Tara kape! Let's have some coffee! Medyo tanghali na ang kape ko hehe. Nag asikaso muna sa bahay. At after nitong kape, haharapin ko naman ang walisin sa labas. Guess what? Walang ulan ngayong umaga kaya makakapag linis linis naman sa labas. Kapag maulan kailangan kong tiisin na wag magwalis kahit naaalibadbaran na ako sa itsura ng labas namin puro dahon hehe. Samantalahin ko na ngayon habang walang ulan. Pero siyempre, kape muna!
4 comments
Hirap kasi kapag basa no sis nadikit ang mga dahon. Samin din medyo may araw na kaya ang mga bandiritas sa loob ng bahay ay nailalabas na haha
Pinasok ko na ulit sis ang benderitas. Naku umulan din kanina
Same tayo sis. Kaso sakin paubos na. Hehe hindi kumpleto ang araw ng hindi nakakapagkape.
Oo nga eh, kasi naman sis bata palang yata ako eh sanay na ako sa kape. Yung kape namin noon bigas hehe. Almusal namin isasabay sa sinangag