I miss lumpia Pag uwi ko kanina galing mag hatid sa school, may nadaanan akong bata na nag lalako ng lumpiang gulay. Buti na lang may nadala akong 20 pesos. Kasi itong tatlo ay 20 pesos, hehe. Ang sarap sana kung gagawa na lang sarili kaya lang wala pa akong pang rekado kaya ayun, hehe ito muna. Kakain palang kasi ako ng lunch, ang katerno nito ay yung tirang miki na pancit kanina na niluto ko nung umaga. At ititira ko ang iba kay Ela. Pinipili kasi ni Ela yung nasa loob na gulay maliban sa toge hehe, ayaw niya pa ngayong ng toge yung iba lang. Kain po tayo!
3 comments
Perfect partner sissy miki pancit at yan lumpia na binili mo.
Enjoy sis! Sulit na rin for 20 pesos ah, pati pala si Ela ay gusto niyan daig nanaman ako haha
Ang sarap nian sissy. Gulay na lumpia yta iyan