(Mʏ Fɪʀsᴛ ᴡʀᴏᴛᴇ Sᴘᴏᴋᴇɴ Wᴏʀᴅ)
Nakita kitang nakatanaw sa kawalan,. Oo, nakita kita, kahit hindi ka magpapansin, pansin kita., maniwala ka sa akin sapagkat sa tutuusin mas mahirap kunin ang pansin mo at ibaling sa aking at aking mga salita’t pangako.
Napansin kong nawiwili ka ng mundo at ikaw ay sumasayaw sa saliw ng pag-ikot ng mundo na tila di muna nalalaman ang dahilan kung bakit ka nasa mundo. Nabaling ang iyong pananaw sa pilit na pinapaunawa ng mundo sa iyo ngunit di muna maunawaan ang pananaw na dapat mong ipaunawa sa mundo. Nakita ko ang pagsang-ayon mo…, Oo, ang pagsang-ayon mo sa mundo at sa mga nilikha,… na nalimutan mo ang dahilan ng Maylikha… Sumang-ayon ka sa takbo ng mundo, sa pananaw na ang buhay ay isang gulong na paikot-ikot at walang patutunguhan, sa pagsabing ‘Walang Forever’, sa kawilihan at saya na hatid ng mundo. At maging ang tunay na kasiyahan ay makakamit sa paglait sa iyong kapwa… Oo, sumang-ayon ka, na ang pag-ibig ay napapatunayan sa pagbibigay ng hiyas na syang nawawalan ng halaga. At sumang-ayon ka sa pangako ng tao para sa iyo., Ngunit nakita kita, na sa kabila ng saya nagkukubli ang paghahanap ng tunay na kasiyahan. Nakita kita na nakangiti ngunit sa likod nito’y isang malaking kabalintunaan at ito’y kalungkutan., Oo, sasabihin ko sa’yo, ang pananambitan na paulit-ulit kong pinapaunawa sa mundo ngunit di mo inuunawa, mga salita na maaari mong kapitan ngunit sa iba ka kumapit. Ngayon, hinihingi ko ang pagkakataong ito sapagkat PAGSINABI KO, GAGAWIN KO…
Pagsinabi kong, “HINDI KITA IIWAN”, asahan mong lagi akong nasa tabi mo, ngunit ang di mo maramdaman at para bang wala naman, sapagkat iba ang hanap mo at hindi naman ako na lagi lamang nasa iyo saan ka man pumunta. Kung minsan hinanap mo ako at sayo’y hindi mo matagpuan ngunit sa totoo’y ikaw ang nawawala sapagkat kailanman hindi kita iniwan.. Dumating man ang pagkakataong talikuran mo ako kailanman di kita tatalikuran sapagkat asahan mo hindi kita iiwan. At kailanman hindi kita iiwan,. Maniwala ka sa akin Ako’y laging nasa’ iyo, sumaaking ka lamang.
Pagsinabi kong, “AKO NG BAHALA”, asahan mo, tutuparin ko to ng walang pag-aalinlangan, wag ka ng mangamba… ngunit hindi nangangahulugan na tutunganga ka na nga lang dyan at walang gagawin, ang nais ko’y gawin mo yung bahagi mo at ako ng bahala sa iba. Asahan mo na lagi akong gumagawa sa buhay mo at kumikilos para sa’yo, may pagkakataon na di mo madama at makita sapagkat nakatuon ka sa bagay na gusto mo, hindi sa bagay na gusto ko para sa iyo.. Ninanais mo ng pagbabago ngunit ayaw mo namang magbago. Anak, lagi akong nariyan asahan mo, basta sa lahat ng pagkakataon ibigay mo ang lahat ng abot ng iyong makakaya at ako ng bahala sa iba, H’wag kang mangamba, Akong bahala sa iyo..
