Rambutan po kayo diyan! Naka harvest ulit kami ng rambutan sa puno at marami pa nga sanang natira kaya lang masyadong mataas na banda at maraming antik hehe. Day off ni mister kaya siya muna ang manunundo today at maghahatid kasi busy ang inday sa labahin after nitong rambutan eh labada naman ang haharapin ko hehe. Buti na lang tumigil talaga ang ulan at mahirap ang mga bata maglakad lakad sa daan kapag maulan. Nanundo na din ba kayo ng estudyante ninyo noisefamily?
@JhennyDR in September 2022
Garlic Peanuts Matagal tagal na itong ibinigay ni mama ko sa akin pero hindi ko nailuluto. Medyo naging abala kasi ako sa mga estudyante ko kaya ayun, ngayon after ko maglaba nagka time ako na iluto ito. Habang may ginagawa ako sa harapan ng laptop itong mani ang ka join force ko. Hehe Buti na lang nahangin hanginan pa kanina ang nilabhan ko pero dahil dumidilim na isinilong ko na din. Iba talaga ang sarap sa pakiramdam kapag nakatapos ng labada hehe. Kamusta po sa inyong…
Hapunan mode Hindi ko na hihintayin si hubby para kumain kasi day off niya ngayon kaya maaga aga pa itong kain namin hehe kahit na 9pm na pasado. Pritong isda po, sayang at kaninang tanghali eh gulay na sari sari ang ulam namin kaso itong isda ay late naman na ngayon lang gabi hehe, ganun paman nag enjoy naman ang lahat sa kanilang food. Kain na po muna tayo, kakatapos ko lang mag linis sa kwarto para makahiga na ang mga bata at makapag pahinga ng maaga. It's eating time…
Morning routine "cooking" This is the very first thing I do before getting kids ready to school. Cooking their breakfast is necessary because I want them as all mothers wanting to feed their children before schooling. I preparing healthy and nutritious food for them is really a happy thing to do since it's for our kids sake. I cooked pancit miki or noodles with lots of mix veggies for today's breakfast. By the way, how's your morning everyone?
Tumigil din ang ulan Kanina ko po ito kuha nung may pinuntahan kami ni mister sandali, medyo makulimlim pa rin pero atleast tumigil na ang ulan. Tamang tama maya maya ay mag uuwian na ang mga estudyante ko hehe. Naka handa na ang lunch nila, natutuwa ako bilang mama nila dahil gustong gusto nilang pumasok sa school tapos pag uwian, kanya kanya sila ng kwento kung anong ginawa nila sa school. Kung anong mga pinag aralan nila, kung ilan ang nakuha nila sa quiz nila. Haay…
I miss lumpia Pag uwi ko kanina galing mag hatid sa school, may nadaanan akong bata na nag lalako ng lumpiang gulay. Buti na lang may nadala akong 20 pesos. Kasi itong tatlo ay 20 pesos, hehe. Ang sarap sana kung gagawa na lang sarili kaya lang wala pa akong pang rekado kaya ayun, hehe ito muna. Kakain palang kasi ako ng lunch, ang katerno nito ay yung tirang miki na pancit kanina na niluto ko nung umaga. At ititira ko ang iba kay Ela. Pinipili kasi ni Ela yung nasa loob na…
Orange Rainfall Warning Maaga aga na nag pasundo kanina ang mga teachers hindi kagaya ng regular na oras ng uwian dahil dito sa nareceive na warning alert. Kaya wala pang 3pm nakauwi na ang mga bata. Nalungkot si kuya Mj, pero kailangan kasi lumakas nga ng husto ang ulan kanina pag uwi namin. Sabi ko laro na lang muna sila ni Ela. Tuwang tuwa si Ela at ang dami niya kalaro hehe. Ako naman sinamantala ko agad ang mga gawain kaya ayun, ngayon lang ako nakapag update sa inyo…
Hubby's here finally! He thought kids are still awake, kaya bumili siya nito. Meron daw kasing nagbigay ng tip kaya nakabili siya. Sakto na lumakas ng husto ang ulan kaya tumigil nanaman siya. Kumakain din po ba kayo ng isaw or ng betamax?
Nilagang saba! Kain po tayo ng nilagang saba. Tinernuhan ko ito ng kape lalo na ngayon na maulan pa rin mula kahapon. Walang tigil ang ulan dito sa amin ang kagandahan lang ay pabugso bugso lang ang lakas. Lalakas hihina tapos ang hangin ganun din. Kaya mag ingat po kayo sa kanya kanya ninyong tahanan noisefamily. Keep safe po!
Early lunch! Maaga ang lunch namin kasi nagutom ang mga chikitings. Napagod siguro kakalaro kasi nga sabado today wala silang pasok sa school. Hinayaan ko muna silang maglaro naman para masulit ang oras nila, mamaya kasi assignment time naman. Beans na nilagyan ng itlog po ang niluto ko at ito na rin yung ibabaon ni hubby para mamaya sa breaktime niya. Kayo po ba nag lunch na rin or nagluluto pa noisefamily?
Matamis pala ito! Bata palang ako may nakikita na akong ganito. May mga nadadaanan kaming pinaka puno niya dati pag uwi galing school kasama ng mga kapatid ko. Pero hindi ko alam ang tawag at hindi ko rin alam na kinakain pala siya. Hanggang kanina, nung nag lalakad kami ni mother pauwi, may nadaanan kami na may ganito. Kumuha kami ng ilang piraso sabi ni mama kinakain ito, tikman mo. Ano pong tawag sa inyo nitong pagkain na ito?
Tuyo, ilang pirasong tinapa at gulay Sama sama kami nila mother earth ngayong gabi na naghapunan at ito ang aming ulam. Nakisabay na ako sa kanila kaya mamaya sasamahan ko na lang si mister sa lamesa. Maulan na gabi pa rin hanggang ngayon noisefamily, wala ni isang minuto ang lumipas na hindi umulan kaya ang lamig lamig na talaga dito ngayon sa amin lalo pa at nasa may bundok ang lugar namin. Kaya itong mga ganitong ulam ang swak na swak talaga sa ganitong panahon.…
Pancake! Pancake! Pancake! Maagang nagluto yung kapitbahay namin na nagtitinda ng mga meryenda, mga lutong ulam. Kaya ito po ang naging almusal namin, pancake!🥞 Mahilig pa man din ang mga chikitings ko sa ganito. Hindi ko na kasi nagagawa na makapag luto nito dahil sa maghapon busy hanggang gabi. Sa madaling araw naman ang isang part time ko kaya ayun hehe madaliang luto na lang madalas. Goodmorning everyone! Kain po tayo!
Adobong Sitaw Lunch time na! Medyo late na nga kami hehe kasi mag a alauna na. Dito na din nananghali si mother earth at si bunso. Hindi kasi siya nakapasok sa trabaho medyo sumama ang pakiramdam dahil na rin nababasa siya pag umuuwi kahit naka payong. Sa mga hindi pa po kumakain diyan, tara na po kain na po tayo!
Kikiam po kayo diyan! Magandang hapon noisefamily, still wala pa ring tigil ang ulan. Ang pinaka pahinga ng ulan dito ay ambon tapos lalakas ulit. Haaay sana ay safe ang mga lugar na mabilis umakyat ang tubig. Dito naman sa amin ay safe sa baha dahil medyo mataas ang lugar namin. Nagprito ako nitong kikiam, dala ni bunso at ni mama nung nagpunta sila kanina. Meryenda po tayo, timpla na din tayo ng kape para may pang tulak.
Happy si Little bossing namin! Alam niyo po ba bakit siya happy? Kasi kakatapos niya lang kumain niyan hehe. Aba talagang sabi sakin nung hawak ko ang phone ko, "mama piktyur" (hehe tagalog talaga eh nuh) Ayun napa picture naman din ako kay little bossing. Ngiting busog po talaga yan hehe. Ang galing na magpa cute kapag kukuhanan ng litrato. Ibang iba talaga ang mga chikitings ngayon. Noon kami nahihiya pa kapag pipicturan. Pumupunta pa kami nun sa parang photo studio para…
Happy Monday! Daing na bangus po kayo diyan! Nag almusal naba kayo? Kami kasi ay hindi pa haha, inuna ko na muna pakainin ang mga estudyante ko at inihatid ko sila sa school. Magluluto sana ako ng ginisang repolyo ngayon kaya lang 5:19 na ako nagising. Hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko kaya siguro hindi ko halos narinig ang alarm ko. Buti na lang ay naihabol naman itong cute na cute na longanisa hehe. Thank God at hindi sila na late. Goodmorning po ulit, Tara kape!
Fried banana Meryenda time muna si inday at si little bossing kasi si mister na ang nanundo sa mga chikitings. Nakasalang na din ang aming pananghalian. Haay what a busy morning talaga, kasi naglaba din aku haha. Ngayon lang kasi kami nagkatubig kaya kailangan na maglaba na din. Maulan pa rin sa amin kaya sa loob lang talaga pwede makapag sampay. Anyways, tara na po! Saging na saba muna!
Talbos ng kamote, tinapa na tamban May itlog din hinaluan ko ng patatas at ang hotdog na ilang piraso galing kay mama kanina. Hapunan time nanaman, gumawa ako ng sawsawan hehe bagoong isda na nilagyan ko ng burong sili at suka. Ayos na! Pak na pak na ang hapunan! Kumakain na rin ba kayo noisefam? Aba'y kung hindi pa po tara na!
Pambansang almusal Ito na yata talaga ang pambansang almusal dahil palagi itong hinahanda sa hapag kainan. Kayo din ba madalas niyo ihanda ito sa almusal? Hehe kami kasi talagang suki ito sa umaga. Minsan nga eh sa tanghali, sa meryenda at sa hapunan rin. Hatiran portion na din kanina kaya ngayon eh makakapag ingay muna ng kaunti hehe. Habang nakaupo ang inday.
Tara kape! Let's have some coffee! Medyo tanghali na ang kape ko hehe. Nag asikaso muna sa bahay. At after nitong kape, haharapin ko naman ang walisin sa labas. Guess what? Walang ulan ngayong umaga kaya makakapag linis linis naman sa labas. Kapag maulan kailangan kong tiisin na wag magwalis kahit naaalibadbaran na ako sa itsura ng labas namin puro dahon hehe. Samantalahin ko na ngayon habang walang ulan. Pero siyempre, kape muna!
Lumpiang gulay kayo diyan Good aftiiee.. nagmeryenda naba kayo? Kami ito pasalubong ni mother earth kanina galing siyang bayan dahil hinango na yung mga doormat na ititinda nila sa lugar nila kuya ko. Ito nakalibre sa meryenda. Hehe tara kain! Walang pasok ang mga estudyante ko ngayon kasi may fumigation sila sa school. Uso nanaman talaga ang dengue ngayon kasi malamok dahil sa nagdaang ulan.
Chicharon na bituka Iyan ang tawag ng karamihan dito sa pagkain na ito minsan naman tinatawag din na kropek. Naririnig ko lang kapag may nag lalako nito sa bayan. Sa inyo po anong tawag niyo dito? Kumakain muna ako nito at nakasalang pa yung ulam namin. Napakusot din ako ng alanganin dahil kakailanganin bukas Kaya medyo late na naka salang ng hapunan. Kayo po nagluluto na din ba? O nakakain na?
Tickle girl Siya daw si tickle girl! Yes na yes, night shift kami ni Ela pareho hehe. Nakatulog kasi siya ng alanganin kanina kaya gising pa. Tamang tama may kasama ako maghintay kay papa niya. Goodevening noisefamily, I am still finishing my work and here's my little one drinking milk and also playing with me.
Nilagang saba Goodmorning noisefamily! Another day to thanked God that He wake us up. Thank you Lord for another day. Marami nanaman po kaming pwedeng gawin ngayong araw. Pero bago ang lahat, kain po muna tayo para may lakas. Nilagang saba po ang almusal namin ngayon pero nagsaing pa din ako kasi baka biglang mag kanin ang mga chikitings.
Iinit kaya? O kukulimlim ulit? Kuha ko po ito kanina noisefamily nung pag uwi ko galing maghatid ng mga estudyante. Medyo may fog pa hehe kahit may kaunting sikat na ng araw. Nagdadalawang isip akong ilabas ang sampay dahil didilim at iinit. Struggle is real talaga sa kagaya kong nanay at sa lahat sa atin ang magpatuyo ng damit tuwing maulan. Ang iba ay nag papa laundry na lang din para mabilisan kaya lang na experience ko dati kapag ganitong panahon minsan 4 to 5 days din…
Smigol the Cat Smigol became more closer to Ela nowadays. As I always share here, smigol loves to sleep. Ofcourse, that's the opposite with Ela wanting to play all the time. Smigol is very attentive and alert at the evening but always sleeping at daytime. I always checked Ela with her actions at Smigol because she didn't have full control of her force when it comes to playing. They are playing this morning and just ended now because Ela is having her afternoon nap, and of…
Kape at saging Meryenda time muna tayo noisefamily at kakatapos ko lang magwalis sa labas. Medyo hapon na kasi dahil nagsundo pa ako ng mga estudyante hehe. Kaya ngayon, kape time naman muna. Dapat pag may itutulak may panulak hihi.
Pritong isda for hapunan May tira pang mongo kaya nag prito na lang ako nitong ilang pirasong isda, para maubos pa din ang mongo kailangan sa panahon ngayon tipid as in. Kahit wala na ngang tinitipid haha. Ito tig isa kami ni mister mamaya kasi ang mga bata kumain na, aantayin ko muna siya para may kasabay kumain. Kaya mukhang mapapakape ako ulit nito aba hehe.
Goodmorning noisefamily Hatid mode nanaman sa school nila ngayon. Kanina nung Almusal mode ng mga bata, at ito po ang hinanda ko. Adobong patatas na may kaunting manok, lols. Kaunting manok lang po kasi ang inadobo ko dinamihan ko lang ng patatas at ito na ang ihahalo ko itlog na nilaga. Maya maya tutulungan ko naman maghatid ng mga doormat at mga palaman na peanut butter si mother earth kasi day off ni mister ko ngayon. Kaya may katuwang ako sa pag tingin kay boss Ela.🥰
Meryenda muna! Kakauwi ko lang galing sa pagdala ng mga kanegosyohan ni mother earth. Nadatnan ko itong meryenda hihi, nagluto si mister ng dalawang pancit canton at nagluluto na din siya ng pananghalian namin. Maya maya magsusundo naman ako ng chikitings kaya upo upo muna habang si ela katabi ko naglalaro at ako naman nag iingay muna. Nakaluto na din ba ang mga momshies natin diyan?
Luto time si mister Dahil busy ako sa pagturo sa mga chikitings sa kanilang homework, si mister muna ang nakaduty sa pagluto. Wala naman siyamg ibang maisip na luto sa ilang pirasong manok na tira kanina kaya ipinirito niya na lang hehe. Happy naman ang chikitings kasi gustong gusto nila yan. Ang tagal na mula nung nagluto ako niyan dahil mahal na ulit ang manok kaya madalang na makabili. Madalas gulay kami at isda. Magandang gabi po sa inyo!
Chicken skinless Longanisa Goodmorning everyone! Kamusta po kayong lahat? Kamusta naman po nakatulog po ba kayo? Hehe today is Friday at naku hatiran portion at sunduan portion ulit pero bukas mapapahinga naman ang mga momsh and dads na kagaya ko. Ito po ang almusal ng aking mga estudyante kanina kasi 4am na ako nakatulog at tinapos pa ang ibang need sa work kaya ayun wala pang 2 hours ang tulog. Pero laban lang! Fighting!
Pag prito ang ulam, ano pong bet niyong sawsawan? Kamatis na may toyo or bagoong? Toyo na may kalamansi? Bagoong na may kalamansi? Or Suka na may sili at kaunting patis? Mga subok na sawsawan na talaga namang mapaparami ang kain hehe. Magandang tanghali noisefamily! Kain na po muna tayo, kahapon may pa meeting sa dalawa kong estudyante, ngayon yung sa isa naman. Kaya kailangan na kumain agad agad!
Sharing my invite link to those who wanted to join just click the link or scan the qr code attached below😉 https://noise.app/invite/qbj3xekq So ayun na nga, thank you kay sis @Eries28 sa pag post ng kanyang invite link kasi doon ako nakapag accept. Hindi ko kasi alam anong gagawin pagkagawa ko ng account then ayun nag walk through lang din ako kaya hehe nabasa ko, sakto at nakita ko yung invite link ni sissy, siyempre accept agad agad, wala ng patumpik tumpik pa!🥰…
Hello everyone 👋 it's me! JhennyDR! How are you all doing? I hope you're all doing good and hope that this post finds you well.
Fries! Treat ni kapatid😋 Pagdating galing sa school, nadatnan ko na dito sa bahay si kapatid. Nagpabili siya ng fries nung nakaraan kay hubby at para may niluluto daw sila doon sa bahay nila mother earth pang meryenda. Pero ang ending dito naman din niluto sa bahay. Siyempre tuwang tuwa ang mga kids hehe. Namiss nila ito eh. Buti na nga lang din hindi sila naghahanap ng ganito eh. Dati kasi nakakabili kami nito palagi pang luto pag gusto nila. Pero marami na talagang…
My big Three MJs Goodevening noise family, how are you all? I guess you're preparing for dinner already. Me? Not yet, 😅 maybe later, I'm just having few minutes of rest before the battle in the kitchen begins. Lols. Sharing you our another precious gifts from Almighty God. They are my three students in primary school here in our place. They are the priceless gifts that forever will be special to our family.
Goodmorning noisefamily Almusal mode muna tayo. Makakapagsabay sabay kaming makakakain ngayon kasi walang pasok ang chikitings at si mister maya maya pa ang schedule ng pagpasok sa work. Nagustuhan talaga nila itong luncheon meat ng mekeni kaya lang nagmahal na din siya ngayon. At ito yung tirang skinless pa nung kalahati na binili ko hehe. 70 lang siya kalahati kasi hindi masyadong kilala ang brand pero masarap na din siya. Tara po kain tayu at marami pang naghihintay sakin…
Hindi na makatapos sa pag tutupi!😅 Btw Hello noise cash fam, sharing my invite link and feel free to join po! https://noise.app/invite/rnnvk8gu So ayun na nga po, tupian time ko. At tinignan ko lang saglit yung niluluto ko pero charan, pinakita sakin ni ate Missy itong pic na si Ela eh hinalungkat sa drawer yung mga damit. Ayan ang napag tripan kaya uulit ulit. Pati yung mga nasa gilid haha.. talagang di nakaligtas sa kamay ni Ela 🤣
Ela meets Tophee! Love love niya daw si Tophee, ang cat ng aking kapatid. Kagabi lang siya naiuwi sa bahay nila. Ipinasyal siya dito kaya lang siyempre naninibago pa siya kaya hindi pa makapag harot harot hehe. Pero dun kila mother earth, talaga naman wala siyang tigil sa paglalaro. Hehe
Writing Numbers Kaninang umaga, sa CVC or consonant-vowel-consonant ang topic namin ni Mj. Ngayong hapon sa numbers naman kami para medyo maka aba abante naman din ang alam ni kuya Mj namin. At ayun isa pa, si Smigol, binabantayan si Tophee, nilagay ko muna sa bag niya. Napaka hyper niya, pero nung nilagay ko sa bag niya naka idlip, ayan at may bantay siya haha. Pero maiba ako, meron naba kayong naisip na ulam para mamaya?
