Toffee 😻 and Ela😍 Kanina ko lang ito nakita sa gallery ko. Unang click okay na okay pero second at third click ni ate niya, haha, wala na naloko na, lols. Ang cute nila tignan at talagang nawawala ang inip ni Ela kay Toffee. Kagabi nga bago matulog ay nagsasalita si Ela na, mama ba-lik Toffee, balik Lola, balik tio hehe, namiss niya kaagad. Ayurns, nakapaghatid na ng chikitings kong dalawa. Mamaya tatlo na sila kasi panghapon ang isa ako. Si Ela ma sasad nanaman 😟 kasi wala siyang kalaro pero ngayon unti unti niya naiintindihan na need nila ate at kuya mag school.
No comments yet