read.cash Log in

@Jdrsantos

Joined 19 August 2021 · 30 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

J@Jdrsantos

Madaya ang paghusga ng tao. Kapag malungkot, ang mapupuna nila ay mahirap kang pasiyahin. Kapag nakita kang umiiyak ay mahina kang tao. Kapag nakaramdam ka ng pagod at nasaksihan nila ito, madali kang sumuko. Hindi nila nakikita kung paano mo labanan ang lungkot. Kung paano mo pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha. Hindi nila naaaninag sa iyo ang tapang sa pagharap sa araw-araw na laban ng buhay, na kahit isang porsyento na lang sa isang daan ang pag-asang pinanghahawakan mo, ay ilalaban mo pa. Kapit lang. Hindi naman kailangang makita nila ang tama sa ginagawa mo. Hindi mo obligasyong pasayahin sila, hindi mo utang na loob ang papuri nila kung sakali. Ang mahalaga, kilala mo kung sino ka, at kung paano mo ipanalo araw-araw ang mga laban mo, kahit hindi palaging masaya. Hayaan mo lang sila, pagod ka na masyado para idagdag pa sila sa isipin mo.😢

J@Jdrsantos

β€œIf you feel like you’re losing everything, Remember that trees lose their leaves every year and they still stand tall and wait for better days to come.”

J@Jdrsantos

People will walk in and walk out of your life, but the one whose footstep made a long lasting impression is the one you should never allow to walk out. πŸ’›

J@Jdrsantos

Nagsimula kong maramdaman ang ganito. 'yong parang gusto kong ilayo ang sarili sa lahat, ayaw kumausap, ayaw magpahanap. Mabilis na tatakbo, hindi lilingon. Magkukinwaring walang maririnig na sigaw mula sa kanila. Gusto ko lang mapag-isa. Tumago sandali, 'yong hindi ako kakabahan na baka may magtanong kung kumusta na ako. 'Yong hindi ko kailangang kasinungalingan ang isagot na π‘Žπ‘¦π‘œπ‘  π‘™π‘Žπ‘›π‘”, π‘Žπ‘¦π‘œπ‘  π‘›π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘›. Gusto ko lang malimutan sandali ang pakiramdam na nakikipagpatintero ako sa oras. Gusto ko lang muling mabuhay. Makalayo pansamantala sa ingay ng paligid. Maranasan muna ang mabingi sa katahimikan. Hanapin ang sariling liwanag sa madilim na pinagdadaanan. Mag-isa. 'Yong hindi ko muna kailangang isipin ang iba. Dahil sa araw-araw na nilalamon ako ng lungkotβ€” parang nakapapagod na ang bumangon. 😢

J@Jdrsantos

When someone judge you based on a small part of what they see and how they interpret that, remember how much you've overcome. Smile and keep on walking as you don't have a single thing to prove to anyone else.

J@Jdrsantos

You will get to the point where you are ready to forget and face tomorrow alone. 🌻

J@Jdrsantos

Nakatatamad minsan ang kumilos.Tipong wala kang sakit, pero parang napakabigat ng iyong katawan. Hinihila ka ng antok at tila ba gusto mo itong tugunin sa pamamagitan ng pagpikit. Tapos sa gitna ng katahimikan, maririnig mo ang mga isiping nagsusumigaw sa loob ng isipanβ€” sapat naman ang hangin, ngunit mabigat at malalim ang bawat paghinga. Ito 'yong pagod na hindi mo alam kung paano ipahinga. Parang hindi sapat na hihiga ka, iidlip hanggang sa dalawin ka saglit ng panaginip. Kapag ka ganito, parang gusto ko na lang maglaho muna, 'yong walang makakikita na tumutulo ang aking mga luha. Kasi sa totoo lang, pagod na talaga. Sadyang sinusubukan na lang talagang umusad pa.

J@Jdrsantos

Ika'y dumating na parang ihip ng hangin Ako'y nakahinga dahil sa 'yo Tadhana ma'y 'di natin pwedeng alamin Liliwanag ang daan tungo sa 'yo Dito ka lang sa puso ko Kung ito'y pag-ibig nga, takot ay 'di na dama Dito ka lang palagi sa aking tabi Lahat kayang harapin kung dito ka lang. πŸ˜…

J@Jdrsantos

'yong expectations sa'yo ng tao ang pinaka nakasasakal sa lahat. Tipong parang bawat galaw mo ay may CCTV camera para sabihin kung tama o mali ka. Napakalaking kahinaan ang pag-iyak, kabaliwan kapag masyado kang nagpakita ng nalungkot. Ito 'yong mga bagay na hinihila ka para malunod, 'yong sasabihin at magiging tingin sa'yo ng ibang tao. Hindi mo obligasyong pasiyahin sila, pero wala kang magagawa. Mapa kamag-anak o hindi kilala, unli puna, unli tsismis kapag nakatalikod ka. Ganito umiikot ang buhay ng tao, kaya mas kailangan mong doblehin ang suot na maskara, para hindi nila mahalatang napapagod ka na; na nakapapagod na sila. Kaya mas maging matapang ka, para sa iyo rin 'yan. Pumikit ka na lang kapag sila'y nakatingin, magbingi-bingihan kapag sila'y may sasabihin. Palihim kang bumuntong hininga, sabay laban ulit. Hayaan mo sila, iyan lang naman ang magiging ambag nila sa buhay moβ€” ang may sabihin at makialam. Huwag mong ipakitang apektado ka, dahil pupusta ako.... Lalo lang silang matutuwa.

J@Jdrsantos

May mga araw talaga na pagod tayo. Pero bakit parang araw araw na lang? 😢

J@Jdrsantos

Exchanging energy is real. That's why you align yourself with someone that's equally yoked and willing to pour into the same cup because your life force can be drained. 🌻

J@Jdrsantos

Think and act with love and not with pride. Even how smart, wise and experienced you are in this life, may mga panahon pa rin na kakailanganin mo ang tulong ng iba. Aminin natin, we don't know everything. We're not always right. We're not always okay. And during these times, God's help comes in different ways. It can be through His Word, people, situations etc. So be kind. Be humble. Be teachable. 😊

J@Jdrsantos

𝐡𝑒 π‘ π‘œπ‘šπ‘’π‘œπ‘›π‘’'𝑠 π‘šπ‘œπ‘œπ‘› π‘œπ‘› π‘Ž π‘‘π‘Žπ‘Ÿπ‘˜ β„Žπ‘œπ‘π‘’π‘™π‘’π‘ π‘  π‘›π‘–π‘”β„Žπ‘‘ πŸ–€πŸ₯€

J@Jdrsantos

β€œSometimes, You just need a break. In a beautiful place. Alone. To figure everything out.β€πŸ‚

J@Jdrsantos

Madaming bagay ang hindi na pwedeng ulitin, Kaya kung masaya ka palagi mong sulitin.😊

J@Jdrsantos

TURN YOUR WORRIES INTO WORSHIP AND WATCH GOD TURN YOUR BATTLES INTO BLESSINGS! FAITH DOES NOT MAKE THINGS EASY, BUT IT MAKES THEM POSSIBLE! πŸ’Ž So kapatid, just look through the eyes of faith. πŸ˜‡

J@Jdrsantos

Pain. Yan ung ginagamit sa pamimingwit para makakuha Ng isda.. Wag mo ng englisin para hindi masakit🀣✌🏼

J@Jdrsantos

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw yung tama." Be thankful when someone corrects or rebukes you. Minsan, tayo pa yung galit kapag napagsasabihan tayo. Tayo pa yung naiinis kapag may nakitang mali sa atin. Masakit naman talagang makatanggap ng correction, pero gusto kong malaman mo na dito, matututo at lalago ka. Give more room for improvement. Kaya, be always willing to listen and obey. Be teachable. Napagsasabihan ka, kasi mahal ka.

J@Jdrsantos

YUNG PARA BANG WALANG NAGMAMAHAL SAYO... May mga panahon talagang pakiramdam mo walang nagmamahal sayo. Yung para bang galit ang natatanggap mo. Yung hindi ka pinapansin ng mga inaasahan mo. Yung hindi ka nabibigyang panahon ng mga pinapahalagahan mo. Yung para bang kahit na yung nag iisa na lang na tinuturing mong kakampi tumalikod sayo. Minsan, masasambit mo sa sarili mo, Mahalaga ba ako? Alam ko mabigat sa kalooban pero bago mo sana isipan yan, Balik ka lang sa Panginoon. Siya na nagmamahal sayo ng lubusan. Kapag Sakanya mo nahanap ang iyong halaga hindi ka basta basta mapupuruhan sa sasabihin at ipaparamdam ng kahit sino man. Sana mapalitan ng saya ang lungkot diyan sa puso mo.πŸ’•

J@Jdrsantos

Grabe yung satisfaction pag nahanap mo na yung sarili mo after losing yourself for a very long period of time. Na finally alam mo na yung gusto mo, alam mo na yung worth mo, at may control ka na sa paligid mo. Yung unti unti nakakaahon ka sa dilim, greater na ung hope para magpatuloy. 😊

J@Jdrsantos

What is coming is better than what is gone. 🧑

J@Jdrsantos

Piliin mo sumaya Kasi kahit nong oras pwedi ka mawala.πŸ€—

J@Jdrsantos

β€œEven if i have a million choices, I'd still choose you.”

J@Jdrsantos

Yung sa kaadikan mo sa milktea, nabigyan ka tuloy ng t shirt. πŸ˜… Madalas kasing stressed kaya kelangan ng stress reliever. πŸ˜…

J@Jdrsantos

Yung acidic ka pero panay ka kape, pero sige lang maluwag pa naman ang langit. 🀣

J@Jdrsantos

Take a break from worrying about what you can't control. Live a little. πŸ–€

J@Jdrsantos

Thank you for making me feel loved, valued, and appreciated for a long period of time. You'll always be my once upon a time but not my story that ends with happy ending. We'll always be pinagtagpo pero hindi tinadhana. My tahanan that turns into tahan na. Until we met again,my almost. See you in the other side? The sunset is beautiful isn't ? :)

J@Jdrsantos

Kapag walang mapagsabihan, sa Diyos ikwento at iiyak lahat yan. 😊 Laban! πŸ”₯

J@Jdrsantos

Yung akala mo makakabawi ka na ulit... Nakainis, no? Kapag matagal mong pinlano yung isang bagay tapos biglang hindi natuloy. Yung akala mo makakabawi ka na, makakapagsimula ka na ulit, makakapagsipag ka na, tapos bigla na lang...magkakaroon ka ng problema, nawalan ka ng pera o nagkasakit ka. Kaya minsan, hindi mo maiwasang tanungin ang sarili mo, " Para sa akin pa ba talaga?". Pero paano kung para sayo talaga? Alam ko mahirap paniwalaan kapag mabigat ang kalooban but maybe this unexpected and unwanted circumstances teach us to finally let go of the idea about "CONTROL". It does not mean we go with the flow. It means we go with the LORD. That the next time we do something, we put our hope not in the works of our hands but in the beauty of His plans. Let go. Let GOD. ❀