Ang cheesy! Popcorn! Grabe makapaglagay ng cheese yung kapatid ko sa popcorn. Di halatang namiss ang cheese flavoured popcorn. Day off niya ngayon at may raket naman siya malapit dito sa amin na pagawa ng washing machine. Parehong sira daw ang washer at ang dryer, kailangang kailangan pa naman ngayon ang dryer para mas mabilis makapagpatuyo. And after nga ng raket niya dumiretso dito, at nagpa popcorn. Grabe siya, makapaglagay ng cheese wagas eh!
One of my pang pagising! Peanuts Namiss ko na ulit ito, kuha ko ito nung last na luto ko ng mani. Dinamihan ko ng bawang, kasi pati mga bata bawang na din ang madalas kinukuha. Kahit si Ela 😅 yes po, pinipili niya din ang bawang basta yung toasted, hindi yung malambot, ayaw niya nun. Pag ganitong inaantok ako sa harap ng laptop, kape at ito ang palagi kong karamay, pero dahil wala ngayon nito, dun tayo sa kape! Tara kape?
Pritong saging Magandang umaga noisefamily, Happy Sunday sa inyong lahat. Maulan kagabi hanggang ngayon kaya pahirapan nanaman makapag patuyo ng damit. Ito nga po pala ang almusal na hinahanda ko, Piniritong saging na saba. Nakatiyempo kasi ng murang saba si mama kung dati 50 pesos ang kuha namin merong naging 20 pesos kaya sawa sawa sa saba hehe.
Adobong sitaw Dahil mura lang ang sitaw, 15 pesos lang siya per tali ayan nag adobo ako ng dalawang tali hehe. Maaga akong naghanda ng tanghalian ngayon noisefam, kasi magbabaon din si mister at maaga aga ang pasok niya. Kaya para minsanan, damihan na 😁 Nagpapak na si Ela, ayan at ngiting tagumpay nanaman ang bebe. Haha
Happy baby healthy tummy! Kanina nagmeryenda sila nung toasted bread. Pero mukhang kinulang ang sa bulilit ku hehe. Napagod yata sa kakasayaw nila ng mga ate niya, buti na lang to the rescue itong si "adobong sitaw" na tira kaninang tanghali. Ayan at busy na siya kumain pero basta may camera game na game pa rin hehe. Meryenda po tayo diyan, ako naman eh magkakape lang.
Corned beef with potatoes and sweet potatoes! Ang haba ng pangalan haha pero ginisang delata lang naman talaga siya hinaluan ko ng kaunting patatas at more more kamote kasi para mas manamis namis siya. Sa mga hindi pa po kumakain diyan, tara na, sabayan niyo na ako magisa lang ako ngayon kakain eh, tapos na kasi kanina pa ang mga bata at kailangan nila makatulog ng maaga. Si mister mo late na daw makakauwi kaya kakain na ako. Sabay kape na rin! Tara!
Goodmorning noise.cash fam! Happy Monday po sa lahat! Maulan nanaman ba sa inyong lugar? Sa amin kasi ay maulan nanaman mula kagabi kaya ang lamig lamig nanaman ngayun. Sana po ay hindi naman malakas ang ulan sa ibang bayan. Nag reready ako ng aking mga estudyante nang mapansin ko na sumisinghot si Mj, dahil siya ay nagkasipon, hindi siya pwedeng pumasok sa school. Pansamantala, dito muna siya sa bahay mag aaral ng pagbabasa. Ganun na kasi ang patakaran lalo na at kailangan…
This is my eldest, During summer ito ang favourite spot namin. Daanan ito para makapunta sa house nila mother earth. Nakakatuwa kasi ang ganda talaga niya, yung puno at ang langit magkatugmang magkatugma ang kulay. Sana kung makikita niyo lang in person ay paniguradong magugustuhan din ninyo ito. Ngayon ay maulan nanaman sa amin kaya di kami makatawid kila mother earth at kailangan doble ingat para di magkasakit ang mga bata. Kaya sana umaraw araw na ulit. Happy Monday…
Almusal mode si little bossing! Again??? Kumain na siya ng almusal kanina pero humihirit pa hehe. Kaya ayan, almusal at baka may matira pa hanggang tanghalian. Ang isda naman, nagbaon na din si mister kaya ito na lang din ang natira. Pwede na pang ulam mamaya. Nakakatuwa at magana kumain ang mga chikitings. May ibang bata kasi na minsan eh matumal kumain, kapag may nararamdaman sila ganun ang nangyayari kaya talagang nakakapanibago para sating mga nagbabantay sa kanila.…
My little cook! Kasama niya mag play kanina si kuya niya dahil walang dahil hindi siya nakapasok sa school at may sipon. Nataon din na may sakit ang teacher nila kaya ayun wala talaga silang pasok. Ngayon nag sosolo na lang si Ela sa cooking playtime niya hehe. Nung unang kuha ko hindi nakatingin pero pag flash eh aba lumingon at nag smile hihi that's the second pic. ☺️
Meryenda time! Pagkagaling manundo sa school, talaga namang tomguts ang mga bata kaya buti na lang merong gawa na tinapay dito sa may kapitbahay namin. Minsan ang ginagawa nila donut minsan naman ito at yung pancake. Siksik siya at malasa!🥰 Sarap isabay sa kape ito, nagkape naba kayo diyan noisefamily? Kung hindi pa tara na po kape na tayo!
Sawsawan na lang kulang! Hello mga ka foodtrip! Magandang gabi! Samahan po ninyo kami sa isang simpleng hapunan na walang usap at kwentuhan. Siyempre pag ganito ang ulam, galit galit muna hehe, focus muna sa pagkain. Ito po ang trip naming food for tonight! Tinapa na tamban at nilagang okra at talbos ng kamote. Grabe namiss ko ang tinapa na tamban, kapartner ng mga nilagang gulay. Tara po kain po tayo! Gumawa na ako ng sawsawan, bagoong na may kalamansi!
Saging po kayo diyan! Magandang umaga noisefamily, nagprito ako ng saging na saba, ginamit ko ay margarine para may dagdag linamnam at kaunting alat alat. Naku buti na lang nakuhanan ko agad ng picture kasi ubos na😅 Nagalmusal naba kayo noisefamily? Kung hindi pa naku hehe same po tayo, nagbalat ako ulit haha at mag piprito ulit. Nagustuhan kasi nila eh
Snack time Kuha ko ito kaninang umaga bago mag lunch. Panghapon kasi ang dalawa kong estudyante kaya may oras pa sila mag snack snack kanina. At naki join din si Ela. Nagluto ako ng popcorn, naka salo din nila si papa nila kasi nandito pa niyan kanina si papa nila. Tuwang tuwa sila sa popcorn kasi namiss nila ito eh. Kailan lang din yung nag treat si kapatid ko nito hehe. Ayun nagcrave lalo, buti na lang at may natira pa nun kaya niluto ko na.
Kid's Snack "Potatoes" Dahil may patatas na tira sa ref, medyo maliliit na siya kaya minsan naiiwan 😅. Ang ginagawa ko sa kanila piniprito ko, para pang meryenda ng aking mga chikitings. At ayan nga po kanina mineryenda nila pagkagaling sa eskwela. Buti na lang nasagip ako ng patatas kasi wala na kaming tinapay at wala na din silang biscuits😅.
Yey! Gising na ang Ela namin! Aling maliit is awake now! And ready again for another day full fun. Thank you God for waking us all up for this another day! Sarap ng tulog ni Ela, malamig nanaman kasi kagabi dahil umuulan kagabi pero mahina lang naman po. Kamusta po ang mga tulog ninyo noise fam? Masarap din po ba? Hehe ako hindi ako bumangon ng 5am ngayon kasi pang hapon pa ang aking mga estudyante kaya halos 6am na ako nagising.😅
Late Lunchiees Ngayon palang makakain ng lunch noisefamily, kasi naghatid pa ako ng lunch nung aking grade 5. Sinusundo ko sana pero nagsabi ang teacher na maiiwan daw sila kasi may nirereview sila. Kaya ayun, alam naman din ng teacher na malapit lapit lang ang bahay namin hehe kadi dati ko na siyang naging teacher. Tara po let's eat!
Luto tayo ng meryenda! Bago manundo ng estudyante, iluto ko na ito hehe. Para sure na pagdating eh kakain na ang mga estudyante ko. For sure mauuna na si Ela mamaya niyan kumain haha. Si smigol naman problemado, di makagala eh. Umuulan kasi kanina kaya wala siyang choice. Stay at home muna! 😅 Buti at hindi naman siya tulog ngayong nakuhanan ko ng picture.
Toffee the baby Cat! Toffee visited us again today. Mom and brother was here earlier with this lovely Toffee. He was very excited to play and play and play with the kids. Toffee and Smigol just sniffed each other but didn't get along yet. Maybe some other time, they will. Smigol was very quiet and just observed Toffee's moves 😅. And at some point, Smigol doesn't want to be carried by my daughter. Tampururot??? Hehe but when Toffee, mom and bro went home, Smigol sits and lay…
May nag lalambing.. Huwag kang mag alala Smigol, ikaw pa din naman ang bibi namin!😽 Nagtutupi ako, alam ko nasa likuran ko siya pero unti unti yatang lumalapit at sumisiksik sa mga damit. Hanggang sa nalilibang ako ayan na siya, may pang unan pa nga.😅 Matampuhin din ba ang mga alaga ninyo noisefamily? At minsan pag may nagawa silang kasalanan or may kailangan sila nag sisimula na silang maglambing hehe.
