Happy si Little bossing namin! Alam niyo po ba bakit siya happy? Kasi kakatapos niya lang kumain niyan hehe. Aba talagang sabi sakin nung hawak ko ang phone ko, "mama piktyur" (hehe tagalog talaga eh nuh) Ayun napa picture naman din ako kay little bossing. Ngiting busog po talaga yan hehe. Ang galing na magpa cute kapag kukuhanan ng litrato. Ibang iba talaga ang mga chikitings ngayon. Noon kami nahihiya pa kapag pipicturan. Pumupunta pa kami nun sa parang photo studio para magpakuha ng picture noon pagkagaling sa simbahan. Di kagaya ngayon naku kahit saan basta may dala kang phone eh makakapag picture kana. By the way, kumain naba kayo noisefamily? Si little bossing maagang kumain hehe.
1 comment
Apaka cute naman niyang bossing na iyan hihi. Naka peace sign pa oh, busog nga sya haha.