(Mʏ 3ʀᴅ Sᴘᴏᴋᴇɴ ᴡᴏʀᴅ MADE)
"Nasan ka ung panahong kailangan kita?" itong ung tanong na paulit ulit kong narinig sayo. Mga tanong na tila ba nawala ako at nang-iwan sa panahon ng kagipitan at paghihirap. Itong ung minsang tanong mo ung naghiwalay ang magulang mo na syang isinisisi mo sa akin. Ung panahong namatay ang inaasahan at pinakamamahal mong kaibigan. Ung panahong nabugbog ka sa lansangan at ni wala man lang tinapon na tingin at pagpansin sayo. Ung panahong sinaktan ka at niloko ng pinakamamahal mo at gusto mo ng mawala sa mundong ni hindi mo alam kung kaaway ka ba o kakampi. Ung pahanon kailangan mo ng maaasahan sapagkat nagigipit ka na sa nagkanda bao-baon utang. Ung panahon na tila hindi ka na makatayo sa higaan at naroon ung pananakit ng ung katawan dahil sa karamdaman.. Oo, alam ko. Alam ko ung mga bagay na yan. At kung tinatanong mo kung nasan ako nyon? Sasabihin ko sayo Ako'y laging nasa iyo.
Nakikita kita, naririnig kita, nauunawaan kita, nararamdaman kita... Oo, totoo alam ko ang lahat lahat sa iyo maging yung mga bagay na di mo masabi na naibubulalas na lang nag iyong mga mata sa pamamagitan ng pagluha ang iyong nararamdaman at maging ang di mo maunawaan. Mga tanong nais mong malaman at masolusyunan..
Oo alam ko nga, at nalalaman ko ang lahat., ngunit wag ka sanang magalit sa panahong ako'y nananahimik sa kabila ng kaguluhan, sa kabila ng kagipitan, sa kabila ng ang dalawang malaking bato'y pilit nag-uumpugan sa iyong kalagitnaan, sa kabila ng mga unos at napakalakas na bagyo sa iyong buhay. Wag mo sana akong husgahan sa panahong di ko man lang pinakinggan ang bawat bulong mo sa hangin, bawat hiling mo at naisin at sa bawat di ko pagpansin sa iyong nararamdaman. Di mo pa nauunawaan.
Alam mo ang mga bagay ngunit dapat mong maunawaan na ang iyong nakikita ay bahagi lamang ng napakalaking kabuuhan. Ang iyong nalalaman ay maliit na piraso lamang ng napakalaking hiyas. Alalahanin mo ang aking iniwang salita hindi kita iniwan ni pinabayaan man. Hindi kita iniwan ni pinabayaan man.
Oo, alam ko at narinig ko na minsan sinabi mo "Na parang wala naman, naparang pinabayaan na lang". Nauunawaan kita, dahil ang totoo kahit ako ay nahihirapan din, nahihirapan din ako na ikaw ay makita kong lumuluha sa panahong di mo maunawaan ang lahat, parang mabigat at sobrang sakit na ng iyong mga dalahin, sa panahong pinilit mo na lang magtiwala sa iba dahil natatagalan ka sa aking sagot, ung panahong ibinaling mo na lang ang lakas at buhay mo sa iba dahil di ka na naniniwala na sasamahan at mamahalin kita,.. oo masakit sa akin na nilalamon ka ng kasalanan at galit sa puso mo dahil sa pagsisi mo sa aking pagkawala na tila iniwan ka. Pero gayon pa man nais kong magtiwala ka sa akin, dahil ang buhay mo sa mundong ito ay di patungkol lang sa iyo kundi ang saysay mo ay patungkol sa iyo na nilikha at sa manlilikha. Ikaw ay may halaga at napakahalaga higit sa mga lahat ng nilalang. Nararanasan mo ang lahat ng iyan dahil nais kong maniwala ka at magtiwala sa akin..
Oo alam kong napakahirap para sayo, pero sa kabila ng napakahirap na ito mayroong napakadali na maaasahan mo ako. Ang nais ko ay makita ang iyong pananampalataya sa akin, paniniwala sa di mo man lang makita, di mo man lang maranasan, di mo man lang mapaniwalaan.. sapagkat Ako ay si ako nga. Di mo mababatid ngunit sa kinalauna'y iyong mauunawaan.
Di ako nawala sa iyo..
"Nasan ako? ", Ako'y laging nasa iyo.
May panahon ang lahat at nawa'y wag mong kainipan iyon sapagkat ang iyong oras ay malayo sa aking oras at ang inyong panahon ay iba sa aking panahon, pero ganon pa man magtiwala ka sa akin dahil maging ang oras at panahon mo ay aking hawak at pinapangalagaan. Di ako nawala, bagama't may panahon talaga na hinahayaan lang kita pero di kita iniwan at pinabayaan. Wag ka na sanag magalit dahil muli kong sasabihin na nawa'y iyong pagkatiwalaan,.. Ako'y Nasa iyo lamang. Hindi kita tinataguan, Asahan mo. Ngunit alam ko sa bandang huli masasabi mo parin,.. "Nasan ka? ", ngunit ito ang aking maiiwang salita, "Ako'y makikita mo at masusumpungan lalong higit kung ika'y matyagang maghahanap sa akin."
Kung naantig at nagustuhan mo ito just upvote and subscribe to me! Also don't forget to write your comment below.
Galing naman, grabe mag isip ng malalim na mga pangungusap.