Goodmorning momshies! Tara kape! Medyo alanganin ako nakatulog kasi nagising si Ela kagabi at biglang lakas ng iyak. Yun pala may maliit na buhok siyang nasa dila kasi tinuturo niya yung bibig niya pag check ko ayun! Hehe buhok pala. Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak. So ayun, imbes na 4:30 ako babangon, nagising ako ng 5am 😅 hindi pa naman sobrang late ang gising haha. Nakapag plantsa naman ako kagabi ng uniforms nila. Dalawa lang ang aking papasok ngayon kaya medyo…
Toffee 😻 and Ela😍 Kanina ko lang ito nakita sa gallery ko. Unang click okay na okay pero second at third click ni ate niya, haha, wala na naloko na, lols. Ang cute nila tignan at talagang nawawala ang inip ni Ela kay Toffee. Kagabi nga bago matulog ay nagsasalita si Ela na, mama ba-lik Toffee, balik Lola, balik tio hehe, namiss niya kaagad. Ayurns, nakapaghatid na ng chikitings kong dalawa. Mamaya tatlo na sila kasi panghapon ang isa ako. Si Ela ma sasad nanaman 😟 kasi wala…
Lunchtime! Nakapag lunch naba kayo? Kung hindi pa tara na po! Nakakain na ang mga chikitings kaya kami naman ngayon. Ulam namin papaya na may saluyot, nakapaglagay lang din ako ng 2 pirasong isda pang palasa lang sa sabaw. Maya maya ay igib naman ng tubig at laba mode ng kaunti. Tapos si mister na ang maghahatid sa mga estudyante namin. Tara po kain tayo!
Nakalabas din! May dalawang bata na tuwang tuwa! Wala kasing ulan ngayon eh. Kaya naman nakalabas sila ng bahay hehe. Naglalaro sila ng habulan or minsan bola tsaka itong "nanay tatay" Natatandaan niyo paba ang larong "nanay tatay" Parang gusto ko tuloy ng tinapay😅
Late lunch As usual late ang ating lunch kapag weekdays noisefamily hehe. Kasi kailangan unahin muna ang mga estudyante. Pritong tilapya at nagluto din ako ng patola na may sotanghon kaso lang di na naabutan ng picture kasi naubos na. Gumawa na lang ako ng sawsawan na toyo mansi para dito sa isda. Tara na kain po tayo!
Blessing Snack Magandang hapon noisefamily, meryenda time na! Kapag may ganitong meryenda na biyaya, tatanggi kapaba? Hehe galing ito kila mother earth. Nandiyan ang kapatid kong isa, siya daw nagluto. Ayiih! Mamaya pupunta ako dun para magkita kita naman ang magkakapatid. Tara na po! Let's have our meryenda na! Pero teka, manunundo pala muna ako haha.
Little Miss Ela Ang layo ng tingin ng bebe ko ah! Siguro nakatingin siya sa mga kalapati na nasa puno hehe. Kuha po ito kahapon kasi ngayon hindi kami nakalabas, sinisipon si Baby Ela. Nahawa na kay kuya Mj niya. Pinainom ko na sila ng oregano juice. Mga ilang araw nanaman ito bago makalabas ulit ang mga chikitings. Ganyan ang gawa ko basta umulan kasi para hindi na yung sumisingaw ang lupa. Anyways kamusta po ang friday ninyo noisefamily? Nakauwi na din ba ang mga…
Maulang morning! Ano pong tawag sa inyo nitong tinapay? Sa amin donut na din hehe. Malambot at mainit init pa kakahango lang. Naglako yung kapitbahay namin kanina, masarap ang tinda nila at talagang babalik balikan. Ayan din at sa second at third pic naku umuulan nanaman nga po. Malabong uminit ng husto ngayong araw kaya naman tiis muna tayo sa loob, maraming banderitas hehe.
Jemjem's to Ela Tatahian ko itong tsinelas ni Jemjem dati na mapupunta na kay Ela. Kapag may napag liitan sila, minsan talagang tinatabi ko lalo na pag pwede pang mapakinabangan kasi ang iba ay binibigay ko din sa mga nangangailangan, ang iba naman nagagamit pa ng aking sumunod na chikiting. Kagaya nitong tsinelas, medyo nabanat na yung daging garter kaya tinanggal ko na dati bago itago. At tada! Pwedeng pwede pa siya kay Ela. Ganyan din ba kayo momshies?
Tinapay na lang kulang! Maulan na hapon noisefamily! Ito po mineryenda namin hehe sabi ko walang tinapay kaya ikain na lang sa kanin itong mainit na sabaw at may itlog din naman. Hindi ako makalabas para bumili at medyo may S si aling maliit ko😅 Habang nakasalang pa yung hapunan namin, ito muna ang kinain nila hehe para lang din malibang si aling maliit at makapag luto ako. Alam niyo na diskarte is the key sa mga nanay na kagaya ko kapag may S ang mga alaga natin na babies…
Sopas with more more sayote at repolyo Magandang gabi noisefamily! Kain na po tayo ng dinner, kanina pa ito luto pero nabusy ako sa ginagawa ko kaya nauna na muna ang chikitings. Ngayon palang ako kakain kasi si mister nagmessage na, late sila ulit ngayon hanggang bukas pa kasi may sale daw kaya late na ang uwi. Kamusta po ang maghapon ninyo? Kami ito okay naman kahit maulan, tuloy lang ang life. Hindi ako nakapag laba, bukas na lang daw kasi ang supply ng tubig kaya bukas…
Breakfast Time! Goodmorning everyone! Happy Sunday! May you have a great and a blessed Sunday noisefamily. What comes into your mind when you woke up? Is it thanking God for another day? Yes that's what comes into our minds because everyday God wake us up. Let's all be grateful and thankful! We have another day to be with our loved ones, to care for them and for ourselves. Another day to pursue our dreams. Another day to cherish and to create memories. Again, goodmorning!…
Adobong Sitaw Late lunchiees! Haay salamat naman at nakatapos na akong maglaba, kaya makakakain na. Hinahabol ko kasi na makatapos habang nandito pa ang supply ng tubig. Kamusta kayo noisefamily? Kamusta ang Sunday so far? I hope you're enjoying your family day or rest day sa mga may rest day today. Sa mga hindi pa po kumakain tara po kain po tayo.
Sweet naman! Mj just woke up from his afternoon nap. At parang si Smigol, kakagising lang din (=^・ェ・^=). Napaka clingy niya pagdating sa mga bata. Talagang pagdating sa mga bata, go with the flow lang si Smigol. Enjoy na enjoy. Kaya mahal na mahal siya ng mga chikitings. Anyways, nagmeryenda naba kayu? Ako mag kakape na muna kasi mamaya mag ccheck pa ako ng mga tuyong damit na nilabhan ko pa nung nakaraan, bukod sa mga nilabhan ko kanina. Basta maulan ang hirap talaga…
Mukhang hindi pa inaantok itong aking aling maliit. Ang mga ate at kuya niya antok na pero siya hindi pa. Kunwari lang itong papungay pungay ng mata pero mamaya pa yan matutulog hehe. Ganito din ba minsan ang mga chikitings niyo? Marami munang seremonyas at commercial bago matulog. Mukhang aantayin niya pa ang papa niya ngayon kaso mga 12midnight na makakauwi si papa niya. Ano pong pinag kaka abalahan ninyo ngayon noisefamily?
Walang S si aling maliit!🥰 Goodmorning everyone! Kamusta po kayong lahat from my aling maliit! Aga aga din nagising basta nakabangon na kami ng mga ate niya at kuya ay gigising na din siya. Pero sa ngayon sila muna ni papa niya ang maglalaro kasi mag hahanda na kami ng pagpasok. Sa ngayon ay naliligo na ang isang ate namin. Si Jemjem ay gumising na din kahit na hindi siya papasok ngayon. May sinat kasi siya kagabi pero ngayon ay wala na. May sipon na lang kaya dito muna siya…
Chicken Shanghai po kayo diyan! Nung nakaraan pa namin ibinalot ito para pag need ng mabilisan na ulam eh meron nang pwedeng maiprito. Mahilig din ba kayo sa ganitong food trip noisefamily? Kahit sino yata sa mga anak ko walang tanggi sa shanghai eh mapa isda, or gulay or itong chicken hehe. Mas prefer ko na rin ang chicken kasi mas mura kaysa sa pork. Alam niyo na mga momsh dun tayo sa mura hindi ba po? Pero okay naman din ang lasa at ang quality.
Magic sand design by Jem Bago ako manundo, kinuhanan ko ng picture itong pinagkaka abalahan nung aking ate Jem sa bahay. Dahil naiinip siya at walang pasok ito ang pinag tuunan ng pansin. Regalo ito ng tita nila para may pinag lalaruan silang magkakapatid. May sakit din pala ang teacher ni Jem kaya wala talaga silang pasok. Haay usong uso ang sakit ngayon kasi sa panahon at talagang ang hirap magkasakit. Kaya mag ingat po tayong lahat.
Patola, kamote at bulaklak ng kalabasa! Namiss ko itong ganitong gulay kasi mahal dito sa amin ang bulaklak ng kalabasa. Medyo mahal din ang kamote sa ngayon ay 25 php ang kalahating kilo dito sa amin. Si mister ko ay nasabik din dito sa gulay hehe kaya sabi niya ito din daw ang ibabaon niya sa trabaho. Tara na po kain muna tayo, kakahatid ko lang sa aking chikitings kaya ngayon kain time muna.
Tara Kape! Grabe ang lakas ng ulan mula pa kanina, walang katigil tigil. Gusto ko ng huminto sa ginagawa ko pero buti na lang meron ako nitong "sulong" hehe sulong talaga kaya go pa rin. Ang lamig kaya napapatimpla ako ng kape eh. Pero alam niyo po ba noisefamily, kung ako eh lamig na lamig si baby Ela, aba eh tulog na nga pinapawisan pa rin😅 hehe.. iba talaga si aling maliit eh.
Clingy Toffee Pagdating na pagdating ko palang sa bahay ni mother earth kanina eh nagpakandong na kaagad itong si Toffee sa akin. Ang sweet niya talaga as in, parang si Smigol din. Pero itong si Toffee since ilang months palang talagang mahilig pa na maglaro madalang siya pumirmi kaya kanina natuwa ako dahil pagkadating ko ayan na siya agad hehe. Naalala ko lang na ishare sa inyo kasi ang cute cute niya😻 Anyways, nagluluto na din ba kayo ng hapunan noisefamily?
