[Tula] Patungkol sa Pag-asa

10 846
Avatar for Jthan
Written by
4 years ago

[Tagalog Language]

Sorry for the inconvenience of my article to those people who can't understand this language. But don't worry, if you are interested in this you can TRANSLATE it in English by google translation.

Ito po ay Tula o malayang taludturan (Spoken Word) katha ng aking kaisipan. Nawa'y inyo pong magustuhan.

Napansin mo ba ang ating kalalagayan ngayon.

Oo, alam ko naman ito ay hindi alintala sa iyo.

Kung papaanong ang pag-ikot ng mundo ay tila salungat sa iyo.

Kung papaanong ang problema ay hindi na matapos-tapos.

Kung papaanong ang mga pangamba't pagkatakot ay di ka na nilubayan.

Kung papaanong ang kadiliman ay lagi mo ng kasama.

Nakikita ko ang sitwasyon na kilalagyan mo.

Ang damdamin na sa iyo ay nagdidikta ng anong dapat mong gawin.

Ang pusong sugatan, na dala'y hinanakit at pagkainggit.

Ang buhay na masalimuot at nakakabangot na lamang.

Maging ang mga sitwasyon na tila sa iyo ay laging na lamang kumakalaban.

Maaari nga tama ka sa inyong mga pagtingin sa buhay.

Tama at totoo ang mga desisyon sa buhay, maging kung papaano mo ito husgahan.

Nakatingin ka sa inyong sitwasyon na tila iba sa iba.

Nakatunghay ang iyong isipan at ito ay nakakulong sa ideya ng mundo,

Nababalutan ng kasinungalingan at pang-aalipin.

Maaaring tama ka nga, ngunit nakakalimutan mo ang PATUNGKOL sa PAG-ASA.

PAG-ASA, maaari ang tanong mo, "Meron pa ba N'yan?"

Meron pa bang liwanag sa walang katapusang kadiliman?

Meron pa bang kasiyahan sa gitna ng kalungkutan?

Meron pa bang masiglang awit sa lahat ng sakit at hinanakit, maging sa kalumbayan?

Meron pa bang tuwa sa puso ng kabiguan?

Meron pa bang ngiti sa mga labi na tila napagod na?

Ang tanong, Meron pa nga ba?

Ang aking lamang tugon, Oo meron pa kaibigan.

Kung mag-iiba ang pananaw mo sa iyong buhay.

Kung babaguhin mo ang iyong pagtingin sa mundo at sa inyong kalalagayan.

Kung iibahin mo ang pinagpopokuusan at tinitignan ng iyong mga mata.

Kung handa ka ng magbago at magsimula muli.

At lalong higit sa lahat kung handa ka ng tumanggap at magpatawad.

Dahil ang katotohanan, ang Pag-asa hindi naman ito nawawala na dapat mong hanapin.

Ito lamang ay iyong tinalikuran at kinalimutan.

P -ara saan pa ang lahat kung wala ka namang matututunan. Huwag kang mainggit o tumingin sa kawalan dahil meron ka naman talaga, matuto ka lang magpahalaga at magpasalamat.

A -ralin mong mabuhay sa kasalukuyan at huwag ng balikan ang nakaraan, oo bahagi iyon na di malilimutan pero hindi mo na dapat pang isapamuhay at gunigunitan man lamang.

G -awin ang naaayon at hindi lamang ang ayon sa bugso ng iyong damdamin. Ang emosyon ay mapanlinlang, Hindi dahil hindi mo madama di nangangahulugan na di na ito tama. Magdesisyon ka lamang na naaayon sa tama.

A -samin mo makita ang mga bagay na hindi mo makita, ang buhay ay hindi patungkol sa mabuti kundi sa masama na nagdulot sa iyo ng mabuti.

S -alungat man ang kaganapan ng buhay sa inaasam mo sa buhay huwag kang manghinawa na mabuhay, magkaroon ka ng mapagpasalamat at kontentong pamumuhay.

A -ng lahat ng ito ay ayon sa plano at desenyo ng Diyos. Mas alam nya ang tama at nararapat kaya't wala tayong karapatang magreklamo at magumon sa takot. Kailangan mo lang magtiwala sa bagay na maaari di mo maunawaan at makita. Sapagkat ang Diyos kailan man hindi magpapabaya sa bawat isa. Huwag ka lamang din magpabaya sa iyong sarili.

Ito lamang ang aking kaisipan kaibigan,

Huwag kang mawalan ng Pag-asa.

Lagi mong tandaan ang Tulang ito, PATUNGKOL SA PAG-ASA.

As the requested of Ma'am @mommykim , Hope you like it.

Related Article of My Own Spoken Word.

LIKE, COMMENT & SUBCRIBE

@Jthan

Sponsors of Jthan
empty
empty
empty

3
$ 0.00
Sponsors of Jthan
empty
empty
empty
Avatar for Jthan
Written by
4 years ago

Comments

napakahusay na tula nakakabilib nakakamangha.

$ 0.00
4 years ago

Salamat sa iyong malugod na papuri sa aking munting katha..

$ 0.00
4 years ago

Woooaaah.. ang galing ng pagkagawa ng iyong tula.. ipagpatuloy mo lang ang paggawa ng tula.. huwag mag alala dahil habang buhay tayong magkakaroon ng pag asa.. hindi man ngayon baka bukas

$ 0.00
4 years ago

Salamat sa malugod na pagpapahayag.. Nawa'y hindi mawala ang pag-asa iyan sa bawat isa.. ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Habang my buhay my PAGASA.. Naka basa din ng tula'ng tagalog sa wakas di nako mag ttranslateโœŒ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Hahaha.. salamat hope you like it ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

You created a meaningful PAGASA๐Ÿคฃ๐Ÿค—โค๏ธโค๏ธ๐Ÿ’•

$ 0.00
4 years ago

hehehe ๐Ÿ˜… thanks ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

waaaahhhhhhhhhhhhhh ang gaNdahhhhhhhhhh tagos na tagos...wahhhhhh salamat baby,,,ang galing galing galing mo!!!! best in Filipino ka siguro sa klase niyo.. thank you for this..print ko para may kopya ako

thanks again!!!

$ 0.00
4 years ago

heheh salamat po ng marami.. sige po sa inyo na po yan.. ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago