Nagsimula kong maramdaman ang ganito. 'yong parang gusto kong ilayo ang sarili sa lahat, ayaw kumausap, ayaw magpahanap. Mabilis na tatakbo, hindi lilingon. Magkukinwaring walang maririnig na sigaw mula sa kanila. Gusto ko lang mapag-isa. Tumago sandali, 'yong hindi ako kakabahan na baka may magtanong kung kumusta na ako. 'Yong hindi ko kailangang kasinungalingan ang isagot na 𝑎𝑦𝑜𝑠 𝑙𝑎𝑛𝑔, 𝑎𝑦𝑜𝑠 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛. Gusto ko lang malimutan sandali ang pakiramdam na nakikipagpatintero ako sa oras. Gusto ko lang muling mabuhay. Makalayo pansamantala sa ingay ng paligid. Maranasan muna ang mabingi sa katahimikan. Hanapin ang sariling liwanag sa madilim na pinagdadaanan. Mag-isa. 'Yong hindi ko muna kailangang isipin ang iba. Dahil sa araw-araw na nilalamon ako ng lungkot— parang nakapapagod na ang bumangon. 😶
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet