Breakfast with his bibi pengu. Si pengu ang toy ng bunso ko na hindi nya ipagpapalit sa kahit anung magandang toys n meron sya, lab lab nya talaga yan, minsan nasstress na rin ako kasi kapag hindi nya makita o nailagay nya kung saan ako ang aartehan nya at pag hahanapin. Eto nga at nag aalmusal na sila ngayon😅, at kapag umaalis kami kasama nya rin yan, nakalabas ang mukha kapag ilalagay nya sa bag nya kasi hindi raw makakahinga🙈🤦🏻😅. Pero yan din ang stress releiver nya, kapag tinotopak at napapagalitan ko sya si pengu ang kakampi nya, hanggang sa pagtulog yakap nya. Ganyan rin ba mga chikiting nyo mga momsh?☺ Magandang umaga sa lahat.
No comments yet