Pagsinabi kong, “IKAW NA”, magtiwala ka sapagkat pinagkakatiwalaan kita, maniwala ka mas kilala kita kaysa sa sarili mo., At huwag kang mangamba sapagkat Ikaw ang napili ko hindi dahil sa mahusay at magaling ka sa iba, kundi nais kong maging mas magaling at mahusay ka, sa iba sa pamamagitan ko. Magtiwala ka sa akin, at huwag kang mag-alinlangan sapagkat iba ang pagtingin ng mundo sa aking pagtingin sa iyo. Huwag mong alalahanin ang kakulangan at kapintasan mo sapagkat ito ang dahilan kung bakit ‘Ikaw na’ ang pinili ko.. Ang mundo’y bulag sa pagtingin na nakikita at pinahahalagahan lamang nila’y panlabas na anyo ngunit ang nais ko ang puso mo na syang konektado sa puso ko., sapagkat ikaw ang syang mula sa aking hininga, Maniwala ka, H’wag kang mangamba at mag-alala at ikaw ay magtiwala lamang sa akin..
Pagsinabi kong, “PAGAGALINGIN KITA”, asahan mo at panghawakan mo ang aking mapagpagaling na kamay.. Umasa ka sa akin at sa aki’y magtiwala sapagkat ikaw ay matagal ng inaahon ko sa karamdaman. Maniwala ka lamang at ilagak ang iyong tiwala na gagaling ka sapagkat kailangan ko’y ang pusong nagtitiwala na walang pagdududa’t agam-gam. Huwag kang mangamba., magaling ka na, ngunit may panahon na di mo dama sapagkat ikaw mismo ang lumalapit sa sakit at dito’y nagtatampisaw., Oo, nakita kita,. na ikaw na may buhay ang nagsisisra ng may buhay at sa iyong buhay. Gagaling ka kung papagalingin mo ang sarili mo sa sugat na ikaw mismo ang humiwa, mga pantal na ikaw mismo humampas…., Ngunit gayon pa man, Lumapit ka sa Akin at Pagagalingin kita, asahan mo, Magtiwala ka lamang.
At Pagsinabi kong, “MAHAL KITA”, asahan mo na ito’y aking salita na di paasa na tulad ng narinig mo sa kanya at ito’y nawala. Asahan mong ang pagmamahal ko’y di kailanman mawawala. Asahan mong ito ang pangakong di mapapako sapagkat ako'y napako upang ang mga pangako ko'y kailanman di na mapako. Ito ung pagmamahal na iba sa konsepto ng mundo na mahal na may kapalit at may balik ,.. Ang "Mahal kita" ay di ung minahal kita dahil mahal mo din ako kundi kahit hindi mo ako mahal o ayaw mo man akong mahalin asahan mong "Mahal na mahal parin kita!", asahan mong "Mamahalin Kita" ng walang hinihingin kapalit o anumang balik. Asahan mong itong sinasabi kong "Mahal Kita" ay di lang salita at walang gawa ito'y pinatunayan ko ng ako'y nagpakatao, isinilang na Anak ng tao at namatay alang alang sa pangakong "Mahal Kita" wala akong paki sa anumang nasasabi nila o anumang paratang nila kasi "Mahal Kita"., paulit ulit man ikaw ay magkulang at magkasala wala akong paki kasi "Mahal kasi kita.". Ito ang aking pangako., Asahan mong Mahal kita .,, dahil mahal kita ito ung di nauunawaan ng tao dahil sa mundo ang konsepto ng pagmamahal ay yung mamahalin kita kung mamahalin mo rin ako ngunit ang "Mahal Kita" ay yung kahit hindi mo ako mahal "Mahal Kita" kahit hindi mo ako minahal "Mahal Kita" at kahit hindi mo ako kayang mahalin o ayaw man maniwala at paniwalaan ako "Mahal Kita" sapagkat itong "Mahal Kita" ay di tulad na bigay-balik na pagmamahal kundi ito ung., ibibigay ko ang lahat lahat mabalik ka lang sa akin sapagkat "Mahal Kita."
Maniwala ka sa Aking mga salita’t pangako., sapagkat PAGSINABI KO, GAGAWIN KO!!!
ENTRY ARTICLE @Mj123 Hope It's ok and you like it>.
Onek valo likhechen priyo vai.. Apnar lekhati pore onek valo legeche..All the best.. Thank you