read.cash Log in
@Keeian

Nakakainit ng ulo yung mga taong iinum ng bongga tapos sa ibang bahay magwawala😖. Akala ko nung una may aso na umiiyak sa harap namin, nung sinilip ko tao pala, akala ko depressed lang si ate umiiyak sa problema, iyak sya ng iyak habang may kausap sa cp naawa pa ako kasi nakita ko basa rin shorts (baka naihi na rin sya) kaya hinayaan ko lang humilata sa harapan namin kahit na may konteng takot at pangamba rin ako, dedma rin sya sa mga taong nakakakita sa pag ngawa nya, ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin tumitigil narinig ko nalang binato na nya halaman ko at sumuka pa, yun pala sobrang lasing😤. Napalitan ng asar yung awa na naramdaman ko, kung hindi ko pa sya sinabihan na wag nya sirain mga halaman ko hindi pa sya aalis, imbis matutulog pa ako naglinis pa ako ng kalat ng bruha🤧😕. Umiinom rin naman ako pero marunong ako lumugar kapag nasosobrahan na, bad trip yung mga taong ganun na sasagarin ang sarili tapos mgiging perwisyo sa iba. Naikwento ko lang naman kaingay😁, makatulog na nga.. Goodnight po sa lahat.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.