Gandang gabi ka read.cash fam. Kumusta ang araw natin diyan? Ok lang ba kayo or stress ng konti? Sana nasa mabuti kayong kalagayan at panatilihin ang pagiging positibo sa buhay. Wag padadala sa problema kasi ang lahat may solusyon kaya laban lang. Manalangin lang lagi sa poong maykapal at wag sana kalimutan na may dios pa naman tayo na laging nakasubaybay sa mga buhay buhay natin dito sa lupa.
Ngayong gabi may kwento ako sa inyo kung ano ako sa kabataan ko non. Dahil new generation na tayo ngayon wala na akong nakikitang nagbabasa ng tagalog novels. Pero sa panahon ko noon halos di na ako kumakain kasi gusto ko matapos agad ang isang buong storya ng pocketbook.
Sino dito ang adik sa tagalog pocketbooks? Taas ang paa este kamay pala hahaha. May paborito din ba kayong authors? Kasi ako meron talaga. Tanging si Helen Meriz lang talaga ang pinaka paborito ko non na author. Maganda kasi kwento nya as in true to life story talaga. Sino ba naman ang di bebeleb sa kanya.
Batang 90's
Di uso ang gadgets noon sa panahon ko. Ni wala nga akong cellphone hanggang nag college ako pero may computer subject naman. Beeper lng ang uso sa panahon ko at isa lang ang meron sa school namin kasi mayaman yun eh, rich kid ika nga. Pero nakahawak ako ng beeper niya nong nagpractice sila sa ng bacsketball kasi player siya. Dahil sa kapilyahan ko pinindot ko lahat hahaha ang cute kasi parang laruan lang.
Pero masaya naman ako sa pagbabasa ng pocketbook kasi lumilipad imagination ko at feeling ko andon ako๐ . Ganyan ang epekto ng pocketbook non sa akin at kaya kung basahin ang 5 pocketbooks in 1 day lang. Di ako nagpapahiram sa kaklase ko pag di ko pa natapos basahin lahat. Mga adik din mga kaklase ko dati at minsan nga nirerentahan pa nila.
Bumibili ako non kasi pag nagrerenta ka lang minsan kulang ang pages niya so mabibitin ka sa kwento. Minsan din relate much ako sa nababasa ko kasi meron din naman topics si Helen Meriz na pang teenagers.
Bearer is the owner
May nabasa ako dati sa pocketbook na ang sinagot ni girl ay ang kaibigan ng nanliligaw sa kanya. So bearer is the owner talaga ang show, which is nangyari talaga sa akin hahaha. Di ko rin alam bat ganun ang set up ko. Kasi ang kaibigan nya ang lagi kung kausap kasi nahihiya si Enrico sa akin kaya nadevelop tuloy kami ng kaibigan niya.
Tuwing birthday ko, pasko at new year may cards ako natatanggap galing sa kanya pero ngayon di na uso diba. Masaya pag may kasintahan ka at nagiging makulay ang araw ko pag kasama siya. Pero nagkahiwalay din kami non kasi nag college siya sa Gensan at ako 4th year highschool pa lang. Pero wala kaming formal break up talaga.
Nakakamiss din ang panahon na masaya na ako pag nakakabasa ako ng maraming pocketbooks. Kahit gaano pa karami yan ay di ko aatrasan. Magkano na kaya eto ngayon kasi sa panahon ko non nasa 50php ata tsaka 5php pag nagrent ka for 1 day. Naging business ko din ang pocketbooks ko kaya kumikita pa din ako kahit tapos ko ng basahin lahat.
Relate ba kayo sa buhay pocketbooks? If yes, your free to share your experience in comment section.
Authors message:
Di lahat ng alaala makakalimutan natin bagkus atin pa ding sariwain dahil naging parte ng buhay natin ang nakaraan. Tanging alaala na lang ang lahat ng napagdaanan natin sa buhay at pwede nating baguhin sa tamang paraan. Nasa tao lang yan kung paano dalhin ang sitwasyon na kinakaharap sa buhay.
Hanggang dito na lang po ang kwento ko at sana nagustuhan niyo ang buhay kabataan ko. Naway pagpalain kayo ng panginoong dios at salamat sa lahat ng nagbigay ng oras para basahin ang artikulo ko.
Photo credits from google
November 15,2021 Monday
9:40pm
Philipppines
The fighter mom,
Jeansapphire39
Yung nag discuss si teacher tapos naglagay ako ng libro sa aking desk yun pala nagbabasa ng pocketbooks hahaha naalala ko lang kilig Toda max lang kami dati hilig ko din yan pocketbooks hiramin kami sa mga kaklase ko barter kung tawagin.