Hinding hindi mahihindian! Piniritong manok, hindi mahihindian ng mga bata ito kagaya na nga lang ng anak ko. Hindi nila natanggihan ito kahit na may bigat ang nararamdaman nila. Sabi ko na nga ba at may kakaiba ng nararamdaman itong panganay ko kanina eh. Pansin ko na parang lalagnatin siya hapon palang. Kaya niready ko na yung gamot. Kung nung nakaraang gabi si Jem ang may lagnat, ngayon naman ay itong aking panganay. Basta talaga may isa sa amin or sa kanilang…
Maulang morning noisefamily! Kaya ang unang ginawa ko pagka bangon ay nagtimpla ng kape. Hindi pumasok ang aking mga estudyante ngayon kasi iniisip ko malakas ang ulan kanins. Discretion naman na din ng parents kapag ganun daw na malakas ang ulan eh kung papapasukin ang mga bata. Lalo na kakagaling lang din ni Jem at Mj. Si missy kagabi may lagnat pero ngayon ay okay na siya. Kailangan muna magpagaling ng husto bago ko papasukin para safe din ang mga classmates at hindi…
Alam niyo po ba kung ano ito? Ang cute kapag nabalatan na lahat sila hehe. Mas madali kasi kainin ng mga bata kapag nabalatan na. Kasi ang nangyayari kapag hindi pa nakabalat. Lalapit sila sa akin pag di nila mapiga eh. Kaya ayan, binalatan ko na lahat para kain na lang sila ng kain. Ang kay Ela naman, hinihiwa ko maliliit para wala na rin ang buto. #rambutan
Kain na po tayo! May nagtinda ng tilapya na gloria kung tawagin dito sa amin. Ang isang balot ay nagkakahalaga lamang ng Php50 at nasa 7 to 8 na piraso na siya na ganito kalalaki. Kaya naman siyempre ternuhan natin ng sawsawan na pang malakasan. Let's eat na noisefamily!
Saan daw ang Sun? Nagbabasa si Ela kanina ng mga cards niya pero itong si Sun talaga namang nagtagal kami kasi daw nasaan?😅 Hehe anak maulan ngayon, nagpapahinga si Sun. Sabi ko abangan na lang namin kung kailan ulit sisikat. Hehe Itong aling maliit ko, ayaw na daw niya magtali ng buhok kaya ayan tignan niyo naman noisefamily 😅 gusto niya yang hinahawi hawi niya pa at nahihirapan siya. Sabi ko nga paglaki niya ganun din ang hair niya kila ate niya ngayon, ipit ipit muna.
Wow! Nakareceive din po ba kayo ng ganito? Noise.app is getting better and better noisefamily! Nakakatuwa naman at meron na ding donation na option doon sa noise.app 😊 Anyways, nakapag luto na po ba kayo ng hapunan? Hehe ako nagluluto palang at eto merong ganitong notification sa akin nakakatuwa🥰
Kakain na! Ampalaya with corned beef! Magandang gabi noisefamily! Kumain naba kayo ng hapunan? Kami ay kakain palang po, may nabili ako na corned beef 2 for 45php kaya sinubukan ko ngayon. Pwede na din siyang igisa or itorta at ipang sahog. Tuwang tuwa ako kapag may nabibili ako na naka discount na, masarap at safe pa. Kasi naman sa sobrang mahal na ng mga datihang brand na nabibili ko wala na talaga, hehe wala ng matitira kapag ganun. Kaya buti na lang may mga ibang pwedeng…
My click earlier! Ang ganda kasi ng langit kanina, nakakamangha talaga kapag pinakitaan ka ng mother nature ng ganda niya. Kakaiba palagi, at talaga namang hindi nakakasawa. Marami akong nakikita at nababasa dito at sa noise cash family na in love din pagdating sa nature, sa sky, clouds, trees and all. At I'm proud to say na isa din ako sa kanila( ◜‿◝ )♡ Magandang gabi noise.app family kamusta kayong lahat?
Magandang umaga! Medyo late na nakapag update ang inday noisefamily, ang daming ganap ngayong umaga. Haaay, habang nagluluto, naubusan ng gasul. Medyo dismayado ako sa huling bili na gasul dahil wala naman kaming niluluto na matagal palambutin pero halos wala pang 3 weeks ang tinagal. Samantalang ang gasul namin ay umaabot ng 1 buwan mahigit kasi nagluluto pa ako sa uling. Buti na lang to the rescue ang kapatid ko. Masyado pang malayo ang sweldo at sa hindi inaasahang…
10pairs for 57php!!!😍 Ang galing! Kahit na maninipis lang siya pwede na kasi kung gagamitin lang naman sa pagpasok sa school at lalo na ngayon ay maulan ang hirap magpatuyo. So ayun nga po, nag order yung kapatid ko nung monday ng mga facemasks tapos nakita namin itong medyas. Sabi ko sa kapatid ko baka mamaya eh hindi naman kasya sa mga chikitings ko, pero ayun pagdating ngayon kumasya naman at ang cute ng mga kulay. Grabe ang binili ko kasi dati sa kanila eh 50php for 3…
Malakas nanaman ang ulan Ayan bigay todo nanaman ang ulan dito sa amin ngayon noisefamily kaya naman si Smigol ay giniginaw, at nandito nahiga sa bag ni Jemjem. Talagang nakapamalipit siya at ayaw paistorbo oh ( ͡°ᴥ ͡° ʋ) isang picture lang naman ih. (=^・ェ・^=) mamaya niyan pagkagising niya lalabas nanaman basta walang ulan, aba Smigol ah sinasabi ko sayo ipakilala mo dito yang pinupuntahan mo eh 🤣
Huling nakapaglaro sila sa labas! Meron pa palang mga natirang picture nung huling nakapag laro sila sa labas. Ang ganda ng panahon nun at sobrang namiss na nilang makalabas, hehe pagpasensyahan niyo na po ang paligid at medyo hindi pa ako tapos makapag walis niyan. Inuna ko lang muna na hayaan makalaro ang mga bata sa labas para naman din makatakbo takbo sila. Iba pa rin ang nasa labas eh. Kaya kapag may mga pagkakataon, lumalabas kami para maglaro, maging kaming mag asawa…
Makuha ka sa tingin! (^‿^) Naglalaro lang si Ela kanina sa tabi ko tapos ito ang laro niya sleep daw siya hehe pero may sungit face nemern ang baby namin na yan. Kunwari antok pero kakagising gising niya lang kani kanina haha, napanood niya nanaman sa d billions itong nag i sleep tapos kunwari may ghost tatawag ng mama hehe.. ang galing naman gumaya ng mga chikitings talaga oo.
Dinner time! Ngayon na lang ako ulit nakapag luto ng chicken curry. Ngayon kasi may sobrang gata daw si mama eh baka masira kaya naisipan kong magluto nito. Malinamnam kasi talaga kapag may gata ang curry. Minsan naman kapag wala evap ang dinadagdag ko para dagdag pampalasa. Mas bagay yatang tawagin na gulay curry hehe kasi mas marami ang carrots at patatas kaysa sa karne. Minsan kasi nadadala na ako di naman nauubos eh kaya sinasadya kong kaunti lang ang ilagay, nakatipid…
Ang sweet naman! Alam niyo ba noisefamily kaya love na love ni Ela itong si Smigol namin eh, kahit na anong laro ang gawin nila di naman pumapatol or nagagalit si Smigol kasi alam niyang si Ela ang kalaro niya. Or kahit yung Tatlo ko pang chikitings. Pero kapag ako, haha minsan kapag naiinis na siya talagang aamba siya na kakagatin ako or naninipa haha.. Bat ganyan ka Smigol, si Ela oh kahit daganan ka keri lang hehe.. Pagpasensyahan mo na Ela si Smigol wala ata sa mood…
Langka, pwedeng papakin pero pwede ring matamisin.. Sinend itong picture sa gc ng family namin. Nagharvest nanaman daw sila tiyo at tiya doon ng langka. Ang galing nga kasi talagang walang sira kapag nakapag harvest sila. Mga kamag anakan namin sa Bicol. Bukod sa mga pinapa hinog ay may mga ginugulay din sila lalo na madaming puno ng niyog doon kaya madalas sila makapag gata. Di kagaya dito sa amin na ang mahal hehe kaya buti may puno sila mama pero siyempre di naman parati…
Makulimlim na umaga noisefamily Wala daw pasok ang mga bata ngayon nag message ang kanilang teachers kagabi dahil nasa seminar sila. Sakto naman na ganito ang panahon mukhang bubuhos nanaman ang malakas na ulan. Mag reready na ako ng kanilang almusal dahil tulog pa sila ngayon. Makakapahinga pa sila ng mahaba ngayon dahil wala silang pasok. Ano pong almusal natin diyan?
Meryenda blues! Maulan pa rin, wala pa ring pinagbago hehe ilang araw na. Hindi ako makapag linis sa labas dahil lalabas palang ako para magwalis sana eh aambon na kaagad. Kaya ikain ko na lang ito ng lumpia diba noisefamily? 。◕‿◕。 Nagmeryenda na po ba kayu?
Pritong isda at ampalaya! Tanghalian na! Actually late na nga po ako hehe, ito na din ang normal na pananghalian ko kasi gusto ko muna na mapatapos ang mga bata lalo na si Ela kasi para mas ma focus ko ang pagpapakain sa kanya. Para din mas nakikita ko kung marami naba siya nakain. Pero bago kumain, nag ingay muna haha(。•̀ᴗ-) kasi naman naging part na talaga ng araw araw ko ang pag iingay at pag bisita dito hehe alam ko kayo din.. (^‿^)
Potatoes! Potatoes! Potatoes! Happy ang chikitings, kaya happy din ang nanay hehe. Nagustuhan nila ito mula nung unang nakapagluto ako. Ang taas na kasi ng fries ngayon na dati 85php lang per kilo ngayon ay 135Php na. Kaya ang ginagawa ko noisefam, bumibili ako ng patatas itong niluto ko ngayon ay 2 kilos hehe for 60 php. Kinain din nila hehe at nabusog ng husto. Lalo na si aling maliit. ( ◜‿◝ )♡ Ito namang natira sa amin ni mister.
"Puti" visits us! The moment she came here, this is the spot where she stayed. And it catches my attention and took a picture because she looks cute and adorable. But then suddenly Missy, elder called me and said "look ma, Puti is there again" so I decided to take a picture of Puti again hehe. She will stay here tonight, and maybe for few days more until mom will say Puti can go home. My kids are happy but Smigol is not so happy, lols. They had a short fight earlier, good…
Inutusan ako ni mother earth na bumili ng mani na pang gawa niya ng palaman. At tada ito ang isa sa mga nagustuhan kong kuhanan ng litrato habang nasa biyahe ako kanina. Huminto kasi ang jeep at medyo siyempre naka ready ang phone natin kasi hawak ko. Para sa akin ang ganitong view ay hindi dapat pinapalagpas ang ganda ganda kasi niya. Para bang ang sarap lang titigan. Agree ba kayo noise.app fam?
Kaya mo yan! Anumang hamon ng buhay, kaya natin! Tayo paba, hindi ba noisefamily? Haay medyo sad ang ending ng aking araw. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko eh. Yung naging mali ka pero di naman talaga ikaw ang reason bakit naging mali ang resulta. Sorry noisefamily medyo magulo hehe. Pero ang mahalaga naman eh nung mabasa ko itong nasa kape. Nabuhayan ako ng loob kasi wala naman akong masabihan in person dito. Kaya ishare ko na lang din sa inyo. Baka may mga…
Midnight Snack and dinner Sobrang late na ng aking dinner. Kaya kung mapapansin ninyo sa mga madalas kong nakakausap dito sa noise, wala akong dinner entry. Medyo tuliro ang lola niyo kanina as in. Hanggang sa ayun, nagkape at nag ingay ulit dito and then nabasa ko ang mga inspirational messages ng ating family dito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso sobra. Yung alam mong may kadamay ka na nandiyan lang, handa kang pangaralan, handa kang tulungan. Pero pinaka the best sa…
Pancit Miki Goodmorning noisefamily, almusal mode po muna tayo. Maganda ang morning ngayon kasi di maulan ang umaga. Makakapag linis na ako sa labas. Pero bago ang lahat kakain muna tayo. Nakakalungkot pala na balita, at mabuti na lang din mula nung magka sipon, at lagnat ang estudyante ko di ko na muna pinapasok. Kasi sa kani kanilang classroom ay may nakapasok at nakalusot na may lagnat. Kaya mabuti na lang bago magsimula ang klase nag do double check ng temperature ang…
Pritong sikin! Pambansang paborito na yata ito ng buong bayan eh, ano po? Ito na lang yung niluto ko kanina na pang dagdag sa pancit miki. Kasi may natira pa, kaya lang eh magbabaon daw si mister kaya nagdagdag na lang ako ng ulam. Grabe ang lakas na ng ulan dito sa amin ngayon, kung kailan ang dami kong nilabhan haha. Kaya din hindi ko kayo nabisita mula kanina ay naging abala ang inday sa labada. Nakapag linis din ng mga dapat linisin at i brush habang may supply ng tubig.…
Smigol! Pwesto daw ni Puti yan! Hindi kasi halata sa picture pero nagagalit na si Puti niyan kanina. Ito naman kasing si Smigol, aba eh nakapwesto na diyan si Puti umalis lang saglit aba, naki pwesto na doon. Samantalang hindi ka naman pumupunta diyan dati, haay naku Smigol, nag papapansin yata kay mama niya hehe. Naku lubos lubosing mo na kasi mamaya uuwi na si Puti.
Coffee while on duty! Nakatapos na ako ng gawaing bahay at pause muna sa gawaing nanay hihi, duty muna aku for now. Pause lang sa gawaing nanay kasi maya maya ay meron ulit gawain, alam yan ng ating mga noisematesmom di po ba? Hehe Mamaya din ay to be continued ang gawaing bahay hihi, enjoy ko muna ang coffee at tatapusin ang duty.
Clay and finger paints May bago nanaman silang gagamitin sa mga arts nila. Mahilig talaga ang mga bata ngayon sa mga arts. Mas nahilig ang mga anak ko nung nagka pandemya kasi madalas sa loob lang sila ng bahay. Kaya noon, nag iisip ako ng mga activities na pwede naming gawin kahit nasa loob lang ng bahay, at isa na nga dito ay ang pag drawing at pag paint. Salamat sa aking ate, sa mga paints na pinadala niya sa mga chikitings ku. Kamusta kayo noise.app fam? Malamig din ba…
Panganay at bunso Selfie muna bago sleep itong dalawa kong chikiting kanina. Ayaw makisali ng dalawa pa hehe busy pa sila sa sala at tinatabi ang mga ginamit nila pang drawing nung humiga itong dalawa na ito. Kahit na walang pasok bukas kailangan pa rin maaga silang matulog para mas makabawi bawi ng lakas. Noong hindi pa kasi face to face ay late na talaga sila nakakatulog, pero ngayon hindi na yun maaari at kawawa naman sila pagod na sa school. Minsan pa nga ay sila mismo…
Mapagpalang umaga sa ating lahat! Sumikat si haring araw, wala munang ulan mula kaninang madaling araw dito sa lugar namin. Nakakamiss ang gumising ng maaga at walang ulan. Kasi mas maraming nagagawa sa labas. Naririnig ko na ulit sa umaga sa pagising ang huni ng mga ibon at iba't ibang insekto kasi nung mga nakaraang linggo ay puro huni ng palaka na ang lalakas hehe ngayon back to normal, pero hanggang kailan kaya ito? Hehe
Ayiih! Lab lab niya naman si "davayow" Huli pero di kulong, lamig na lamig si Smigol, diyan pa ba naman kasi tumapat sa may nakabukas na electric fan. Nagpapalamig ng baon si mister at ayan nung chineck ko kung pwede na balutin aba, huli ka!!! Medyo misteryoso ang name nitong toy na ito noisefamily. Si Ela kasi ang nagpangalan sa kanya at hanggang ngayon ay di namin magets hehe. Basta pag tinanong namin siya kung anong name nitong red ninja na ito sinasabi ni Ela "davayow"…
Adobski! Tanghalian na po, hindi late ang lunch ko ngayon infairness hihi. Kanina pa kumakain si Ela actually, hehe kaya to be continued ulit ngayon hehe. Nakakita ako kanina ng post about sa adobo din. Wala kaming saba or patatas na naihalo itlog na lang ang nilagay ko dahil ang mga bata mahilig din naman sila sa itlog hehe. Kain na po tayo!
Ang cheeezy ng popcorn! Nagluto ako ng popcorn at sabi ko kay ate Missy siya na ang maglagay ng cheese. Aba, sumobra ata ang cheese hehe. Pero ito naman po ay hindi pa gaanong nahahalo nung kinuhanan ko ng picture. Habang nanonood sila ng "Treasure Planet" ayan kumakain sila siyempre kasalo din ako, habang nag iingay naman. Sino po may gusto ng popcorn, noise.app fam?
Kikiam Medyo malutong ang pagkakaluto ko kasi mas gusto ko yung medyo tustado parang mas masarap siya for me hehe. Gustong gusto din naman ng mga chikitings. Kahit walang sauce ay pak na pak na. Nagmeryenda kana din ba sis, and bro?
Playtime before bedtime Bago matulog may mga commercial breaks pa muna talaga itong aking little bossing hehe. Ngayon tinuro ko sa kanya ang mga nagagawang shapes ng mga kamay natin at daliri. Alam niya na kasi ang shapes pero natuwa ako sa reaction niya nung magaya niya yung ginawa ko na shapes sa kamay. Natuwa siya at kinikilig na sinasabi kung anong shape ang nagawa niya kagaya ng triangle, circle at heart. May pa puso pa ang little bossing ko, kahit di masiyadong mukhang…
Almusal na po tayo! Mag almusal muna kami noisefamily, bago mag check ng nga dapat i check. Kasi nag send ang kuya ko ng picture dito sa live tracker and forecast ng zoom earth, na malapit dito sa amin dadaan ang bagyo mamayang gabi. Stay safe po ang lahat at maging handa. Sana naman hindi ito kagaya ng mga nakaraang super lakas na bagyo lalo na at sawali lang ang dingding nitong aming tinitirhan at marurupok na ang mga yero na iba. Ngayon palang after ng almusal i ccheck na…
Thank you for the blessings! Goodmorning everyone here at noise.app, kamusta po kayong lahat? Sana ay safe po tayong lahat sa bagyo lalo na mamayang gabi at may papadaan nanaman na bagyo and na inform kami ng aking kuya na malapit lapit dito sa aming lugar. Ganunpaman, salamat pong muli sa maagang pa blessings. Madaling araw palang yata ay nag iikot na si santa sa atin. Nakakatuwa kasi unexpected talaga siya kaya salamat po, sobrang salamat. Magandang umaga po sa inyong…
Pag ka bangon ni Jemjem kanina, aba may pa second higa pa ulit sa upuan hehe. Ayan at nakuhanan ko pa sila ni Smigol oh. Sarap sin ng tulog nitong si Smigol. Mukhang antok na antok pa ang ate Jemjem namin na yan kasi naman eh ang aga niya nagising kanina madaling araw. Umidlip lang ulit siya tapos ayan na ang totoong gising ko sa kanya hehe, antok mode pa rin. Nasanay na sila na 5am minsan 4:30 sila bumabangon kasi sa school nila hehe.
Mongo for lunch Balik sa normal na oras ng lunch hehe ala una kasi po nabusy sa pag aayos at pag asikaso ng mga dapat ayusin kasi nag tanggal na kami ng ibang gamit malapit sa bintana at baka mamaya eh bigla na lang umulan ng malakas. For now, kain muna ng lunch, sabado pero mongo hehe. Nalate po kasi ang hirap magpalambot nito kailangan matagal talaga nakahanap ako ng kaunting kahoy kahoy para palambutin ito kanina sa lutuan sa labas hehe.
Safety First Mukhang malakas talaga itong bagyo na ito. Nag cancel na nga pasok ang pamunuan dito sa lugar ng zambales dahil nga sa banta ng bagyong karding. Signal number 3 na po dito sa amin at may mga lugar na din na nag sisimula ng umulan ngayon. Please po magingat po tayong lahat. Ang hirap nito nag aalala ako pag pauwi na si mister ko mamayang gabi galing sa trabaho. Sana ay pauwiin sila ng mas maaga.
Meryenda Banana Kanina pa si Ela nag sasabi ng mama "ba-nana" hinihiwalay niya kasi pag sinasabi ang "ba-nana" hehe kaya natutuwa ako lalo. Tapos hindi na nga nagpaawat ang aming little bossing. Nagluto na nga ako ng saba na saging, sa margarine ko ito pinirito kasi parang may extra saltiness at butterness ang lasa hehe. Basta ayun na yun kakaiba kasi kaysa sa mantika lang siya niluto. Eh ang mahal pa rin ng mantika kahit papano nakakatipid hihi. Tara po meryenda tayo, yes…
Nandito na ang ulan :( ingat po tayong lahat at sana naman ay safe din ang mga kababayan natin sa napanood ko kanina sa news. Nai share ko na din itong aming banana, isa sa paborito ni Ela na meryenda. Hindi lang pala si Ela, lahat ng aking apat na anak. Nakasalang pa kasi ang hapunan namin kaya ito pinagbigyan ko na si Ela sa kanyang "ba-nana" Ang iba din nating mga momsh, dito ay nakita ko nagluluto na kasi nga naman baka mamaya eh mawalan ng kuryente mas mahirap magluto…
Pritong Isda at Tirang Mongo kanina para sa hapunan! Naghapunan na po ba kayo? Ako ay ngayon palang mag hahapunan, sabayan niyo na po ako. Medyo kinakabahan ako sa pagdaan ng super typhoon karding dito sa aming bayan. Ang sabi ng nag iikot na kagawad ay alas dos daw ng madaling araw ang daan dito. Kapag mamaya ay humina ang ulan at hangin dito sa amin baka itatawid namin ang mga bata kila mama. Mas safe kasi doon dahil dito sa amin maraming nakapaligid na matataas na puno.…
Pagod much yarn? Nang dahil sa isang maliit na abaw abaw o salagubang ayan nalaglag na sa kung saan itong si Smigol pero habol pa rin siya ng habol. Hanggang natapakan niya pa yung crates na may laman na mga tools at ibang materyales ni mister ko. Buti at di naman siya nasugat pero medyo iika ika na siya kanina. Kasi naman, iba nanaman ang trip mo Smigol ko, hindi lang nakagala etong binata ko aba, insekto naman ang pinag diskitahan, ayan plakda ka tuloy ngayon bing.
Red Alert 😔 Weather update as of now 2:35am Grabe na ang lakas ng ulan at hangin ngayon dito sa amin. Sana po ay safe lang lahat. Nakakatakot ang hangin at ulan pag nagsabay. At ang dami na ding nagsisibagsakan na sanga. Mabuti na lang at dito sa amin hindi kami binabaha. Noise family mag ingat po kayo. Mag ingat po lahat tayo. Lord God please po sana po ay protektahan po ninyo ang mga kababayan namin na nasa lugar ng mga binabaha. Lord ingatan niyo po kami.…
Bantay mode kami ngayon noise.app fam, kamusta kayo sa inyong lugar? Dito sa amin sa zambales nag simula na kanina pang 2am ang lakas ng hangin at ulan. Walang humpay hanggang ngayon :( kaya talagang nakabantay kami ni mister ko. Mabuti na lang kanina maliliit lang ang mga sanga ng mga puno na bumagsak sa bubungan. At salamat talaga sa mga puno na nandito sa aming tinitirhan kasi hindi lang siya iisa. Marami silang puno na halos mag kaka sintaas na kaya ang hangin ay hindi…
Kamusta po kayong lahat? Sana po ay safe po tayong lahat. Ngayon palang ako nakapag update dahil nabusy sa pag aayos ng ibang gamit na nabasa. Sa wakas nakaupo na din ang inday. Pahinga mode muna at talagang masakit yung balakang ko kakabuhat at lipat ng gamit kanina. Kain po tayo ng nilagang saba. Kahapon kasi nagprito ako ng saba. Ngayon nilaga naman yung natira. Again, ingat po tayong lahat noisefamily!
Sitaw at kalabasa Magandang tanghali po, grabe makulimlim pa rin sa amin kahit mag aala- una na. Dahil late ang almusal kanina hehe late na din ang lunch naming lahat ng mga bata. Busy si Aling maliit nagpapak lang halos ng sitaw, naiwan ang kanin😅
Late lunch ang mama, late lunch din ang bebe! (^‿^) Sabay din kasi kami nag almusal at medyo late na din kanina yun. Kaya ayan ang resulta hehe pareho kaming late lunch ng mga chikitings. Kamusta po kayo noise.app fam, kamusta po sa inyong lugar sana po ay safe po kayong lahat. Medyo kumalma ang panahon ngayon pero madilim pa rin dito sa amin. #zambales
Pilipit na soft version Nagtinda ang kapitbahay namin ng donut at itong pilipit. Kahit na hindi na siya mainit masarap at malambot pa rin. Tamang tama na iterno sa kape. Ito nanaman ang oras ng isipan, isipan ng ihahain sa hapunan, nakaisip na naba kayo diyan noisefamily?
Aba! Mag i-iskul na ang Bebe Ela? Happy ang baby Ela namin kanina at ito ang napag diskitahan niyang laruin hehe. Ang sukat sukat ng sapatos ng ate niya. Bigay lang po itong shoes na ito sa anak ko kasi hindi magkasya sa anak nung nagbigay, kaya lang hindi din kumasya sa anak ko hehe. Kaya ayan si Ela ang nag susuot. Lols. Kumain naba kayo guys? Ako waiting pa kay mister para join force na kami mamaya kumain ng hapunan.
Left or right? Pili na! Kakauwi lang ni mister kani kanina at kakatapos lang namin kumain nag luto ako ng noodles kasi nangangatog ako sa lamig. Hindi na kailangan pang mag bukas ng electric fan dahil akala mo naka aircon sa lamig ang klima dito ngayon. At ito na nga may pa hula hula hoop, pa itong si Baby Ela. Si aling maliit "left o right" daw. Kasi nakita niya ito sa pinapanood nila ng mga ate niya sa tv hehe ayan ginaya niya na nga po. Hehe
Kitty the Cat Goodmorning! This is my brother's cat, Kitty, he is very fond of sleeping just like Smigol. Look at his position, he immediately run to my brother the moment he went to bed for nap and they both sleep. This is a picture taken by my sister-in-law, this picture was sent to our family group chat and really made our day!
Nilagang okra at talbos ng kamote Bagoong lang katapat nito at paniguradong taob ang kaldero! Sino po dito ang mahilig din sa ganitong mga ulam yung simple lang pero pang malakasan. Madali lang itong lutuin hehe ilalaga ko palang kaya tamang tama ito sa alas dose. Nakapagluto na ako kanina ng baon ni mister beans na may itlog pero may naglako nito kaya di ko matanggihan kasi mas type ko ang ganitong ulam hihi.
Meryenda na tayu! Second cup of coffee with magic flakes, kasi sabi nila apat dapat! Hehe naalala ko bigla yung commercial nitong magic flakes noisefamily eh. Ang lutong nito nakakamiss din yung ganitong meryenda tapos isasawsaw sa kapeng mainit. May kagaya ko ba dito ngayon na nagkakape hihi
Tophee, New sleeping buddy of Smigol! Smigol and Tophee play along together earlier when mom brought Tophee here. She went here because she will be doing some errands and need someone to look after Tophee. Ofcourse I'm available hehe, ako paba? And also my kids would love that. Tophee, staying here is very enjoyable for my kids too. I think Tophee enjoyed a lot that's why he is sleepy again right now. Hihi Happy afternoon everyone, how are you all?
Nung kumain kami sa labas!😅 Throwback Pic po nung maaraw pa! Medyo matagal tagal na rin itong picture na ito, kuha ng aking mister nung kumain kami sa labas. Akala mo talaga kung anong labas eh ano hehe yun pala sa labas lang ng bahay. Masarap kasing balik balikan ang ganitong memories lalo na nakita ko sa phone ko itong pic na ito. Kaloka kasi ang panahon natin ngayon, aaraw tapos mamaya uulan. Dito sa amin di na nagawang matuyo ng lupa at talaga namang walang araw na hindi…
Cooking time Nakasalang na ang aming hapunan, ito po gulay ulit ang hapunan namin ngayong gabi. Halo halo na gulay po kagaya ng kalabasa, sitaw may okra at may ampalaya din. Dati nakakabili lang isang balot dito nito sa amin 10 to 15 pesos pero ngayon ito ay 25 pesos na. Ang laki ng itinaas ano po, kaya kung dati ay nakakapag gisa ako ng 3 ngayon 2 balot na lang muna hehe kasya pa din naman para sa pamilya. Tapos sakto may tuyo ako na ilang piraso ipiprito ko din yun mamaya 😁
Happy Baby Ela She patiently wait for her Papa to come home. It's 23:35pm here already and finally she wants to go to bed as she had a short chit-chat with her Papa and also they played a little bit. They ate biscuit together and tada, she's ready for bed. This is one of Ela's routine everytime it's bedtime, she can't sleep or she's having a hard time unless she wait for her Papa. Good job today my little bossing, another day is about to end I hope you all will be having a…
Pandelemon at peanut butter Almusal mode muna, ang aga kong lumagari kailangan mag sideline pero mabilisan lang naman na deliver. Kaya ngayon palang ako makakaupo. Nakakalungkot dahil di pa nakakapasok ang mga chikitings ko, at bago sila pumasok kailangan muna kumuha ng medical certificate sa barangay kaya kailangan magaling na sila ng husto. Ang hirap talaga pag may sakit ang bata.
