im sure relate ang mga momshie dyan.
Makatulog na nga, alas dose na pala. Goodnight po sa lahat.
#kindergarten
#kinderkain
#backtoschool
Sobrang sakit ng ulo ko kaingay, at hindi na rin ako nkakain ng hapunan gusto ko lang eh mkahigop ng mainit na sabaw. Sinubùkan ko itong hot cheesy seafood cup noodles, at salamat dito dahil kahit papano guminhawa pakiramdam ko. Lalo sumarap kapag may kapakner na seaweed,bumalanse dun sa lasa ng cheesy na sabaw.
Biglang umulan dito sa amin, simingaw tuloy ang init kasi bglang hinto rin. Pero mamaya presko na yan, masarap matulog. Goodnight na rin po sa lahat
What a very sign to start the week😍. Good morning noisers!! Nagising ako sa lamig, at biglang pag patak ng ulan, ang sarap pa sana matulog pero kailangan ng bumangon at magbanat. Back to school na rin ng mga bagets, kaya sigurado magiging busy ang lunes natin, mga momsh. Pag check ko sa coinsph, kinilig ako kay bch sana tuloy tuloy ang pagberde at makabawi tayo mga lugi😁.
Tara kape na tayo kaingay. Sana maging maganda at produktibo amg ating araw at buong linggo.
Hello noisemate, how was your day?hope you all had a day filled with love and blessing from above. Just dropping by to wish you goodnight😴. Lets leave all the negative vibes that ruined your day and welcome another day full of hope and excitement. Lets claim God blessing be upon us always.
Remember to choose good all time, dont let anger and insecurity penetrate your heart and mind🤗.
Expectation VS reality🤫
The first picture is the one posted by the seller, but the 2nd one was the finished product🤪. My sister ordered that cake for mama's birthday last saturday, she was excited telling me that she got the cake that will surely suit to mama's taste, coz she really loves flower and certified plantlola😁. The cake delivered on time but her excitement was replaced by dismayed🙄, she paid 3k pesos for that. However, the cake itself was delicious but the outcome of the design and size could tell her frustration.
We understand how hard to bake a cake but i hope seller would post her original picture rather than taking from the internet just to have a buyer😁✌. Just sharing my thought. Have a good night everyone😴. Hoping you all had a wonderful day.
Last saturday marked the 70th birthday of my very favorite superhuman. She's my all time superhero, my light and my savior. We prepared a little surprised that made her day extra special and super happy. She is the best mother i could ever asked for. And im so thankful to God and truly honored being one of her daughter❤.
Goodnight noisemate, back to reality tomorrow, need to wake up early and grind again😁.
Gandang gabi kaingay. Hindi ako makapag upload ng picture, super atol ang aking bet bihira na nga makapagonline hindi pa makapag enjoy sa pag iingay,enebeyen🙄. Kaloka c converge talaga ang internet koneksyon sa ating bansa.. Lunes na naman bukas, bak to reality na naman. Naging busy ang aking weekend dahil sa kaarawan ni mama kahapon. Goodnight po sa lahat, salamat sa Panginoon sa isa na naman araw ang lumipas🙏.
Yakapan now, bugbugan laturr🤗.
Kung ganyan lang sana kayo palagi kalambing sa isat isa edi hapi lang, kaya lang mas marami ang away kesa sa mahinahon na laro at usap😅. Ito kasing maliit ang masyadong sutil sa kuya, mabuti nalang matured na si kuya mapagpasensya sa bunso. Libangan nilang dalawa ang mag away pagkatapos ng laro kaya minsan pinagbibigyan ko sabi ko magsuntukan sila sa harapan at ang kung sino ang umiyak may palo pa sa akin, at saka naman sila titigil😆. Pero ganun paman sila ang kayamanan ko, mahirap maging nanay pero masarap at masaya sa pakiramdam. Magu-goodnight lang po talaga kami sa inyo, sana ay naging masaya at produktibo ang buong linggo nyo. Happy week end, kaingay!❤
Freshly picked indian mango🤤.
Craving satisfied ako kaingay, ang sarap ng mangga kapipitas lang sakto dumaan dito si kuya na nagtitinda sila mismo umakyat sa puno, hinaluan ko lang ng asin at asukal at shempre sili perpek na sa akin. Pero mas masarap kung may spicy bagoong sana, paho ang tawag nito sa aming probinsya may tanim nito dati ang tito ko at noong bata pa ako niloloko pa kami na sakanya daw lahat ng nasa dulo na bunga eh lahat nman ng bunga noon nasa dulo talaga😆. Pasensya na sa mga naglaway dyan, ikakain ko nalang po kayo.
Magandang tanghali po!