Madaya ang paghusga ng tao. Kapag malungkot, ang mapupuna nila ay mahirap kang pasiyahin. Kapag nakita kang umiiyak ay mahina kang tao. Kapag nakaramdam ka ng pagod at nasaksihan nila ito, madali kang sumuko. Hindi nila nakikita kung paano mo labanan ang lungkot. Kung paano mo pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha. Hindi nila naaaninag sa iyo ang tapang sa pagharap sa araw-araw na laban ng buhay, na kahit isang porsyento na lang sa isang daan ang pag-asang pinanghahawakan mo, ay ilalaban mo pa. Kapit lang. Hindi naman kailangang makita nila ang tama sa ginagawa mo. Hindi mo obligasyong pasayahin sila, hindi mo utang na loob ang papuri nila kung sakali. Ang mahalaga, kilala mo kung sino ka, at kung paano mo ipanalo araw-araw ang mga laban mo, kahit hindi palaging masaya. Hayaan mo lang sila, pagod ka na masyado para idagdag pa sila sa isipin mo.😶
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Exactly, learn the to master deadmatology😆😂