Nasa noise.app na kanaba? Sharing my invite link po everyone!🥰 Thankieee. https://noise.app/invite/nbjisvmn Lunch time na at pritong isda ang aming ulam, marami nanaman nakain si Ate Jem, dahil mahilig siya mag simot ng isda. Nag gawa naman ako ng sawsawan na kamatis at sibuyas tapos may toyo, kaya ayun taob ang kaldero hehe. Naparami nga daw ang kain ni mister biglang inantok kaso may pasok siya sa work kaya hayun at nag biyahe na. Kayo po ba naglunch na?
Throwback Pic na hindi na upload😅 Sorry po, kahapon kasi first time kong mag post dito sa channel na ito. Tapos kanina ko lang nakita na wala pala yung picture. Haay buti na lang binalikan ko kasi medyo mahaba haba ang kwento ko doon tapos wala yung picture na tinutukoy ko 😅 kalerki. Nyay. Kaya ito na po posting my photo, kailan kaya ulit kami makakakain sa labas, tanong ng anak ko. Sabi ko pag nag tuloy tuloy na ang araw. Naiinis daw siya kasi pag akala niya aaraw na, maya…
My little one is growing up so fast! Before when I put you down on the bed, you just stay where you are and not makulit. But now look at you anak, you're getting bigger and bigger. I wish and I pray that you grow well and have faith in God. This was taken last March when we're going to the vaccination site for my big three kid's vaccination. Just like that, ang laki na niya, na dati eh nasa sinapupunan ko pa. Parang hinihipan ang araw sa bilis ng paglipas.
Peanut butter in the making! Nagluluto na si mother ng mani para mapalamig na at tamang tama ito maaga bukas maipapagiling na. Kasi may mga orders siya bukas ng hapon, thank God at marami pong mga new customers ang aking mother. Nagustuhan kasi nila dahil puro itong palaman na gawa ni mother earth ko. Magandang hapon noisefamily, isip isip na tayo ng ating lulutuin para sa hapunan hehe, ako nag iisip na mag gulay ulit hehe.
Ang cutiiee! Dumating na yung isang budol order ng ate ko. Ayaw niya daw mag install ng shoppee pero sa akin siya nag papa order para sa anak niya. At ito na nga ang cute ng mga clip na dumating. At ang dami niya, per pack 14pcs na clip. Sana magtagal ito at hindi agad masira para rin hindi sayang ang pinang bili. Pero kung lalaruin ng chikiting niya ay baka 1 week lang hehe hindi na makita kung nasaan na at nakahalo na sa laruan. Sino pong momsh ang relate dito? Yung minsan…
Pak na pak na ulam! Talbos na kamote na nilaga, may bagoong at suka na sawsawan plus maliliit na tinapa na tamban. Grabe ang solb solb ng hapunan kahit ganito ang ulam. Sa 15php na talbos ng kamote ang dami ng makakain. Wala pang matalbos ulit doon sa talbusan ni mother kaya need muna bumili. Kayo po nag dinner naba?
Magandang umaga noisefamily! On my way to school and to our community health center. Balik ako ulit para makapag tanong kung anong araw aakyat ang doctor para makapag pa tingin at makahingi na kami ng MC. Almusal mode kanina nag tinapay lang muna kami at yung peanut butter. Gusto pa ni Ela mag papak pero hindi pwede baka naman ang bumbum niya mahirapan hihi.
Kakain na! Nakakita ako kahapon ng halo halong gulay hehe kaya parang nasabik nanaman kami sa ganung ulam kahit na nung isang araw ganito din ang ulam namin( ◜‿◝ ) May ampalaya, talong, sitaw at kalabasa wala lang siyang okra kasi nagmahal yata ang okra ngayon. Let's eat na po!🥰
Mother earth's budol! Another budol, pero this time hindi ito pina order ng aking ate kundi ang aking mother earth. Ang cute niya may palawit pa na keme na genyern. Sana matibay din siya kahit papaano at makapal kapal pa naman ang hair ni mama. Sa presyong 49php, sa tingin niyo noise.app fam, sulit kaya siya?
Little and petite cheese sticks! Requested by my second born Jem. She will be turning 9 tomorrow, September 30. And this is one of her wish for their snack today. Sabi ko kasi hindi pa sure kung makakapagluto bukas. At nakakatuwa kasi sabi niya, okay lang daw basta daw kumpleto kami tsaka gumaling na sila ay okay na. Pero siyempre nakabili na ako ng pang luto ng pancit para bukas hihi. Hindi niya alam ang alam niya yung gulay ay para sa ulam hehe.
Paksiw na tilapia Kakatapos lang ng aming dinner at ito po pahinga muna ng kaunti. Duty done na din kaya mamaya medyo may time pa ako bago mag browse ng ibang lessons. Medyo late nanaman po akong nakapag update ngayon noisefamily kasi nabusy kanina sa labada at nagkaroon kami ng supply ng tubig. Kaya bago magluto kanina eh laba mode din muna. I know, many nanays/moms can relate hehe.
Jemjem's Birthday today! Mamaya ay mag luluto ako kahit pancit kasi gusto ni Jemjem yun. Pancit tapos maraming gulay. Ito po ang inalmusal nila ngayon. Ito yung binigay ng tito nila kagabi custard cake daw yata ang tawag dito hehe hindi po ako sure eh. At siyempre ako naman nag kakape muna at mag lalabas ako ng mga sinampay, medyo sumisikat ang araw eh sayang naman para maka tuyo tayu!
Cheese sticks made by my kids! Yesterday, they are busy wrapping cheese for their snack. They know that I am busy with work and also with chores so they volunteer to help me making their snack. And end up that they learned so fast, that they finished already without my help. It's so easy, my eldest said. Sabi ko naman oh diba, basta talaga gusto ninyo madali at kaya ninyong matutunan eh. Good job kids. Hehe kapag may wrapper pa mag babalot pa sila di nila naubos ang cheese.
Happy ang chikitings! May nabili ako nung nakaraan pero ngayon lang nila nakain kasi malamig ito. Medyo okay okay naman na ang kanilang lalamunan. Dating 8php daw ang isa nito pero nabili ko siya sa 8php dalawa na. Sino bang hindi mapapabili, pero chineck ko din ang expiration date. Nag babalak nanaman mag cheese stick ang mga batang ito , di pa ako nakapag check ng wrapper kaya ito muna ang aking binigay. Masarap siya hehe siyempre tinikman ko yung kay Ela hihi.
Luto na po ang Pancit! This is it! Maaga agang nakaluto kaya siyempre maaga agang makakakain hehe. Kami kami lang naman din ang nandito kaya keri bels na. Dinamihan ko ng gulay kahit na kaunti lang ang sahog na manok at kikiam ay swak na sa panlasa ng aking chikitings. Meron ding gagawin si biyenan ko na Shanghai daw mamaya pero chicken shanghai siya hindi pork. Hehe At itong luncheon meat naman na dapat ulam namin ng tanghalian magiging hapunan na yata kasi pansit na ang…
Enjoy na enjoy sa pagkain ng pancit ang kuya Mj ko, at di niya alam na kukuhanan ko siya ng picture hehe nagulat na lang nung mag flash( ◜‿◝ ) kaya second take ko itong shinare ko na picture. Ang hindi ko kasi magets ay kung bakit dalawa ang tinidor niya. Siguro okay pa kung kutsara at tinidor eh kaya natawa ako, lols. Pero sabi niya dalawa daw kasi pancit daw kaya tinidor, sabi ko di naman need na dalawa haha. Iba talaga minsan ang logic ng bata eh. Magandang tanghali po,…
My second born Jemjem! Napakabilis ng panahon anak, happy happy birthday ate Jemjem namin. Dati kaunti lang ang hair mo, napaka nipis ng buhok ni ate Jemjem dati sa kanilang apat siya ang pinaka manipis pero ngayon natupad mo yung wish mo nung bata kapa na gusto mo mahaba ang buhok mo para magawa yung mga ipit na design. I love you anak! Salamat din po noise family sa mga bumati sa aming Jemjem sa kabilang platform. Magandang hapon sa inyong lahat! Kain po tayo ng pancit!
May mga ginutom ulit! Bago matulog talagang nagutom pa ang chikitings kanina. Ayan at naki join din ang bebe Ela namin. Sinusubukan sana nilang hintayin si papa nila kaya lang inantok na bago pa dumating. Pero si Ela ay naku energetic pa din. Ang mga chikitings talaga walang kapaguran at wala din halos kabusugan hehe. Kamusta po kayo noisefamily, magandang gabi. Ang lakas ng ulan ngayon dito sa amin, stay safe po sa lahat.
Royal! Ilabas ang kulet! ┏(^0^)┛ 🎶┌(・。・)┘🎶 (^∇^)ノ🎶 Naalala niyo paba ang commercial ng "royal" ? Hubby's here finally! It's almost 12midnight here and I am really sleepy but because of this pasalubong or treat from hubby's boss, nagising ang diwa ko. Kala mo naman talaga eh maiinom ko ito hehe. Nang treat daw si bossing nila pero dahil alam niyang baka sumama ang pakiramdam niya dito, inuwi niya na lang para ibigay daw sa akin hehe. Kaso di ko rin ito maiinom pa dahil baka…